CHAPTER 33

37.4K 1K 172
                                    

LORELEI


    "WE'RE here." Anunsiyo ni Malcolm na pumukaw sa aking pag iisip

Lumingon ako sa labas at nandito na nga kami sa tapat ng bahay nila Mama. Wala kasi ako sa katinuan buong biyahe dahil iniisip kopa rin yung narinig ko.

May mali talaga sa mga nangyayari. Gustuhin ko mang pagkatiwalaan si Malcolm pero parang ayaw ko dahil pakiramdam ko ay masasaktan ako

"Hey, is there something wrong?" Napalingon ako kay Malcolm

"Wala." Tipid ko siyang nginitian. "Tara na, excited na akong makita sila Mama."

"Okay."

Bumaba kami pareho ng sasakyan. Binuksan ni Malcolm ang likod ng sasakyan at kinuha ang mga paper bags.

Sabay kaming pumasok sa gate. Sa labas pa lang ay kita kona si Mama na nilalaro si Liam.

"Mama! Liam!" Tawag ko sa kanila

Sabay silang lumingon sa akin. Itinaas ko naman ang isang kamay ko at kinawayan sila.

"Ate!" Mabilis na tumayo si Liam at tumakbo palapit sa akin. "Ate!"

"Miss kita baby ko." Binuhat ko siya at niyakap. "Miss mo ba ako?"

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Natawa ako ng bahagya dahil umiiyak na siya

"Miss kita, hindi mona ako nidadalaw." Humihikbing sabi nito habang nakalabi. "Miss kita eh."

"Don't cry na ang baby boy na yan." Pinunasan ko ang mga luha niya. "May pasalubong si Ate sa iyo. Maraming toys, damit at pagkain."

"Hey kiddo." Napalingon kami ni Liam kay Malcolm nang tawagin siya nito.

"Kuya Coco." Bati sa kaniya ni Liam. "Akin yan po?"

"Yes, for you and for Mama." Sagot dito ni Malcolm. "Let's go inside."

Tumango naman ako bago maglakad patungong loob ng bahay habang buhat si Liam.

"Ma." Binaba ko si Liam at nilapitan si Mama atsaka niyakap. "Namiss kita Ma. Ang dami kong mga pasalubong sa iyo atsaka kay Liam."

"Okay." Tugon nito at humiwalay sa yakap. "May isang oras kayo para magtagal dito. Ayokong maabutan kayo ng Ama ni Liam."

"Ayaw ko din po." Sagot ko dito. "Mama, tago niyo po mga pasalubong ko ah? Branded mga yun baka ibenta nung Ama ni Liam na mukhang pera."

Tumango lang si Mama. "Ipaghahanda ko kayo ng makakain."

Dumiretso ito sa kusina. Nilapitan ko naman si Liam na nangangalkal na ng pasalubong.

"Kausapin ko lang si Mama." Paalam ni Malcolm. "Wait me here."

Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. Kailan pa sila naging close ng Mama ko?

"Ate, si Mama may ibang asawa." Sabi ni Liam. "Kita ko siya ki-kiss yung lalaki."

"Ano!?" Nanlaki ang mga mata ko bago lumapit sa kaniya lalo. "Alam ba ito ng Papa mo?"

"Hindi po." Sagot nito

"Ganito Liam, mag promise ka kay Ate na tayong dalawa lang ang makakaalam nito. " Tumango ito. "Huwag mong ipagsasabi ah? Lalo na kay Papa mo."

"Opo, promise." Sabi nito

Naku naman Mama! Sino na namang lalaki yun? Hindi kaba kuntento sa amin ni Liam.

Biglang dumating si Mama na may dalang pagkain at inumin. Kasunod niya si Malcolm na seryosong seryoso ang awra.

"Wife, I need to go." Paalam ni Malcolm. "I will pick you up later okay?"

"Saan ka pupunta?" Takang tanong ko

"May aasikasuhin lang ako sa bahay." Sagot niya. "I love you."

"Sige. Mag iingat ka ah?"

Tumango lang ito bago ako halikan sa labi at nagmamadaling umalis.

Problema non?

"Hindi ko akalaing kayo talaga ang magkakatuluyan." Napatingin ako kay Mama nang magsalita ito. "Dati mga bulinggit lang kayong naghahabulan at naghaharutan."

"Ma, sino kausap niyo?" Takang tanong ko. "Sinong sinasabi niyo?"

"Tanga, malamang ikaw." Sagot nito at umirap. "Ikaw at si Malcolm ang tinutukoy ko."

"Huh?" Naguguluhan ako sa sinasabi nitong matandang ito

"Naaalala mo si Coco? Yung batang lagi mong kalaro?" Mabilis akong tumango. "Si Coco at Malcolm ay iisa."

Natigilan naman ako sa sinabi nito.

"Coco, bilhan mo ulit akong lollipop. Tingnan mo may five stars ako." Sabi ko habang pinapakita sa kaniya ang limang stars sa kamay ko

Wala talaga kong five stars, tinatakan ko lang ang sarili ko habang wala si Teacher.

"Alam kong tinatakan mo lang ang sarili mo." Sabi nito. "Don't fool me Lorelei."

Napanguso na lang ako. "Atleast may stars ako."

"Let's have a deal." Sabi nito. "Bibilhan kita ng Lollipop kapag pumayag kang maging boyfriend ako at maging girlfriend kita."

"Ano ba yun?" Inosenteng tanong ko

"Magkaibigan. " Sagot nito

"Magkaibigan na tayo eh." Tugon ko. "Pero sige payag na ako, libre mona ako."

Ngumiti ito bago hawakan ang kamay ko. "Okay let's go my beautiful girlfriend.:

"Si Coco." Bulong ko bago tumayo. "Kaya pala tinatawag siya Coco at pamilyar si Nico. Hayop na lalaking yun!"

Napatawa ako ng parang baliw

"Ma, alis na ako." Paalam ko at tumakbo palabas ng bahay.

Mabilis akong pumara ng taxi at sinabi dito ang destinasyon ko.

Si Coco ang batang naging first boyfriend ko, first kiss ko at first heart break ko. Si Coco na pinangakuan ako ng kasal na tinupad niya sa magoyong paraan at si Coco na kauna unahang lalaking minahal ko bukod kay Papa.

Bumalik siya, tinupad niya ang pangako niya.

Hayop na Malcolm yun hindi man lang nagpakilala na siya pala si Coco. Si Coco na never pinakilala si Nico sa akin dahil baka agawin daw ako nito.

Masisipa kita Coco.

Nang makarating ako sa mansion ay agad akong bumaba at nagbayad bago nagmamadaling pumasok sa loob.

"Malcolm!?" Tawag ko dito nang makapasok ako pero walang sumasagot.

Umakyat naman ako sa taas at nagtungo sa kuwarto namin. Paghawak ko pa lang sa sedula ng pinto ay parang bibigay na ang mga tuhod ko dahil sa panghihina.

At nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang isang senaryo na buong buhay ko ay ayaw na ayaw kong makita sa lahat. Ramdam ko ang panggigilid ng mga luha ko at ang pagbigat ng aking hininga.

Si Malcolm hubo't hubad habang masayang nakikipagtalik sa ex fiance niya.





A/N: TAGU TAGUAN

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon