CHAPTER 22

43.7K 1.2K 103
                                    

LORELEI

   "HINDI naba tayo magpapaalam kila Mommy?" Tanong ko dito habang nagpupusod ako ng buhok ko. "Baka mamaya magtampo sila."

"Tawagan na lang natin mamaya," Tugon nito at humarap sa akin. "Let's go?"

"Teka, pwede bang dumaan tayo kila Mama kahit saglit?" Tanong ko dito. "Alas tres na naman ng madaling araw, sigurado akong gising na si Mama."

"Sure."

"Salamat."

Ngumiti lang ito at pinagsiklop ang kamay namin, lumabas kami ng kuwarto. Sobrang tahimik pa sa bahay kasi anong oras pa lang.

"Excited na ako!" Masayang sabi ko at pumalakpak pa. "Hindi naman siguro ako mapagkakamalang katulong mo 'no? Hehe."

"What?" Kumunot ang mga noo nito. "You're beautiful my wife."

Pinaandar nito ang sasakyan, tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Saglit lang ako." Sabi ko dito at agad bumaba.

Dumiretso ako sa loob ng gate, nadatnan ko si Mama sa labas na umiinom ng kape.

"Ma!" Nakangiting nilapitan ko ito

Luminga linga ito sa paligid. "Anong ginagawa mo dito? Umalis kana!"

"Ma naman," nakangiti pa rin ako kahit na parang dinurog na naman ako. "Papaalam lang ako. Pupunta kaming New York ni Malcolm."

"Anong pakielam ko? Umalis kana Lorelei, bilis na!"

"Opo, teka lang may ibibigay ako." Dinukot ko ang ATM na binigay sa akin ni Malcolm. "Ito po, para may magamit kayo ni Liam. Don't worry po lifetime yan."

"Hindi ko kailangan niyan, uma–"

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay iyon sa palad niya. "Birthday ko po password niyan, alis na po ako. Pasasalubungan ko po kayo ni Liam, bye bye."

Kinawayan ko si Mama at agad umalis, napahinga na lang ako ng malalim nang makapasok ako ng sasakyan.

"What with that sigh?" Tanong ni Malcolm

"Wala, tara na."

"Don't be sad, everything will be okay."

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo bago paandarin ang sasakyan.

"Ikaw ah, baka mahalin kita agad niyan."

"And I will be the most happiest man in the world." Kumindat ito sa akin na ikinailing ko lang

Kalanding lalaki

"We're here."

Parang tumalon ang puso ko nang makarating kami sa Airport. Bumaba si Malcolm kaya bumaba na din ako

"Hindi naman siguro babagsak yung eroplano natin noh?" Kinakabahang tanong ko

"No, trust your husband even I'm not the pilot." Inilahad nito ang kamay niya. "Let's go?"

"Mas may tiwala pa ako sa'yo kaysa sa condom." Tinanggap ko ang kamay niya. "Come on, New York time!!!"

"My wife is excited," Nginisihan ko lang siya. "You're cute."

"Oo na, tara na, landi pa eh."

Natawa lang ito bago kami pumasok ng Airport. Hindi ko alam kung saan kami nagsususuot basta pinakita niya yung passport namin sa isang lalaki.

Napaawang ang bibig ko nang huminto kami sa isang malaking eroplano

"Sa'yo yan?" Tanong ko dito

"Sa atin." Pagtatama nito. "Let's go."

Mas lalo akong napamangha nang makapasok kami sa loob, putek yaman ng Asawa ko. Kapag namatay pala ito, dami kong mamanahin. Charot

"Tayo lang nandito?" Tanong ko

"May mga tauhan akong kasama." Tugon nito.

Astig

"I have a bedroom here? You want to rest?" Tanong nito

Umiling ako at naupo sa tabi ng bintana. "Gusto ko makita yung labas kahit madilim dilim pa."

"Okay, Wife." Umupo ito sa tabi ko

Inayos nito ang seatbelt ko, napaka-maalaga naman ng Asawa ko, bugnutin nga lang lagi.

Napahawak ako nang mahigpit kay Malcolm nang unti unti ng umangat yung eroplano. Pakiramdam ko hinahalukay ang tiyan ko.

"Calm down Wife." Sabi ni Malcolm. "I'm here okay?"

Tumango ako at huminga ng malalim, medyo nabawasan ang kaba at takot ko.

Ang plano ko ay titigan ang labas hanggang makarating ng New York pero nakatulog ako. Nang magising ako ay nasa isang kuwarto na ako.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito, iniluwal non si Malcolm na guwapong guwapo sa suot niyang t-shirt na gray at simpleng pants.

"Are you okay?" Malambing na tanong nito. "Nakatulog ka."

"Sayang," Napanguso ako. "Hindi ko nakita yung ibang view."

"It's okay, I recorded it, you can watch it if you want." Sabi nito at naupo sa tabi ko. "Are you hungry?"

"Anong oras naba?" Tanong ko dito

"It's alredy two in the afternoon." Tugon nito

Hanep ganon ba ako kapagod? Partida wala pa kaming ginagawang milagro nun.

"Gusto ko ng kumain." Sabi ko dito. "Gusto ko ng hatdog na malaki yung kulay brown." Nagtaka ako ng lumunok ito. "Tsaka itlog."

"You sure?" Paninigurado nito.

Tumango ako habang nagkukusot ng mata. "Samahan mona din ng pancit canton kung me–Tangina Malcolm! Bakit ka naghuhubad!?"

Dinampot ko ang unan at binalibag sa kaniya

"What!?" Inayos ulit nito ang pantalon niya. "I thought you want to eat my dick?"

"Gago!" Singhal ko dito. "Totoong hatdog na kinakain ang sinasabi ko, puro kalibugan amputek!" Napairap ako. "Mas masarap naman talaga yung hatdog na brown, magpaayos ka nga ng utak Malcolm Nehemiah Sullivan."

Napakamot ito sa kilay niya pero maya maya ay tumawa.

"Oh right, stop being highblood my love." Natatawang sabi nito. "Love you."

"Lumayas kana nga."

Kumindat ito bago lumabas, napailing na lang ako. Takte talagang asawa kona yun.



A/N: HIYANG HIYA AKO PARA SAYO MALCOLM

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon