CHAPTER 59

38K 884 8
                                    

LORELEI

    "WAG muna ulit uulit yun ah?" Pangaral ko sa Anak ko. "Paano kung hindi ka nakita ni Lola mo na patawid ede pati ikaw pinag aalala si Mama."

"Sorry po." Yumakap ito sa leeg ko

"Wag kana din maninigaw ng mas matanda sa iyo, okay?" Naramdaman ko ang pagtango nito

Magkatagilid kaming nakahiga sa kama. Nakayakap siya sa leeg ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Pinapangaralan ko siya dahil sa ginawa niya kanina

Nakita daw siya ni Mama na patakbo ng patawid sa kalsada buti na lang naabutan niya

"Sorry Mama nagalit lang ako po." Sagot nito. "Ayaw ko ng nisasabi nila kanina po."

"Alam ko naman iyon Anak pero mali pa rin yun okay po ba?" Tumango ito. "Basta magtiwala lang tayo kay Papa mo dahil alam kong babalik siya sa atin."

"Opo babalik siya." Humiwalay ito sa yakap. "Mama kita ko po kanina si Papa kaso saglit lang kasi umalis siya po dahil may gagawin daw po siya."

"S-Saan?" Gulat kong tanong

"Kanina po dito habang nasa banyo ikaw po." Ngumuso ito. "Sabi niya babalik siya pero kailangan daw pong tapusin niya muna nigagawa niya. Sabi ni Papa wag daw tayo iyak po at mahal niya tayo po."

Tumulo ang mga luha ko na mabilis pinahid ng Anak ko. "Bawal iyak po okay?"

"Opo." Hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na Mahal kita Anak–Sobrang Mahal ko kayo ni Papa mo."

"Mahal ko din kayo ni Papa po." Sabi nito at muling yumakap sa leeg ko. "Tulog na tayo. Love you Mama ko."

    ISANG LINGGO na ang lumipas pero wala pa ring pagbabag sa kalagayan ni Malcolm.

Mabuti na ang kalagayan ko pero hindi pa rin ako nakakalabas. Humihilom na ang mga sugat ko at nakakapaglakad na ako

"You have ten minutes only." Sabi ng Doctor

Tumango lang ako bago pumasok sa loob ng ICU. Agad akong tumabi kay Malcolm at humawak sa kamay niya.

"Hi Mahal." Bati ko dito. "Gising na oh. Ano bang misyon mo at ang tagal mong bumalik?" Napahinga ako ng malalim. "Miss na miss kana namin ng Anak mo. Kailangan pa nating bumawi sa kanila ni Cale kasi hindi tayo nakapag-celebrate ng Birthday nila."

"Malcolm malapit ng pumasok sa daycare ang Anak mo. Ipinasok siya ni Mama para naman daw kahit papaano ay malibang siya." Kuwento ko dito. "Yung mga kaibigan mo pala madalas sa bahay para kamustahin ako lalo na Anak mo. Yung mga kaibigan mong baliw spoiled na spoiled na si Cole. Yung pilyo mo namang Anak tuwang tuwa."

"Malapit na akong lumabas ng Hospital pero feeling ko dito magiging bahay ko. Araw araw kitang dadalawin. Sana maging mabuti na ang lagay mo para puwede na kitang makasama. Dito kasi sa ICU may off limits." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. "Alam mo bang pagod na pagod na yung iba sa kahihintay sa iyo? Ako hindi eh. Kami ni Cole ay naninitiling may tiwala sa iyo dahil mahal na mahal kita."

"Hindi ako nagmamadali pero sana naman gumising kana kasi naaawa na ako kay Cole. Kahit para kay Cole na lang Malcolm. Yung Anak mo kasi laging umiiyak kahit yata sa panaginip niya ay ikaw ang laman. Sobrang miss kana ng Anak mo." Hinaplos ko ang sobrang payat niyang pisngi. "Mahal na Mahal kita manggogoyo pero pogi kong Asawa. Tapos na ang oras ko. Bukas na lang po ulit."

Hinalikan ko ang palad ko at inilapat yun sa pisngi niya. Kahit na gustong kong ilapat ang labi ko sa mukha niya ay hindi maaari dahil bawal daw.

Napahinga ako ng malalim bago tumayo. Sinulyapan ko ulit si Malcolm bago tuluyang lumabas ng ICU

Nadatnan ko si Nico na mukhang papasok ng ICU. Kahit naka-mask ay alam kong seryoso ang mukha nito

"Wag mong saktan sa loob si Malcolm ah? Susunugin kita ng buhay." Biro ko dito

"Here." May inabot sa akin itong isang USB. "Take it."

"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko

"Coco said if something bad happened to him gave this USB to you." Seryosong saad nito. "I don't know what is that. But I know it's a video of confession."

Kinuha ko iyon at mapanuring tiningnan siya sa mata. "Pinanood mo?"

"No." Umirap ito. "I don't have time for his emote."

"Sama talaga ng ugali mo!" Singhal ko dito

"Just like my brother." Nilagpasan ako nito

"Btw Thank you for not giving up on him." Dagdag pa nito

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa akin bago tuluyang pumasok sa loob. Napangiti na lang ako bago tumingin sa USB

Bumalik ako sa Hospital room ko.

Tumungtong ako sa upuan at isinaksak ang USB sa T.V. Bumaba ako at umupo sa kama ko

Kinuha ko ang remote at pin-lay yun. Napaluha na lang ako nang makita ang may buhay na mukha ni Malcolm sa T. V

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon