CHAPTER 36

38.7K 1.3K 191
                                    


LORELEI


     "SUKI, bili kana." Sabi ko sa suki kong babae. "Fresh itong isda ko ngayon, fresh pa sa iyo."

"Ang mahal mo naman magtinda eh." Sabi nito

"Mura na nga yan eh, ito talaga ang kuripot." Sabi ko dito. "Ilang kilo ba?"

"Dalawang kilo." Tugon nito

Nakangiti ko naman siyang ipinagbalot ng dalawang kilo. Daming arte bibili din pala.

"Ito na suki, maraming salamat." Nakangiting inabot ko sa kaniya ang plastic

Kinuha naman niya iyon bago dumukot ng pera at iabot sa akin.

Apat na taon na din magmula nang mapadpad ako dito sa Bacolod. Sa una mahirap pero hindi nagtagal ay nasanay na din ako. Lalo na sa salita nila.

"Lei, umuwi ka muna." Bigla na lang sumulpot si Vivian.  "Ako na muna dito."

Siya si Vivian, Anak ni Nanay Purak–Ang aleng kumupkop sa akin at itinuring akong Anak

"Sige Viv." Hinubad ko ang apron kong suot.

Nagmamadali kong kinuha ang maliit kong bago bago maglakad pauwi sa bahay.  Walking distance lang naman kaya hindi na kailangan mag tricycle.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa amin. Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko ang isang batang lalaki na pabukakang nakaupo habang nagce-cellphone.

"Punyetang kapitbahay 'to, nagpatay na naman ng Wifi!" Inis na sabi nito bago ibalibag sa sofa yung cellphone

"Yung bibig mo!" Gulat naman itong napalingon sa akin. "Halika, sasampalin kita."

"Sorry po." Nagpa-cute ito bago tumakbo palapit sa akin at yumakap. "Ang baho mo Mama."

"Ikaw talaga." Mahina ko itong kinurot sa tagiliran. "Hindi ba at sinabi kong maligo kana? Tingnan mo ang itsura mo para kang pulubi."

"Yan po ulit pasalubong ko? Sermon?" Inambahan ko ito ng batok pero mabilis itong umatras. "Joke lang Mama ko. Gihigugma taka."

"Oo na, maligo kana." Sabi ko dito. "Pupunta tayo sa favorite place mo."

"Ayaw." Ngumuso ito. "Sabi ko diba po Mahal kita?"

"Tapos?" Tiningnan ko siya ng inosente

At ayun, nanggilid na ang luha ng malambing na bata. "Hindi mo ako mahal?"

"Joke lang po." Nilapitan ko siya at pinantayan. "Kahit naman hindi sabihin ni Mama yun ay mahal pa din kita."

Ngumiti ito ng malaki bago ako halikan sa pisngi. "Ligo na tayo Mama, punta na tayo doon ulit."

"Naligo na–"

"–Amoy isda ka po eh." Putol nito sa sasabihin ko. "Tara na po."

"Oo na."

Sabay kaming nagtungo ng Anak ko sa Banyo at sabay na naligo. Pagkatapos namin ay nagtungo kami sa kuwarto at nagbihis

"Mama, daan ulit po tayong jollibee?" Tanong nito. "Hindi pa din ako nakain po, walang ulam eh. Inubos ni Pekto."

"Tito Pekto." Pagtatama ko dito

"Basta Pekto lang." Sabi nito. "Pare naman kami eh."

Napailing na lang ako bago suklayin ang may kahabaan niyang buhok. Ang laki na ng baby ko, mag-po-four na siya next month.

Kahawig niya si Malcolm pero mas magkamukha kami. Maputi din siya at may dimple at higit sa lahat napakakulit at madaldal.

"Anong sabi niya nung nakaraan?" Tanong ko dito. "Ano daw gusto niyang food?"

"Ice cream daw po." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Promise po, mamatay man si Pekto."

"Ikaw talaga, huwag mong wini-wish ang kamatay ng tao." Pangaral ko dito. "Kahit mukhang patay si Pekto. Matagal pa buhay non."

"Judgemental ang mama ko." sabi nito

Natawa na lang ako bago siya buhatin pababa ng kama. "Tara na po."

Magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay. Nagtungo ako sa likod bahay at kinuha ang motor kong Mio.

Tinuruan ako ni Pekto, para daw tipid sa pamasahe. Pero mas napamahal pa ako dahil sa gasolina na ginto na ang presyo.

Sinuotan ko muna ng helmet si Cole bago pasakayin sa harap. Sunod ko naman na sinuot ang helmet ko bago paandarin ang motor namin.

Dumaan kami sa drive thru at umorder ng pagkain namin. Doon na kami manananghalian kagaya ng ginagawa namin minsan.

Sunod kaming huminto sa 711 para bumili ng Ice cream

"Hayop na Ice cream ito, kaliit liit 300." Bulong ko. "Okay lang favorite naman nila ito."

"Mama ito din." Sinamaan ko ng tingin si Cole dahil sa hawak niyang Emperador. "Shot tayo doon."

"Eh kung ihampas ko sa iyo yan?" Inagaw ko sa kaniya yung Emperador at ibinalik sa lalagyan. "Masyado ka pang bata para sa shot shot na yan."

Ngumuso lang ito bago kumuha na lang ng chocolate.

Nagbayad ako sa counter pagkatapos ay lumabas na kaming mag ina. Inilagay ko sa compartment yung pinamili namin bago kami umalis doon.

"Traffic." Sabi ko

"Init naman." Reklamo ng Anak ko. "Mama, wala bang Aircon dito po?"

"Anak, sino sa tingin mo ang matinong magpapa-aircon sa kalsada?" Pinanggigilan ko ang pisngi niya.

"Try ko yan Mama kapag yumaman po ako." Sabi nito. "Kapag lang."

Kung alam mo lang Anak. Tagapagmana kapa.

Napahinga ako ng maluwag nang umandar na ang mga sasakyan. Halos trenta minutos ang dinrive ko bago kami makarating sa pupuntahan namin.

Pinark ko ang muna motor namin bago kuhanin ang mga pinamili ko sa compartment. Sabay kaming naglakad ng Anak ko patungo sa kaniya.

"Ate!" Masayang sigaw ni Cole at nakangiting yumakap dito. "Miss kita."

Napangiti na lang ako ng malungkot bago umupo sa damuhan at haplusin ang lapida niya.

PARWAZ CALE ESTRELLA SULLIVAN

BORN ON JANUARY 30 2018
DIED ON AUGUST 31 2018

"Miss kana ni Mama Anak." Bulong ko

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon