CHAPTER 2

59.7K 1.6K 96
                                    

INIBA KO SIYA HEHE PERO DON'T WORRY NANDITO PA DIN SI NEIA.


LORELEI


     "TULALA KA diyan." Napakurap ako ng tapikin ako ni Charlotte.

"Pinuntahan ka ni Colm kagabi diba?." Sabi ni Thirteen. "Anong nangyari?"

Nilapit nilang lahat ang muka sakin at naghihintay ng isasagot ko.

"W-Wala." Tugon ko. "Sabi niya lang aalis siya kaya hindi siya makakapunta dito."

"Kakatampo!" Sumimangot si Three. "Bakit sayo nagpaalam!?"

"Oo nga, tapos sa'min nagbilin lang." Sabi ni Five. "Wag ka daw naming pabayaan."

"Tama na nga yan." Sabad ni Eight. "Alagaan na lang nating mabuti itong si Twenty dahil mukang espesyal siya kay Colm natin."


"Sang ayon ako kay Eight." Inakbayan ako ni Eleven. "Ayusin natin para may pasalubong tayo kay Colm."

"Hindi n'yo naman kailangang gawin yun." Nginitian ko sila. "Ayos lang naman ako."

"Hindi pwede yun, Pamilya tayo dito." Sabi ni Charlotte. "Kaya dapat bonding lang tayo lagi, wag tayong maging malungkot."

"Tama si Five." Sabi ni Sixteen. "Kaya magbasa tayo."

"Nakakainip yun, mag-manicure na lang tayo." Suhestiyon ni Seventeen.

"Ano ba kayo, dapat celebration ang gawin natin dahil may nadagdag sa Pamilya." Sabi ni Nineteen. "Swimming!"

Nagkatinginan naman sila.

"POOL PARTY!" Sabay sabay nilang sigaw kaya napatakip ako sa tenga ko.

Ang hyper nila, bigla ko tuloy namiss ang big teddy bear ko, si Emery.

"Wag ka ng mag emote diyan." May humila sakin patayo. "Let's go na sa Pool."

"Oo nga, kami ng bahala muna nila Thirteen at Fourteen sa mga pagkain at inumin." Sabi ni Twelve

Wala na akong nagawa ng hilahin nila ako, lumabas kami ng bahay at bungad sa'min ang malawak na bakuran, may mga magagandang halamang nakatanim at may mga naka-men in black na ultimong estatwa na nakakalat.

Dinala nila ako sa gilid ng bahay, bumungad sakin ang isang malawak na swimming pool na sobrang linis.

"Let's go!"

"Teka l–" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nila akong hilahin patalon sa pool

Napaubo ubo ako ng makaahon ako dahil nakainom ako ng konting tubig

"Sorry, na-excite lang kami." Natatawang sabi ni One.

"Okay lang." Nginitian ko siya

Wala namang masama kung mag-enjoy muna ako kahit ngayon lang.

Naglaro kami ng volleyball sa pool, naghabulan din kami hanggang sa mapagod kami.

"Kain na muna!" Dumating sila Twelve na may dalang mga pagkain at inumin."

Umahon kami ng pool at lumapit sa kanila.

"Try this one bebe gurl." Tinapat ni Thirteen ang burger sa bibig ko. "Special recipe ko yan."

Kumagat naman ako, ang sarap! Nakangiting nag-thumbs up ako sa kaniya

"Kyahh, Thank you." Niyakap ako nito. "Magtatayo na talaga ako ng simpleng kainan."

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon