CHAPTER 57

34.3K 906 31
                                    

LORELEI

     NANG magising ako ay puting kisame ang bumungad sa akin. Alam kong nasa Hospital ako base sa amoy. Sinubukan kong gumalaw pero napaungol lang ako dahil sa sakit.

"Lei!" Narinig ko ang boses ni Papa. "Anak."

"Tatawag ako ng Doctor." Boses iyon ni Mama

Ilang saglit pa ay nakita ko ang maluha luhang mukha ni Papa. Kahit masakit gumalaw ay inabot ko ang oxygen na nakakabit sa bibig ko at tinanggal

"M-Mal-Colm.." Mahinang sabi ko

"Dadalhin ka namin sa kaniya kapag okay kana." Sabi nito

Nakarinig ako ng mga yabag at kasabay non ang pagbungad sa akin ni Mama at ng isang babaeng Doctor

May kung anong ginawa ito sa akin bago harapin si Mama. Hindi kona sila pinagtuonan ng pansin dahil ang nasa isip ko ngayon ay si Malcolm.

Nasaan na si Malcolm? Ang huling naaalala ko ay puro dugo. Sa katawan ko, sa katawan niya at sa ulo niya.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi puwede, huwag naman sana. Alam kong buhay siya.

Hindi kona ulit alam ang sumunod na nangyari dahil nakatulog na naman ako.  Nang magising ako ay hindi na gaanong masakit ang katawan ko. Wala na ring oxygen mask na nakakabit sa bibig ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Alalang tanong ni Mama na nasa gilid ko. "Masyado mo kaming pinag alala ng Papa mo at kapatid mo. Salamat  Anak."

"Mama si Malcolm?" Mahinang tanong ko dito.  "Mama yung asawa ko?"

"Uminom ka muna ng tubig." Naramdaman ko ang pagtaas ng kama ko hanggang sa mukha na akong nakaupo. "Ito oh."

Itinapat nito ang straw sa bibig ko.  Agad naman akong humigop doon ng tubig.

"Ma,  nasaan si Malcolm?" Tanong ko dito

"Gutom kaba itatanong ko sa Doctor kung puwede ka ng kuma–"

"–Ma." Putol ko sa sasabihin nito.  Hinawakan ko siya sa kamay.  "Please po. Nasaan po si Malcolm?"

"Lei." Umupo ito sa tabi ko. "Comatose si Malcolm. Ang sabi ng Doctor ay makina na lang ang nagbibigay ng buhay sa kaniya. Gusto ng tapusin nila Maria ang paghihirap ng Anak nila pero hinihintay nilang magising ka para ikaw ang magdesisyon."

Umiling ako kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng mga luha ko. "M-Ma buhay siya. Buhay si Malcolm! Sinungaling ang mga Doctor!"

"Kumalma ka baka bumuka ang sugat mo." Mahinang sabi nito

"G-Gusto ko po makita si Malcolm." Sabi ko dito. "Ma dalhin mo ako sa asawa ko."

"Sandali lang."

Tumayo ito at lumabas saglit. Pagbalik niya ay may dala na siyang wheelchair. Inalalayan ako ni Mama paupo dito at tinulak ito palabas ng Hospital room ko

Dumaan kami ni Mama sa mahabang hallway hanggang sa huminto kami sa isang pinto na may letrang nakadikit na ICU

Dinala ako ni Mama sa isang malaking glass wall kung saan halos madurog ako nang makita ko si Malcolm. Maraming tubo at aparato ang nakadikit sa katawan nito

"Natanggal ang bala sa ulo niya Lei pero may mga ugat na na-damage." Sabi nito. "Sabi ng Doctor 10% lang ang chance niyang mabuhay. Sa ngayon machine ang sumu-survive sa kaniya."

"Malcolm." Hinawakan ko ang glass wall at inisip na lang na nahahawakan ko siya. "Laban ka ah? Kailangan kita. Kailangan ka ni Cole natin." Napapikit na lang ako habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko.  "Cale huwag mo munang isama si Papa mo ah? Alam kong selfish ako pero Anak gusto pang makasama ni Mama mo at ni Cole si Papa eh."

Dumilat ako at tumingun kay Malcolm. "Malcolm please lumaban ka.  Hinding hindi kita susukuan kahit na anong mangyari pangako yan.  Kahit sumuko ang lahat sa iyo hindi ako."

"Lei baka hanapin kana ng Doctor mi bumalik muna tayo." Sabi ni Mama

"Dito lang ako Mama." Sabi ko. "Puwede po ba iwan mo muna ako?"

Halata ang alangan sa mukha ni Mama pero tumango din ito at umalis.

"Sinungaling ka sabi mo magiging ayos ka lang? Bumangon kana diyan bahala ka hahanap ako ng ibang mapapangasawa." Natawa ako bago punasan ang mga luha ko. "Pinapaiyak mona naman ako Malcolm eh. Sabi mo hindi mona ako papaiyakin? Susuntukin talaga kita."

Nakatitig lang ako kay Malcolm. Hanggang sa may naramdaman akong maliit na mga kamay na humawak sa kamay ko.

"Mama gising na ikaw po." Nakangiting sabi nito. "Miss kita Mama ko."

Dahan dahan itong yumakap sa akin. Niyakap ko naman ito pabalik bago halikan sa ulo.

"Namiss kita baby." Sabi ko dito

"Ako din po eh." Nakangusong humiwalay ito sa yakap. "Si Papa po? Bakit tulog pa siya?"

"Puyat kasi ang Papa mo." Binuhat ko siya at kinandong

"Mama baka saktan ka po." Alalang sabi nito

"Okay lang Anak." Tugon ko at niyakap siya

Pareho kami ngayong nakatitig kay Malcolm na natutulog.

"Papa gising na ikaw po." Kausap dito ni Cole. "Si Mama gising na po ikaw na lang hintay namin.  Rinig ko po sila Lola na iiyak po lagi. Sabi nila hindi na ikaw gigising po pero hindi ako naniniwala. Si Mama din po hindi.  Hinihintay kana namin Papa ko."

"Cole, hindi mo ba nakikita si Papa no?" Tanong ko dito

Inilibot niya ang paningin niya. "Ayun lang po yung nakahiga."

Tumango ako bago higpitan ang yakap sa kaniya. "Ayos lang ba sa iyong hintayin natin si Papa mo kahit matagal?"

"Opo. Basta hintay natin siya po." Sabi nito. "Papa balik na po ikaw.  Bahala ka lulungkot ako pati si Mama."

'Gising na Mahal ko'





A/N: SORRY😢

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon