CHAPTER 4

53.3K 1.5K 189
                                    


LORELEI


    "BEBE TWENTY, halika dito." Aya sakin ni Charlotte. "Bilis, buksan natin ang mga pasalubong ni Colm sa'tin."

Lumapit naman ako doon at naupo sa tabi niya, ang daming paper bag sa lapag.

"Kyahh!! New bag!" Tili ni One. "Knows talaga ni Colm babe ang favorite ko."

"Books." Masayang sabi naman ni Seven.

"Perfume." Nakangiting sabi ni Three.

Napatingin ako sa kanila isa isa, lahat sila ay halata ang saya at galak sa mukha. Mukang kilalang kilala na sila ni Malcolm.

"Ito para sa'yo." Binigay sakin ni Twelve ang isang paper bag. "Buksan mo bilis."

Binuksan ko naman iyon at bumungad sakin ang isang white dress na off shoulder, may kasama iyong maliit na box na agad ko ding binuksan. Isang diamond ring ang laman na mukang mamahalin

"Ay may nanalo na talaga." Sabi ni Nineteen. "Diamond ring? Iba rin."

"Gusto n'yo ba?" Alok ko sa kanila ng singsing. "Sa inyo na lang."

"No way." Kinuha ito sakin ni Thirteen at sinuot sa daliri ko. "Para sa'yo yan, and bagay naman."

"Ayokong isuot." Akmang huhubarin ko yun pero tinapik ni Eighteen ang kamay ko

"Wag mo namang sayangin ang effort ni Colm babe." Pangongonsensiya nito. "Tanggapin mona."

Napanguso na lang ako bago tumango.

Tiningnan ko ang diamond ring na nakasuot sa daliri ko, ang ganda niya, pakiramdam ko tuloy nag-propose sa'kin si Malcolm.

Naku Lorelei magtigil ka, kung ano ano ng pumapasok diyan sa isip mo. Ibang klase na ang imahinasyon mong babae ka, hayst

"DADA!!!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan ng bahay nang may sumigaw, nakita namin ang isang maliit na batang babae.

"Sino siya?" Tanong ko

"Si Neia." Tumayo si Charlotre at nilapitan ito. "Neia."

"Ayaw sayo." Inirapan siya nung batang babae. "Panit!"

"Pamangkin yan ni Colm." Sabi ni Five. "Masungit na bata yan at mapili sa tao."

"Twenty, tawagin mo si Colm babe at sabihin mong nandito ang pamangkin niya." Utos ni Six

Tumayo na lang ako at naglakad patungong office ni Malcolm. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan iyon

"You need anything?" Tanong nito

"Uhm, may bisita." Sabi ko dito. "Nei–aray putek!"

May bigla na lang tumulak sa'kin kaya ang ending lagapak ako sa sahig.

"Halang halang kate!" Inirapan ako ni Neia bago tumakbo palapit kay Malcolm. "Dada!"

Kalma Lorelei, bata yun.

Huminga ako ng malalim bago tumayo, hinimas ko ang noo kong tumama sa sahig.

"Neia, that's bad." Lumapit sa'kin si Malcolm. "Are you okay?"

Hinawakan nito ang noo ko na hinihimas ko

"A-Ayos lang naman ako." Naiilang na sabi ko dahil ang lapit namin sa isa't isa.

Nilingon nito si Neia na masama ang tingin sa'min. "Neia, say sorry to your Tita Lorelei."

"Ayaw." Nag-cross arm ito at mangiyak ngiyak na ngumuso. "Hindi mona ako love, niaaway mona po ako."

Tuluyan na itong umiyak, napahinga naman ng malalim si Malcolm bago ito lapitan at buhatin.

"Neia, hindi kita inaaway." Mahinahong sabi dito ni Malcolm. "Pinagsasabihan lang kita kasi bad ang ginawa mo kay Tita Lorelei mo."

"Tita? Ayaw ko siya Tita po." Nakangusong sabi nito. "Panit siya."

"Akala mo naman gusto kong maging Tita mo." Pasensiyahan na mga Mare, maikli pasensiya ko. "Pangit ka din, ang laki ng mga mata mo, mukha kang Chanak!"

"Ikaw panit, mukha ikaw tae, pango ka." Dinilaan ako nito. "Wala pa ikaw po Dede kagaya ng kay Mommy ko."

Anong walang Dede? Aba, meron naman kahit kaunti

"Suntukan na lang oh." Hamon ko dito. "Tara, ibabalibag kita."

"Lorelei enough." Napahinga ng malalim si Malcolm. "Wag mo ng patulan."

"Anong wag? Sinabihan niya ang flat, nilait niya din ang ilong kong pamana ni Papa!" Inis kong sabi dito. "Hindi naman ako pango, medyo lang at kahit ganoon proud ako!"

"Okay, calm down."

"Parehas kayong pangit!"

Inirapan ko sila parehas at tinalikuran, pabagsak kong sinarado ang pinto bago bumalik kila Charlotte.

"Semana Santa ang awra." Sabi ni Fifteen.

"Yung bata kasi na yun, nilait ako." Nakasimangot kong sambit

"Pabayaan mona, mabait din naman yun." Sabi ni Eighteen. "Ganoon lang ang ugali dahil hindi tinututukan ng magulang."

"True, yung Mommy non ay iniwan yata sila, tapos yung Daddy niya na kapatid ni babe Colm ay babaero at walang oras sa kaniya." Sabi naman ni Eleven.

Nawala bigla ang inis ko at napalitan ng awa, mukhang parehas kami ng pinagdadaanan ni Neia, mas nakakalungkot nga lang yung kaniya dahil bata pa siya..

Kaya ako kapag nagkaanak ako hinding hindi ko siya pababayaan at hinding hindi ako mawawalan ng time sa kaniya.






A/N: MALCOLM, GAWA NA KAYO

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon