CHAPTER 58

34.8K 918 34
                                    

LORELEI

    "UMINOM na ikaw gamot po?" Tanong ni Cole habang pinupunasan ang mga kamay ko

"Opo." Nakangiting sagot ko dito

Mahigit dalawang linggo daw akong walang may kuwento sa akin ni Mama.  Nakakalungkot kasi nakaligtaan namin ang Birthday ni Cole at Cale. Gusto daw magpahanda nila Mommy Maria  pero ayaw ni Cole kasi daw wala kami ng Papa niya.

Nagi-guilty tuloy ako pero ang sabi naman ng Anak ko ay okay lang daw.

"Anak gusto mo ba lutuan ka ni Mama ng spaghetti?" Tanong ko dito. "Pa-belated Happy Birthday ko sa iyo."

"Okay lang po Mama kahit wag na." Binaba nito ang bimpo sa lamesa at umakyat sa bed ko. "Four pa lang ako Mama pero alam kona nangyayari po. Gusto ko lang po ngayon ay magising na si Papa. Ngayon pa lang kami nagba-bonding ni Papa kaya sana hindi pa siya kunin ni Lord."

"Sana magising na po ang Papa ko. Miss kona siya po eh." Kita ko ang panggigilid ng luha nito. "Pupunta pa tayo po kay Ate Cale eh."

"Gigising ang Papa mo." Sabi ko dito. "Yan pa? Alam mo namang mahal tayo niyan at diba nag-promise siyang hindi niya tayo iiwan? Tutuparin niya iyon."

Nasa ganoon kaming posisyon nang humahangos na pumasok si Mama.

"Ma, bakit?" Tanong ko

"Si Malcolm." Halata ang lungkot sa mukha nito. "N-Nag flat line siya at kasalukuyang nire-revive ng Doctor."

Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa binalita niya.

"Si Papa." Tumalon pababa si Cole at mabilis na tumakbo palabas

"Mama, pakidala po ako kay Malcolm." Sabi ko

Inalalayan naman ako ni Mama paupi ng wheelchair. Kagaya ng hiling ko ay dinala niya ako sa ICU. Nakita ko ang Anak ko na nagwawala habang umiiyak at nagpupumilit pumasok sa loob.

"PAPA KO YAN PO EH!" Iyak na sigaw nito. "Lola gusto ko pasok."

Para akong unti unting nauupos habang pinanonood sa glass wall na i-survive ng mga nagkakagulong Doctor

"Lumaban ka Malcolm.. " Sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko habang nakatulala. "Please. Malcolm huwag mo kaming iwan ni Cole. Wala na si Cale at hindi ko alam kung kakayanin ko kung pati ikaw mawawala."

"Mama." Napatingin ako sa Anak ko na nakalapit na pala sa akin

Punong puno ng luha ang mga mata nito. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit

"Mama, ayaw wala si Papa." Iyak nito. "Mahal ko Papa po eh. Wala na si Ate sana wag si Papa."

"Sorry Anak." Tanging nasabi ko

Napatingin ako sa Glass wall at kita kong parang nakahinga ang mga Doctor. Nakita kong lumabas ang isang Doctor kaya humiwalay ako sa yakap.

"Cole tulak mo wheelchair ni Mama papunta kila Lola mo."

Tumango naman ito at agad sinunod ang utos ko

"Kumusta po ang asawa ko?" Tanong ko

"I'm sorry to say this but I think you need to give up him." Malungkot na saad ng Doctor. "Machine na lang talaga ang bumubuhay sa kaniya and one flat line he will be dead."

Lumuluhang umiling ako. "Hindi totoo 'yan! Tingnan mo lumaban siya! Mabubuhay pa siya."

"I know it's hard Lei pero please tapusin mona ang paghihirap ni Malcolm." Sabi ni Mommy Maria na umiiyak din. "H-Hindi kona kayang makitang nahihirapan siya. You love him Lei and I know you don't want him to suffer."

"Mahal ko po siya kaya po ilalaban ko siya." Huminga ako ng malalim. "Hindi ko po isusuko si Malcolm. Alam kong may pag asa pa."

"Misis hindi na po kaya ng pasyente." Sabi ng Doctor

"KAYA NIYA PA!" Sigaw ni Cole na ikinagulat namin. "BAKIT DESISYON KAYO!? HUMIHINGA PA PAPA KO! BAKIT NIYO PAPATAYIN HUH!? HINDI NAMAN KAYO SI LORD KAYA HUWAG KAYO PO MAG-DECIDE!"

"COLE!" Sigaw ko dito nang tumakbo siya paalis

"Ako ng bahala." Sabi ni Mama bago ito sundan

"Misis hihintayin kona lang po ang desisyon niyo." Sabi ng Doctor bago umalis

"Lei, alam kong masakit pero sana wag mo ng pahirapan si Malcolm." Sabi ni Mommy Maria

Tumango lang ako bago pagulungin ang wheelchair ko papunta sa glass wall.

"Gigising ka diba?" Tanong ko dito. "Babalik ka diba? Malcolm hindi ko kayang i-give up ka kaya sorry kung mahihirapan ka ah? Lumalaban ka kaya lumalaban din ako at umaasa."

"Kapag hinayaan ko sila parang sinabi kona din na hindi kita mahal. Lalaban ako Malcolm sana ikaw din. Maghihintay kaming dalawa ni Cole kaya sana ay tatagan mo ang loob mo."

Hinawakan ko ang glass wall na nagiging pagitan namin. Napapikit ako nang may maramdaman akong malamig na hangin na dumampi sa braso at pisngi ko.

"Mahal na Mahal kita Malcolm at kahit abutin pa ng buwan, taon o dekada ang pagkakatulog mo ay hihintayin pa rin kita." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Hindi ako papayag na hindi mo ako ihaharap sa altar. Kung paano mo ako hindi sinukuan ganoon din ang gagawin ko."

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon