CHAPTER 37

38.6K 1.1K 91
                                    

LORELEI

   "NAY, sino iyan?" Tanong ng isang kayumanggi na babae nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Nanay Purak

"Si Lei." Sagot dito ni Nanay. "Bago natin siyang makakasama. May problema siya kaya sana magsipag ka muna at bawasan ang pagiging maingay."

Nakasimangot itong tumango bago ako tingnan. "Ako nga pala si Vivian. Anak ni Purak."

Tumango lang ako.

"Tara na, pasok na tayo nang maka–"

Hindi kona narinig ang sasabihin ni Nanay Purak dahil naramdaman kona lang ang pagbagsak ko dahil sa hilo

Nang magising ako ay puting kisame ang bumungad sa akin. Amoy gamot din na lalo kong ikinahilo.

"Mabuti gising kana." Napatingin ako sa nagsalita. "Bigla kang bumagsak kaya dinala ka namin dito sa klinika."

"Pasensiya na ho." Sabi ko. "Ayos na po ako. Ayoko po dito, nakakahilo."

"Normal lang sa buntis yan." Nakangiting sabi nito

Parang nabingi ako sa sinabi ni Nanay Purak. Buntis?

"P-Po?" Utal kong tanong

"Isang buwang buntis ka iha." Sagot nito."Kaya mag doble ingat ka."

Nanggigilid ang luhang napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa ako handa pero sana ay kayanin ko.

**********

Hindi naging madali ang pagbubuntis ko dahil mabigat ang tiyan ko. Lagi din akong nahihilo at madalas sumasakit ang tiyan ko.

"Ito na yung rambutan mo." Nakasimangot na sabi ni Pekto

Asawa siya ni Vivian. Close naman kami dahil mabait siya kahit reklamador.

"Alas dos ng madaling araw kapa talaga naglihi." Sabi nito

"Makareklamo parang hindi inupahan ah?" Inirapan ko siya. "Hindi kita kukuning Ninong."

"Lagot ka kay Vivian." Dumila ito bago tumakbo papasok ng kuwarto nila ni Vivian

Ako naman ay nagtungo sa kuwarto ko at masayang kinain yung rambutan.

************

"Misis, kailangan na po nating biyakin ang tiyan niyo." Sabi nung Doctor. "Delikado na po kasi para sa kambal."

Kambal ang Anak ko. Isang babae at lalaki. Hayop na Malcolm yun dalawa pa ang remembrance.

"Hindi naman po isasama organs ko sa ilalabas diba?" Kinakabahang sabi ko na ikinatawa nila

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon