CHAPTER 39

39K 1.2K 117
                                    

LORELEI

     "MAMA,  punta ako kila Pekto." Paalam ng Anak ko. "Lalaro po kami ML."

Katatapos lang naming kumain ng hapunan ng Anak ko. Ganito lagi ang routine niya after kumain ng hapunan ay pupunta kila Pekto para makipaglaro ng ML

"Bawal." Sabi ko dito.  "Simula ngayon ay bawal ka munang lumabas maliwanag? Si Pekto na lang ang pupunta dito."

"Bakit po?" Ngumuso ito.  "Hindi na ako puwedeng makipaglaro po? Pero gusto ko."

"Alam ko iyon Anak pero huwag muna po okay?" Nilapitan ko siya at hinawakan sa pisngi.  "Papayagan din naman kita eh, pero sa ngayon ay bawal muna."

Baka hindi pa nakakaalis si Malcolm dito.  Ayokong magkita sila ng Ama niya. Siguradong kukutuban agad si Malcolm na Anak niya si Cole kapag nakita niya ito. Itsura pa lang halata na eh

"Okay po." Pagpayag nito. "Raralo na po ako sa cellphone–"

"–Hep!" Pigil ko dito. "Hindi kapa po tapos sa gawain mo po."

Ngumisi lang ito bago iniligpit ang mga pinagkainan namin at inilapag sa lababo. Pinagmasdan ko lang siyang kumuha ng basang basahan at punasan ang lamesa.

Gusto ko habang bata pa ang Anak ko ay marunong na siyang maging masipag at responsable. Magagamit din naman niya kapag tumanda siya ang mga itinuturo ko sa kaniya

"Tapos na po." Sabi nito at kinuha ang cellphone. "Okay na po?"

"Opo." Nakangiting sagot ko. "Maghuhugas lang si Mama ng mga pinggan. Huwag lalabas ah?"

Tumango lang ito bago tumakbo patungo sa sala. Nagtungo na ako sa lababo at nagsimulang maghugas ng pinggan

"MAMA MAY NAGKAKATOK PO!" sigaw ng Anak ko.  "Si Pekto po ata."

"Buksan mo." Sagot ko. "Kapag hindi mo kilala alam mo na gagawin mo ah?"

"Opo!" Sagot nito

Wala na akong narinig pa. Maya maya pa ay nakita ko ang Anak kong tumatakbo palapit sa akin.

"Mama hindi ko po kilala yung lalaki." Sabi nito

Bigla akong kinain ng kaba. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at sinenyasan siyang huwag maingay.

"Quiet lang ah?" Tumango ito. "Dito ka lang, sisilipin ni Mama kung sino yung nasa labas."

Iniwan ko ang Anak ko sa kusina. Dahan dahan akong lumapit sa pinto. Sumilip ako sa may maliit na butas doon.

"Puta!" Napaatras ako nang makita si Malcolm sa labas na hawak ang kaniyang ilong

Huminga ako ng malalim bago puntahan ang Anak ko. Kinuha ko sa kaniya ang cellphone at tinawagan si Pekto.

"Boss Cole." Bati nito. "Papunta kana ba?"

"Si Lei ito." Mahinang sabi ko dito. "Nandito sa labas ng bahay namin yung Ama ni Malcolm. Nakita niya si Cole! Kailangan ko ng tulong!"

"Teka, pupunta na kami ni Vivian." Sabi nito. "Iitakin ko yang hayop na yan."

Namatay ang tawag. Napatingin naman ako sa Anak ko na seryoso ang mukha

"Papa ko po yung nasa labas?" Unti unting nanggilid ang luha nito.  "Buhay pa Papa ko? Sabi mo po patay na?"

"Cole..." Tanging nasabi ko

"Kaya pala hindi ko makita multo niya kahit po nitatawag ko." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito. "Alam mo po lulungkot si Ate? Kasi siya lang daw hindi binibisita ng Papa. Umiiyak si Ate sa akin, hindi ko lang po nisasabi kasi ayaw niya."

"Anak." Lumuhod ako at pinunasan ang mga luha niya. "Sorry ah? Huwag kang magalit sa akin.  May dahilan si Mama."

"Gusto ko makita si Papa." Iyak nito.  "Papa!"

Mabilis itong tumakbo. Agad naman akong tumayo at hinabol siya.

"Anak!" Hinawakan ko ito sa kamay. "Please makinig ka muna kay Mama. Ayokong mawala ka. Please Anak."

"Gusto ko rin ng Papa eh." Sabi nito.  "Masaya po ako na may Mama pero diba po mas masaya kapag may Papa? Yung mga friends ko po may Papa. Ako lang wala."

"Naiintindihan ko Anak." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Pero hindi pa ba sapat si Mama sa iyo? Love ka naman ni Mama ah? Puwede mo akong maging Papa. Please Anak, dito kana lang?"

Unti unti itong lumapit sa akin at niyakap ako sa baywang. Lumuhod naman ako para mapantayan siya.

"Mama, hindi naman ako mawawala po eh." Pinunasan nito ang mga luha ko. "Gusto ko lang ng Papa pero dito lang ako sa iyo."

Umiling ako. Ayoko hindi ko kaya, kilala ko ang takbo ng utak ni Malcolm. Alam kong kukuhanin niya si Cole at alam kong galit na galit siya.

"Please Mama." Pagmamakaawa ng Anak ko. "Kahit ito na lang po para sa birthday ko kahit po wala ng cake."

Napatitig ako sa Anak ko. Kitang kita sa mukha niya na gustong gusto niyang makilala si Malcolm. Naaawa ako sa Anak ko

"Gusto mo talaga?" Tanong ko dito. "S-Sige."

Mahirap sa kalooban ko pero mas mahirap yung nakikita ko siyang nasasaktan at nagmamakaawa sa akin

Pinunasan ko ang mga luha niya bago tumayo at hawakan siya sa kamay. Naglakad kami palapit sa pinto.

Pinihit ko ang door knob ng pinto. Bumungad sa akin ang mukha ni Malcolm na walang emosyon.

"Finally." Nagtiim bagang ito.

"Papa!" Napunta kay Cole ang atensiyon nito at bakas sa mukha niya ang gulat. "Papa!"

Niyakap siya ni Cole sa beywang at kita sa mukha ni Malcolm na naguguluhan siya.

"What is the meaning of this?" Seryosong tanong niya

Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon

"Wayahhh!" Naputol ang intense na eksenan nang biglang sumulpot si Pekto na animo'y nangangarate. "Nasaan na? Ito ba yun huh!?" Dinuro nito si Malcolm

Tiningnan siya ng malamig ni Malcolm. Agad namang tumakbo papunta sa likuran ko si Pekto.

"Ang laki niyan." Bulong nito sa akin. "Isang dakot lang niya yung leeg ko eh."

"Lorelei let's ta–"

Hindi kona siya pinatapos magsalita dahil agad ko siyang tinalikuran. Pumasok ako sa kuwarto namin ni Cole at nagkulong doon.

Hindi ko kayang makita siya dahil sumasariwa sa utak ko ang mga kahayupang ginawa niya. Kung hindi lang para sa Anak ko ay hindi ko ipapakilala si Cole sa kaniya...

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon