CHAPTER 34

37.7K 1.1K 76
                                    

LORELEI


    "ITO pala ang importanteng pinagkakaabalahan mo?" Nabaling sa akin ang atensiyon ng dalawang baboy na ito nang magsalita ako. "Ano Malcolm? Masarap ba?" Tumulo ang mga luha ko na agad kong pinunasan. "Masarap ba iyang ex mo huh!?"

"You disturbed us." Malamig na sabi nito bago takpan ng kumot ang katawan ni Cindy.

Tumayo ito at nagsuot ng boxer bago umupo sa kama at tingnan ako ng malamig

"Wow, ganiyan lang ang asta mo!?" Hinubad ko ang suot kong sandals at binalibag sa kaniya. "Tanginamo! Malandi ka! Ang baboy mo!"

"Just tell me if you want to join us." Umusli ang sulok ng labi nito. "Threesome is not bad."

Tangina Malcolm!

"Alam mo? Mahal na kita eh." Natawa ako habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko. "Ako pala yung sinasabi mo na ibabasura mo, ako pala yung bitch na lagi mong sinasabi sa mga kausap mo. Grabe ang saya naman ng buhay ko. Binalewala ako ng Nanay ko nang mamatay si Papa. Sinaktan niya ako at binugbog. Ibinenta ko sa iyo, sa isang taong masama sa paningin ng iba pero hindi ako naniniwala."

"Malcolm akala ko ikaw na yung babago sa buhay ko eh, akala ko ikaw na yung kakampi, akala ko ikaw na yung savior ko pero lahat pala akala ko lang. Ang sakit sakit Malcolm! Mas masakit pa itong nararamdaman ko kaysa nung binabalewala ako ng Ina ko!" Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim bago hubarin ang singsing na binigay niya. "Hindi na kita papahirapan. Ibabasura ko na ang sarili ko para sa iyo dahil yun na rin ang tingin ko sa sarili ko. Ayaw mo sa akin? Sige. Malaya kana, magbuhay binata ka ng hayop ka!"

Binalibag ko ang singsing ko sa kaniya bago nagmamadaling lumabas doon. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko at pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko habang naglalakad ako.

"Iha anong nangyari?" Sinalubong ako ni Mommy–Mrs. Sullivan. "Lorelei."

"Salamat po sa lahat Ma'am Maria." Pilit ko siyang nginitian bago dire diretsong lumabas ng bahay.

Dinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi kona siya pinansin.

Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon sa akin. Sana pala hindi na ako nagpada sa mga pinapakita niya, sana pala hindi na ako nahulog ng tuluyan sa kaniya at sana hindi kona siya minahal.

Sabi ni Papa piliin ko yung lalaking tatanggapin ako ng buong buo at hindi ako lolokohin pero sinuway ko siya kasi akala ko totoo na lahat eh.

Hindi kona alam kung saan ako pupunta. Hindi naman puwedeng kay Mama kasi hindi niya ako tatanggapin at lalong ayaw ko doon dahil nandoon yung gagong Tatay ni Liam na kasing gago ni Malcolm.

"Lei?" Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa tumawag sa akin. "OMG ikaw nga!–Teka bakit ka umiiyak?"

"Charlotte." Parang batang humagulgol ako at niyakp siya. "Ang sakit Charlotte, ayoko nitong nararamdaman ko."

"Ano bang nangyari?" Naramdaman ko ang paghimas nito sa likod ko. "Si Malcolm ba?"

"Yung gagong yun niloko ako." Lalong lumakas ang iyak ko. "Nahuli ko siyang nakikipag-kanaan sa ex niyang amerikanang hilaw. Charlotte, mahal kona siya eh, sasabihin kona dapat eh tapos biglang ganon? Lolokohin niya ako? Ibabasura?"

"Baka naman may dahila–"

Humiwalay ako sa yakap. "Sabihin na nating mayroon, pero bakit kailangan niyang gawin yun? Bakit kailangan niyang bastusin ang pagkatao ko? Kung ano mang dahilan ni Malcolm hinding hindi kona siya mapapatawad."

"Sige na tumahan kana." Sabi nito. "Halika muna sa bahay namin."

"Wala din akong mapupuntahan." Nagpunas ako ng luha. "Yung taong naging tahanan ko, binasura ako."

"Shhh, nandito lang ako okay?" Inalalayan ako nito. "Tara na, hindi ko ipagsasabing nasa akin ka."

Tumango ako bago magpatangay sa kaniya. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay nila dahil tulala lang ako.

"Mommy sino siya?" Napatingin ako sa nagsalita

Isang batang babaeng kulot ang buhok. Kamukhang kamukha niya si Charlotte.

"Si Tita Lei mo siya, dito mona siya kaya quiet ka lang ah?" Malambing na kausap dito ni Charlotte

Tumango lang yung batang babae bago tumakbo patungo sa sofa at tahimik na umupo habang nag-ce-cellphone.

"Lei kailangan mo ng pahinga." Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko. "Tingnan mo namumutla ka."

"Maraming salamat Charlotte." Pilit ngiting sabi ko

"Halika, sasamahan kita sa kuwarto mo."

Iginaya ako nito patungo sa isang pinto. Bumungad sa akin ang isang may kalakihang kuwarto na malinis.

"Dito ka muna, susunduin ko lang yung bunso ko tapos mag uusap tayo." Sabi nito

"Puwede bang mangako ka na hindi malalaman ni Malcolm na nandito ako?" Tumango ito. "Maraming salamat Charlotte."

"Ikaw paba." Ngumiti ito. "Magpahinga ka muna, ipahinga mo muna ang isip mo."

Tumango lang ako. Lumabas na si Charlotte at sinarado ang pinto. Ako naman ay naupo sa kama.

Bumalik sa alaala ko ang kahayupang ginawa ni Malcolm na nagpatulo ng mga luha ko.

May nalalaman pa siyang magtiwala lang ako at mahal na mahal niya ako pero drawing lang pala siya. Kagaya rin pala siya ng ibang lalaki na mabait sa una pero kapag nakuha na ang gusto ay ibabasura na lang.

Kung noon pa niya ginawa yun ay hindi ako masasaktan pero huli na eh. Mahal kona ang gagong yun. Hulog na hulog na ako eh.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod ako at makatulog.

'Sana ay panaginip lang ang lahat..'

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon