CHAPTER 5

52.1K 1.5K 120
                                    


LORELEI

    "DADA! you're so tagal po, gutom na ato." Maktol ni Neia. "Dada!"

Hinampas nito ang kutsara sa plato niya na ikinangiwi ko lang. Bossy masyado.

"Neia, wait mo lang si Dada mo wag mong madaliin." Sabi dito ni Charlotte.

"Gutom na ato kate." Umirap ito. "Panit! Bleh."

Tanghalian namin at sumabay ang mag tito, si Malcolm ang nagluto dahil utos na din ng pamangkin niya.

"Here's the food." Sabi ng kalalabas lang ng kusina na si Malcolm.

Dalawang tray ang dala niya kaya tumayo at kinuha ang isa sa kaniya para hindi siya mahirapan.

"Thank you." Ngumiti ito

Nginitian ko lang siya ng tipid bago magtungo sa table, inilapag ko ang mga pagkain sa lamesa.

"Let's eat." Sabi ni Malcolm ng makaupo.

Nagsimula na silang kumain, umupo na lang din ako at nagsimulang kumain.

"Ang sarap." Bulong ko at maganang kumain.

Daig pa ako ni Malcolm, ako kasi ay hindi marunong.magluto pero kapag pancit canton at lucky me, kayang kaya ko.

"Teka!" Nabigla ako ng hablutin ni Neia ang kanang kamay ko. "Saan galing tingting mo?"

"Niregalo sa'kin." Tugon ko

Humarap ito sa Tito niya. "Dada, ikaw nag-gift po? Kamuka nung ting ting mo."

"Yes, si Dada ang nag gift." Tugon dito ni Malcolm. "Now let go your Tita Lorelei and continue eating."

"Pero tabi mo yung tingting na yun ay gift mo po sa magiging Wife mo."  Ngumuso ito at binitawan ang kamay ko. "Ibig tabihin hindi na ako ang magiging Wife mo? Ti Lei na?"

Naguguluhang napatingin naman ako sa kanilang mag tito

"Neia, hindi ako asawa ng Dada mo." Sabi ko dito

"Yun tabi niya, yun din tabi niya kila Lola." Sabi nito

"Malcolm, sabihin mo ang totoo kay Neia." Hinarap ko si Malcolm. "Sabihin mo gift mo lang talaga sa'kin itong singsing mo."

"You're my wife now Lorelei." Seryosong sabi nito

Dinig ko ang tilian nila Charlotte pero hindi kona pinansin yun.

"Baliw kaba? Wag mong sab–"

"–Naaalala mo yung pinapirmahan ko sayo? It's marriage contract."

Natigilan naman ako sa sinabi niya, dahan dahan kong naiyukom ang mga kamao ko kasabay nang pagsalubong ng mga kilay ko.

"Tangina mo!" Malakas kong sinapak si Malcolm bago umalis doon.

Nagtungo ako sa kwarto ko, ni-lock ko ang pinto at hinarangan ng mga gamit.

Ako? Kasal? Tanginang Malcolm yan!

Pinangako ko kay Papa na ako ang pipili ng mapapangasawa ko tapos malalaman ko kasal na ako?. At sa taong bumili pa sa'kin at hindi ko gaanong kilala.

Hindi kona alam ang gagawin ko, grabe na ang buhay ko. Nawalay na nga ako kay Mama at napunta sa puder ng isang Sullivan tapos ngayon kasal na pala ako? Hayop!

"Lorelei, open this fvcking door." Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Malcolm. "Let's talk."

"Tangina mo!" Sabi ko lang dito. "Hayop ka!"

"Open this fvcking door or else I will fvcking break this." Malamig na sabi nito

"Sige subukan mo, mukha mo yung sisirain k–kyahhh!!!"

Napatakip ako ng tainga ko ng barilin ni Malcolm ang pinto, dinig ko ang pagkasira ng doorknob.

"Fvck!"

"Hindi ka makakapasok!"

Dinagdagan ko pa ang pagkakalagay ng mga nakaharang na gamit. Nang matapos ako ay kinuha ko kumot at sapin ko tsaka pinagdugtong sa pamamagitan ng pagtali sa mga ito.

Nang humaba na ay tinali ko ito sa paanan ng kama at hinagis ang kabilang dulo sa bintana.

"Wtf! Lorelei it's dangerous!" Tarantang sabi ni Malcolm na nakasilip sa pinto.

Dinilaan ko lang siya bago humawak sa kumot at magsimulang bumaba. Binilisan ko dahil alam kong bababa si Malcolm.

Nasa kalagitnaan na ako ng marinig ko ang pagkapunit ng kumot, nanlaki ang mga mata kong tuluyan iyong maputol.

Napapikit na lang ako at hinintay ang katawan kong bumagsak sa lupa pero may mga bisig na sumalo sa'kin.

"What a fvcking crazy woman." Napadilat ako ng may magsalita.

Bumungad sakin ang isang gwapong lalaki na may tsokolateng mga mata.

"Tsk."

"Aray!" Daing ko ng bitawan ako nito.

Napahawak na lang ako sa balakang ko at sinamaan ito ng tingin.

"LORELEI!"

"Ayan na siya." Mabilis akong tumayo at akmang tatakbo pero hindi natuloy ng may humila ng kwelyo ng damit ko. "Puta, bitawan mo ako!"

"New pet of my cousin huh?" Ngumisi ito at binalibag ako

Akala ko babagsak na naman ako pero may humawak sa bewang ko, hindi kona kailangang lingunin pa ito dahil base sa tibok ng puso ko at amoy nito ay si Malcolm siya.

"Are you tring to kill yourself huh!?" Singhal nito sakin

Hinawakan nito ng madiin ang magkabilang braso ko at hinarap ako sa kaniya. Napalunok ako ng makita ang galit niyang mukha.

"Just fvcking tell me if you want to die, I will fvcking shoot you now!" Galit na sabi nito

Pabalya ako nitong binitawan, dinukot nito ang baril niya at tinutok sa'kin. Kusang bumagsak ang mga luha ko dahil pakiramdam ko wala akong laban at pinagkakaisahan ako.

"Colm, easy." May humawak sa braso ko. "Kami ng bahala ka Lei."

Huminga ng tatlong beses si Malcolm bago itago ang baril niya.

"Lock her to basement." Malamig na sabi nito.

"Pero Co–"

"–Just fvcking do what I said Charlotte!"

Tumango lang si Charlotte bago ako akayin papasok sa loob ng bahay.

Bago tuluyang makapasok ay nilingon ko muna si Malcolm, wala akong nakikitang awa sa mukha nito.

'Tangina mo Malcolm, sisiguraduhin akong tatakas ako!'







A/N: BAKIT KA NAMAN KASI TUMALON SA BINATANA LEI?

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon