CHAPTER 51

38.8K 1K 39
                                    

LORELEI


    "KUMUSTA na ang mahal kong prinsesa?" Malambing na tanong ni Papa habang hinahaplos ang buhok ko

Nakaupo kami sa upuan sa labas. Nakayakap ako sa beywang niya habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Sobrang saya ko po." Sagot ko. "Huwag kana ulit aalis ng ganoon katagal po ah? Ayoko na ulit mangulila sa iyo Papa."

"Hindi na Anak." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "Nung mga panahong nasa mental ako kayo pa rin ng Mama mo ang nasa isip ko. Yun nga lang wala ako sa katinuan. Hanggang ngayon naman eh. Minsan kasi sinusumpong si Papa ng pagka-praning pero nilalabanan ko. Kailangan kong labanan dahil ayoko kayong masaktan."

"Aalagaan kita Papa hanggang sa gumaling ka." Nakangiting sabi ko. "Pangako po. Dito lang ako sa tabi mo."

"Huwag kang masyadong mag-focus sa akin Anak. May Pamilya kana at tapos na ang duty mo sa amin ng Mama mo." Sabi nito

"Papa kahit po may apo na ako hinding hindi matatapos ang duty ko sa inyo." Sabi ko. "Maiba tayo Papa. Ano po bang nangyari sa iyo? Bakit ka nawala?"

"Pauwi na ako galing trabaho. Nakita ko yung mga armadong sinasaktan ang Pamilya nila Coco.  Alam kong mahalaga sa iyo si Coco at parang Anak kona rin siya kaya tinulungan ko sila. Sinakripisyo ko ang sarili ko para makaligtas sila kaso nabaril si Coco." Kuwento nito. "Nahuli kami ni Nico. Ang kakambal ni Coco. Pinahirapan nila kami. Binigyan nila kami ng trauma na buong buhay kong hindi makakalimutan. Naawa ako kay Nico kaya pinatakas ko siya. Naiwan ako sa mga kamay nila. May mga bata silang pinapatay sa harapan ko at doon na nagsimula ang pagiging baliw ko dahil pakiramdam ko Anak ikaw yung pinapatay nila sa harapan ko eh."

"Ikinulong nila ako ng maraming taon hanggang sa namalayan kona lang nasa Mental na ako at nasa harapan kona si Coco." Dagdag pa nito

"Sorry po." Humigpit lalo ang yakap ko sa kaniya. "Promise Papa wala ng mananakita sa iyo. Sigurado akong hindi hahayaan ng Asawa kong masaktan ka ulit. Matapang yun."

"Ikaw kunwari ka pa dati na hindi mo magugustuhan si Coco ah." Kinurot ako ni Papa sa tagiliran kaya napalayo ako sa kaniya

"Papa!" Natatawang sabi ko. "Kasalanan ni Malcolm. Nilandi niya ako eh."

"At nagpalandi ka naman?" Tinaasan ako nito ng isang kilay. "Ano na Lorelei Estrella?"

Natawa lang ako bago siya halikan sa pisngi. "I love you Papa."

"Sali ako!" Napalingon kami sa nagsalita

"Ang apo ko." Yumukod si Papa at sinalubong ng yakap ang tumatakbong si Cole. "Manang mana ka talaga sa akin ang apo kong ito. Parehas kaming pogi."

"Ihh ayaw po." Umiling ito. "Pogi ka pero kay Papa ako po nagmana."

"Oo na po Apo." Napangiti ako ng halikan ito ni Papa. "Malapit na Birthday niyo ni kambal mo. Anong gusto niyong gift?"

"Kahit ano po." Sagot nito. "Huwag lang pera bibigyan na ni Papa ako po 1 million eh."

Sinabi ko kila Mama ang tungkol sa nangyari kay Cale at sobra din silang nagalit. Kapag talaga nakita ko yung Doctor na yun hahatawin ko siya ng tabla sa mukha

"Hahatian mo ba si Lolo sa 1 Million?" Pang uuto ni Papa kay Cole

"Opo, bibigyan kita pong 5 pesos." Sagot ng Anak ko. "Bili ka po nung wafer na tig tres po. Bawal ka po sa candy. Konti na lang bibigay na ngipin mo po eh."

Judgemental naman nitong batang ito. Kanino ba ito nagmana?

Gumawi ang tingin ko sa gate. Napakunot noo ako dahil may nakita akong lalaki doon na pasilip silip. Patingin tingin ito sa amin at nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya ay agad itong umalis

"Sino tinitingnan mo?" Dumating si Malcolm

"May tao kanina sa labas Malcolm." Sagot ko dito. "Kaso umalis na."

Tiningnan ko ito at nakita kong seryosong seryoso ang mukha niya.

"We'll leave now." Seryosong sabi nito. "Call Mama and Liam."

Agad naman akong tumakbo papasok sa loob. Hinila ko palabas si Mama at Liam

"Ate may zoom meeting kami." Reklamo ni Liam

"Let's go." Seryosong saad ni Malcolm.

Dumiretso kami sa sasakyan niya at agad sumakay.

"Ano bang nangyayari iho?" Takang tanong ni Mama

"May nagmamanman po sa inyo." Sagot dito ni Malcolm. "Sa bahay po muna kayo. Kailangan ko muna silang mahuli bago kayo makauwi."

"Poprotektahan mo naman ang mga magulang ko diba?" Tanong ko dito. "Hindi mo rin sila hahayaang masaktan diba?"

"I promise." Sabi nito. "I will catch a bullet just for them."

"Sasamahan kita sa laban mo Malcolm." Ngumiti ako dito. "At sana lagi kang uuwi sa akin ng maayos. Umuwi ka sa aking buhay."

"Ofcourse Wife." Sabi nito. "Hindi ata ako papayag na hindi kita pakakasalan ulit.  And I promise to Cole that I will be here for him. Hindi ako mamamatay. Hinding hindi."

'Sana lang.. '





A/N: DMS🙂

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon