CHAPTER 46

39.4K 1.2K 28
                                    

LORELEI

      "MAMAAA!" Mabilis akong napamulat ng mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ni Cole

Mabilis akong bumangon at hinanap siya. Muntik na akong atakihin nang makita ang itsura nito.

"Jusmiyo Anak! Anong nangyari sa iyo!?" Gulat kong tanong dito

"Tirk or tirt po." Sabi nito at humagikhik

Nagmukha siyang mini joker. Dito kami natulog sa guest room. Asa naman si Malcolm na tatabihan namin siya

November one nga pala ngayon. Sayang lang at malayo si Cale sa aming ngayon.

"Trick or treat yun Anak." Pagtatama ko dito. "Sinong nag make up sa iyo at nagbihis?"

"Mama Nina." Sagot nito. "Parehas kami po ni Ate Neia. Sabi Ate Neia mag tirk or tirt kami."

Nilapitan ko naman siya at binuhat. "Ang aga aga eh. Kumain kana ba?"

"Opo, nisubuan ako ni Papa." Sagot niya. "Kain na po ikaw."

Lumabas kami ng Anak ko. Nadatnan ko sila sa sala. Kagaya ng sabi ni Cole ay naka-make up nga si Neia.

Binaba ko si Cole na agad namang tumakbo papunta kay Neia.

"Tita Lei, paalam ko lang si Cole." Sabi nito. "Mag-ti-trick or treat lang kamo dito sa village. Promise hindi kami lalabas ng village."

"Okay lang." Sabi ko. "Pakibantayan lang si Cole ng mabuti ah? Makulit kasi yan."

"Noted po." Sabi nito bago hawakan sa kamay si Cole.

"Mama, alis na kami po." Sabi nito at kumaway

Lumabas ang dalawang bata na naka-costume.

"Hindi ko tuloy madadalaw si Cale." Sinamaan ko ng tingin si Malcolm. "Ikaw kasi eh! Hindi muna pinatapos ang undas bago kami kidnapin."

"Don't worry her grave will be here soon." Sabi nito. "Mabibisita din natin ang Anak natin."

"Lei, halika sabayan mo akong kumain." Sabi ni Nina. "Kuwentuhan din tayo."

Hinila ako nito patungong kusina. May nakahain na doon sa lamesa kaya naupo na lang kami

"Naikuwento na sa akin lahat ni Mommy and I'm sorry for your lost." Sabi nito. "Sobra akong nasasaktan dahil hindi ko akalaing mararanasan mo din ang naranasan kong hirap noon. Akala kopa naman maayos ang buhay mo dahil si Malcolm na ang asawa mo."

"Ayos lang yun." Maliit ko siyang nginitian. "Maiba tayo. Ano? Kayo na ulit ni Nico?"

Umiling ito. "I have a partner now."

Napatango na lang ako.

"He's very kind and tanggap niya si Neia. Divorce na kami ni Nico ng tuluyan at napag usapan naming salitan na lang kami kay Neia at puwede kaming dumalaw sa kaniya kaniya naming bahay." Dagdag pa nito.

"Hindi na talaga kayo naayos?" Tanong ko. "Nasaan na yung Fiance ni Nico?"

"Iniwan na niya si Nico." Sagot nito. "Nagka-patawaran na kami ni Nico at ng Pamilya at hanggang pagiging magulang na lang kami."

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi naman sa ano pero parang nanghihinayang ako para sa kanila ni Nico

"Parang ang sayang niyo ni Nico." Komento ko

Natawa ito. "Madaming nagsasabi pero may mga bagay na kahit sayang kailangang tigilan."

Napahinto kami sa pagkain nang makarinig kami ng putok ng baril. Nagkatinginan kami ni Nina at sabay na tumayo at nagtungo sa sala

Nadatnan namin si Nico na may hawak na baril at nakatutok ito sa isang lalaking may blonde na buhok

"Dice." Nilapitan ni Nina yung may blonde na buhok. "Anong nangyari?"

"Iuwi mona yan." Tiim bagang na sabi ni Nico. "Hawakan mo miski dulo ng daliri ng Anak ko at hindi ako magdadalawang isip na ibaon ka sa sariling sahig ng bahay mo." Binalingan nito ng tingin si Nina. "Hindi kona hahayaang dalhin mo sa bahay niyo si Neia, kung gusto mong makita si Neia ikaw ang pupunta dito."

Tinago ni Nico ang baril niya at lumabas ng bahay. Binalingan ko naman si Malcolm at nakakuyom ang kamao nito

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Mommy

"That jerk talk dirty stuff about Neia." Gigil na sabi ni Malcolm na masama ang tingin dito sa Dice na ito.

"Anong dirty stuff?" Takang tanong ni Nina. "Dice?"

"I just said Neia is beautiful and her legs is addictable–" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil malakas siyang sinapak ni Nina

"Tanginamo!" Gigil na sabi dito ni Nina. "Anak ko pa pinagnanasahan mo."

"It's not like that Nina." Dahilan nito habang sapo ang ilong niyang dumudugo. "I just appreciate your daug–"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tutukan siya ng baril ni Malcolm. "Run!"

Agad naman itong tumakbo paalis.

"Yun ba yung kind na sinasabi mo?" Pang aasar ko kay Nina. "Kay Nico kana lang."

"Balikan mona lang si Malcolm." Ngumisi ito. "Tutal alam mona naman ang lahat diba? Hindi siya nagloko at mahal na mahal ka niya."

"Magbigti na lang ako." Sabi ko dito at tumingin kay Malcolm. "Kung gusto niyang bumalik ako sa kaniya at maayos ang Pamilya namin dapat wala ng banta sa buhay niya. Gusto ko yung hindi na siya Mafia at isang simpleng Malcolm Nehemiah Sullivan lang."

Umiwas ng tingin si Malcolm. Napailing na lang ako bago bumalik sa kuwarto namin ni Cole.

Kung hindi niya kayang umalis sa pagiging Mafia hindi mabubuo ang pamilyang pinapangarap niya

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon