CHAPTER 25

40.6K 1.1K 51
                                    

LORELEI


    "MALCOLM, bilis picturan mo ako." Sabi ko dito habang nakatayo sa harap nung Statue of Liberty

"Show me your beautiful smile." Sabi nito kaya ngumiti ako

Awra lang ako ng Awra hanggang sa magsawa ako.

"Ang ganda dito." Naupo kami sa isang bench. "Masarap tumira dito pero iba pa rin sa Pinas."

"You're right."

"Sa Pilipinas kasi puwede kang mangutang kapag walang wala kana, sa Pilipinas masarap makipag away, sa Pilipinas maraming chismis." Tiningnan ko ang mga dumadaan. "Dito kasi parang mga seryoso lagi sa buhay yung mga tao, parang ang hirap biruin kasi sasapakin ka."

"Judgemental." Komento nito

"Nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ako judgemental." Inirapan ko ito na ikinatawa niya lang

"Are you hungry? There's restaurant near here."

"Yan ang kanina ko pang hinihintay na sabihin mo." Tumayo ako. "Tara, kain na tayo."

Pinagsiklop muna nito ang mga kamay namin bago mag ayang maglakad. Kalandi talaga

"Sa susunod sa Canada naman tayo." Sabi ko dito. "Maganda din doon."

"Lahat ng bansa pupuntahan natin."

"Gago, huwag naman lahat. May gera sa Ukraine, sa North Korea naman nakakatakot."

"Silly, Wife."

Hindi kona lang siya pinansin, ilang minuti lang ay may nakita na kaming restaurant. Akmang hihilahin kona doon si Malcolm pero bigla ako nitong hinila

"Yun na yung restaurant." Sabi ko dito

Bumilis lang ang paglakad namin, seryosong seryoso ang mukha nito kaya alam kong may masamang nangyayari.

Hinila ako nito sa isang eskinita, nilagay niya ako sa likod ng isang drum.

"Stay here Wife, huwag na huwag kang aalis dito." Seryosong sabi nito. "Babalikan kita."

"Ano bang nangyayari?" Takang tanong ko

"Just trust me."

Tumango na lang ako. Ngumiti naman ito bago ako halikan sa labi.

"Sitdown now my Wife." Umupo naman ako at sumiksik

Hinila nito ang isang tela sa gilid bago itakip sa akin, narinig ko ang yabag niya palayo. Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng maraming yabag at kasunod non ang sunod sunod na putok ng baril

Napatakip na lang ako sa bibig ko at napapikit.

"Malcolm.." Naiiyak kong bulong

Natanggal ang telang nakatakip sa akin, pero imbis na si Malcolm, isang kalbong negro na maraming tattoo ang bumungad sa akin.

"STAND UP!" Galit ako nitong hinila patayo. "Where's Sullivan!?"

"Sino kaba!?" Tanong ko dito. "Aray! Nasasaktan ako!"

"What are you saying!?" Nagsalubong ang mga kilay nito. "Where's Sullivan huh!?"

Tinutukan ako nito ng baril sa baba. "WHERE'S SULLIVAN!?"

Napangiwi ako nang tumalsik ang laway nito sa mukha ko

"There! Malcolm!" Tinuro ko ang likuran niya at kunwaring kumaway

Uto uto naman ito, sinipa ko siya sa itlog niya at inagaw ang baril sa kaniya.

"Kadiri laway mong sunog ka!" Hinampas ko ito ng baril sa mukha bago tumakbo paalis doon

Napaikot ikot ako dahil sobrang daming taong bumungad sa akin at hindi ko alam kung nasaan ako.

Lahat ng tao ay nakatingin sa akin at lumalayo.

"Put down your gun!" May lumitaw na lalaki naka uniporme ng pulis

"Ito?" Napaatras ito ng maitutok ko sa kaniya ang baril. "Wait, I'm not bad. I kuha this from goons."

Napaupo ako nang bigla na lang may humampas ng sa mukha ko, pakiramdam ko may umiikot ng stars sa ulo.

Napahawak ako sa noo ko dahil may nararamdaman akong likidong tumutulo mula doon. Hindi ako nagkamali na dugo iyon.

"YOU'RE UNDER ARREST!" Sigaw nung humampas sa akin at hinila ako patayo sa kuwelyo ko.

"Tangina mo, ipapa-salvage kita kay Malcolm!" Singhal ko dito. "Aray! Tangina ka!"

Hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagposas sa akin, kinaladkad ako nito palapit sa isang police mobile.

"Get in!" Padarag ako nitong pinasok sa loob

Sinamaan ko ito ng tingin. "Ipapa-salvage talaga kitang mataba ka!"

Hindi ako nito pinansin at nag-drive lang.

Nasaan kana ba kasi Malcolm? Hayop ka, pati ikaw nawala! Punyetang New York ito, sinusumpa ko itong lugar na ito!

Halong isang oras ang binyahe namin bago huminto itong sasakyan. Padarag ulit akong ibinaba nitong pulis bago hinila papasok sa loob ng presinto.

"WALA AKONG KASALANAN!" Sigaw ko dito. "ANG PANGIT NG KALAKARAN NIYO DITO! KASING PANGIT MO!"

"SHUT UP!" Binuksan nito ang isang rehas na walang tao

Tinanggal nito ang posas ko atsaka ako tinulak papasok sa loob ng kulungan.

"Stay there." Sabi nito bago umalis

Lumapit naman ako sa rehas. "PAKAWALAN NIYO AKO! AKO NA ANG BIKTIMA, AKO PA IKINULONG NIYO! PARA KAYONG MGA PULIS SA AMIN!"

"HOY MGA TARANTADO KAYO! SIGE, SASABIHIN KO KAY MALCOLM NA PASABUGIN ITONG STATION NIYO!" Sigaw ko pa. "SI MALCOLM SULLIVAN, ASAWA KO YUN! ISANG MAFIA!"

Kahit anong sigaw ko ay hindi nila ako pinapansin. Napaupo na lang ako habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa paa ko.

"Gusto ko lang naman ng bakasyon." Mangiyak ngiyak kong sabi. "Ang susyal ko naman, magpapakulong na lang ako, dumayo pa ako dito sa New York."

Kasalanan ito ni Malcolm, lalo na nung Negrong kalbo. Kapag nakita ko ulit yun, babarilin ko siya sa itlog.



A/N: LORELEI "NAKULONG SA NEW YORK" ESTRELLA SULLIVAN

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon