CHAPTER 27

40K 1.1K 56
                                    


LORELEI

    "YES, that's part of my plan." Dinig kong sabi ni Malcolm na nasa veranda

Kagagaling ko lang ng C.R at nang makabalik ako ay may kausap na siya sa cellphone.

"Yes, just make sure all is settle when we came back there." Sabi pa nito. "Yes, I will ruined her life, she deserved that."

Hindi ko alam pero kinabahan ako. Ano na naman kayang kalokohan ng isang ito?

Tinapos ni Malcolm ang tawag at tumingin sa gawi ko, bahagya pa itong nagulat pero ngumiti din agad at lumapit sa akin.

"Kanina kapa?" Tanong nito. "Did you hear something?"

"Wala naman." Tugon ko. "May dapat ba akong marinig?"

"Nothing." Umupo ito sa tabi ko at yumakap sa beywang ko. "I love you."

"Thank you."

Natawa lang ito. "Want to go somewhere? Let's have a lunch date Wife."

"Ipagluluto na lang kita, baka mamaya may mga kaaway kana naman tapos iiwan mo ako tapos makukulong na naman ako."

"Promise wala. Let me date you." Sabi nito

"Okay." Pagpayag ko bago tumayo. "Magbibihis lang ako."

"Dadagdagan mona naman ang ganda mo." Tumayo din ito. "You don't need to change your clothes, you look perfect now."

"Nakaisa ka lang,  bolero kana." Pang aasar ko dito

"I'm just being honest." Kumindat ito. "I love you always my very beautiful and sexy Wife."

"Kalandi mo." Hinampas ko siya sa braso. "Tara na nga."

Lumabas kami ng condo niya at dumiretso sa elevator.

"By next week, uuwi na tayo." Sabi nito

"Akala ko ba magtatagal tayo dito?" Takang tanong ko. "Bakit uuwi agad tayo?"

"I will just fix something Wife then we will be back here until you want." Tugon nito bago kurutin ang pisngi ko. "Don't be mad, promise we will be back here."

"Okay lang, nami-miss kona din naman sila Mama tsaka sila Mommy." Sabi ko at ngumiti. "Pero bili muna tayong pasalubong para sa kanila."

"Tomorrow Wife."

Magkahawak kamay kaming lumabas ng elevator. Dumiretso kami sa parking at agad sumakay ng kaniyang sasakyan.

"Naayos mona yung business mo dito?" Tanong ko dito

"Yes, last week pa." Tugon nito. "How about you? Did you enjoy your vacation?"

"Oo naman, kahit nahampas ako sa mukha at nakulong." Sagot ko na ikinaseryoso ng mukha niya

"Until now I want to ripped their neck, no one is allowed to hurt the important treasure of my life and that's you." Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa labi niya para halikan. "Masaktan na ako huwag ka lang. That's how much I love you Lorelei. "

"Alam mo, bukod kay Papa at Coco. Ikaw pa lang ang tanging lalaking nagparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga at dapat ingatan." Nginitian ko siya ng matamis. "Thank you so much Malcolm."

"I love you."

Dumukwang ito at mabilis akong hinalikan.

"Ikaw talaga!" Hinampas ko siya sa braso. "Mababangga pa tayo sa kalandian natin eh."

Natawa lang ito at nagpatuloy sa pagda-drive. Ilang sandali lang ay huminto ang sasakyan namin sa isang magandang restaurant na halatang mamahalin.

"Welcome again Mr. Sullivan." Sabi nung guard nang makapasok kami

"Madalas ka dito?" Tanong ko kay Malcolm

Tumango lang ito.

"Hi Sir." May lumapit sa aming magandang babae. "Same table?"

"No, I want a table with best view." Tugon nito. "I want my Wife enjoy our lunch date."

Tumingin sa akin ang babae at ngumiti. "This way, follow me."

Nauna itong maglakad. Agad naman kaming sumunod sa kaniya.

Nakarating kami sa isang table na malapit sa bintana. Kitang kita dito ang isang rose garden at isang malaking fountain.

"Give us your special food." Sabi dito ni Malcolm. "Add some Ice cream too. That's all."

"Okay Sir."

Umalis na yung babae.

"Did you like the view?" Tanong ni Malcolm

"Ang ganda." Tugon ko. "Picturan mo ako mamaya doon sa rose garden ah?"

"Sure."

Maya maya pa ay dumating na ang order namin. Nagsimula na kaming kumain

"Ang sar–"

"–Malcolm."

Natigil kami sa pagkain nang may humintong blonde sa gilid namin. Presentable itong tingnan at mukhang matalino. Sorry siya, maganda lang ako.

"Cindy." Bahagyang ngumiti dito si Malcolm at tumango.

"It's been a years." Tumawa ito bago hawakan sa balikat ang asawa ko. "Ang tagal mong hindi nagparamdam,  you said you will never comeback here again?  What happened?"

"It's past." Tugon ni Malcolm at sumulyap sa akin. "I already forget that. I have my new life now."

"Come on, I know you miss me." Tumingin sa akin yung babae. "Oh,  you have a date. A date? Or you just use here to make me jealous?"

"Shut up Cindy." Sabi dito ni Malcolm.  "You ruining our date."

Lumapit sa akin itong Cindy. "Hi Miss whatever,  I'm Cindy Johnson. Malcolm's ex fiance."

"Hi." Nginitian ko siya. "I'm Lorelei Estrella. Malcolm's Wife." Kita kong natigilan ito. "Well, thank you for leaving him because I had the chance to marry the most great man in the world."

"I gotta go." Sabi nito at mabilis umalis

Walk out yarn?

"Sorry for that incident Wife." Sabi ni Malcolm at hinawakan ako sa kamay.

"Ayos lang, kita ko kasing bubunot kana ng baril eh." Sabi ko na parehas naming ikinatawa. "Pero wala kang taste pipili. Ang pangit non."

"That's past." Tugon nito. "Now, I know how to choose a beautiful woman."

"Parang tanga." Inirapan ko siya. "Ilan ba kami?"

"Ilan kaba?"

Inirapan ko lang siya pero kinindatan niya lang ako.

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon