CHAPTER 38

38.8K 1.2K 115
                                    


LORELEI


     "BYE baby." Paalam ko sa panganay ko. "Babalik kami ni Cole sa susunod."

"Sayang hindi makasama sa atin si Ate." Sabi ni Cole. "Pero wag na ikaw po sad Ate, babalik po kami ni Mama. Gihigugma taka Ate."

"Gihigugma taka Cale." Nakangiting sabi ko. "Alis na muna kami."

Hinawakan ko sa kamay si Cole. Sumakay na kami sa motor at nag drive na ako paalis ng sementeryo.

"Mama, uulan po." Sabi ni Cole na nakatingala sa kalangitan.

"Huwag mo ng batiin–Yan na, umuulan na."

Nagsimula ng umambon hanggang sa lumakas kaya huminto muna kami sa isang waiting shed.

"Nabasa kaba baby?" Tanong ko kay Cole

Umiling lang ito bago yumakap sa beywang ko. "Ginaw po Mama."

Niyakap ko naman siya at pinrotektahan sa anggi. Ayokong magkasakit ang baby ko. Di baleng ako na lang, huwag lang siya.

Halong isang oras ata bago huminto ang ulan. Sumakay na ulit kami ni Cole ng motor at umuwi.

Nang makapasok kami ng bahay ay agad nagtungo si Cole sa sofa at kinuha ang cellphone.

"Mama, iba na po password ng Wifi nila Agustin!" Reklamo ng Anak ko. "Hindi na po ako makanood."

Kasungit talaga nila Agustin. Kapag alam na may ibang naka-connect papalitan agad ang password

"Magpa-load kana lang." Dumukot ako ng fifty five sa bulsa ko at inabot sa kaniya. "Register na kamo."

Lumapit naman ito sa akin at kinuha ang pera bago tumakbo palabas.

Ako naman ay kinuha ang walis at winalis ang sahig namin. Kailangan ko ng palitan ang renolyum namin. Sira sira na

Nang matapos ako ay naupo ako sa sofa habang hinihintay ang Anak ko pero ilang minuto na ay wala pa.

Imposibleng nakipaglaro siya dahil ang deal namin ay lagi siyang magpapaalam at hindi niya puwedeng dalhin yung cellphone.

Tumayo ako at lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa tindahan at nadatnan ko siyang kumakain ng tinapay katabi si Pekto

"Kaya pala ang tagal." Nag cross arm ako. "Akala ko nawala kana."

"Si Pekto po, sabi ko po papaalam ako tapos sabi po niya siya bahala." Sumbong nito. "Sorry po."

Tiningnan ko ng masama si Pekto. "Gumawa kana kasi ng hindi yung Anak ko ang tinuturuan mo ng masamang asal."

"Damot mo sa Anak mo." Sumimangot ito. "Ako naghirap nung naglilihi ka eh."

"Hampasin kita diyan eh." Inirapan ko siya bago hablutin ang kinakain niyang patata. "Hindi pa umuuwi si Vivian?"

"Mamaya pa yun." Tugon nito

"LEI!" Speaking of Vivian

Parang may humahabol ditong mga aso sa sobrang pagmamadali.

"Napano ka?" Takang tanong ko

"T-tago kayo bilis!" Nagmamadaling sabi nito. "Bilis!"

"Bakit?" Takang tanong ko. "Nandiyan ba yung bumbay na inutangan ko?"

"Mas malala ito." Sabi nito at lumapit sa akin lalo. "Yung Tatay ni Cole, nasa palengke hinahanap kayo."

Napatayo ako ng wala sa oras. Puta, paano niya nalam–Tama! Yung ATM

Hinawakan ko sa kamay si Cole. "Anak, halika muna."

Pumasok kami sa loob ng tindahan nila Aling Marie. Alam niya din ang kuwento ko at mas magandang magtago dito sa tindahan niya.

"Aling Marie kayo na pong bahala." Sabi ko

Tumango lang ito bago sumenyas na magtago kami.

"Mama, ano pong meron?" Takang tanong ng Anak ko

"Basta quiet ka lang ah?" Sabi ko dito. "Mahal ka ni Mama."

Ngumiti ito bago yumakap sa akin

"Excuse me?" Para akong kinapos ng hininga at halos matanggal na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok

Makalipas ang ilang taon narinig ko ulit ang boses ng taong minahal ko at kinamumuhian ko. Ang taong sumira sa akin at ang taong dahilan ng paghihirap naming mag ina.

"Ano ho yun Sir?" Dinig kong tanong dito ni Aling Marie

"Did you see this woman?" Mahigpit kong niyakap ang Anak ko dahil sa sobrang kaba

"Mama, hindi po ako makahinga." Sabi ng Anak ko

"Shhh." Sinenyasan ko siya na huwag maingay kaya napanguso na lang siya

"Wala pong ganiyang babae dito." Dinig kong sabi ni Aling Marie

"Okay." Si Malcolm. "If you saw her just contact me here."

Wala na ulit akong narinig. Maya maya pa ay lumitaw si Aling Marie.

"Umalis na siya." Sabi nito. "Bilisan niyo ng umuwi at baka maabutan niya pa kayo."

Tumango ako bago buhatin ang Anak ko. Mabilis kaming lumabas ng tindahan at tumakbo pauwi.

Sinara ko ang mga bintana at nag-lock ako ng pinto.

"Anak, huwag na huwag kang lalabas." Bilin ko dito. "Naiintindihan mo ba?"

"Mama may secret ka po eh." Nakangusong sabi nito

"Sasabihin din ni Mama sa iyo yun basta sa ngayon makinig ka muna kay Mama ah?" Tumango ito. "Gihigugma taka."

"Gihigugma taka." Nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. "Laro na po ako."

Umupo siya sa sofa at naglaro na sa cellphone. Ako naman ay nagtungo sa kusina para magluto ng kakain namin.

Tanginang Malcolm yan, parang multong biglang nagparamdam. Hindi niya puwedeng malaman na may Anak kami dahil kabisado ko ang ugali niya. Kukuhanin niya sa akin si Cole.

Hindi ko hahayaang mangyari yun. Si Cindy ang anakan niya. Hayop siya.

Kahit makipagsaksakan ako sa kaniya gagawin ko basta akin lang ang Anak ko. Ayaw ko ng mawalan ulit ng Anak.





A/N: HIDE AND SEEK SILA SA BACOLOD HAHAHAHAHAH

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon