SPECIAL CHAPTER

44.9K 1.2K 80
                                    

     "MAMA! PAPA!" Mabilis kaming napabangon ni Malcolm nang marinig namin ang sigaw ni Cole

Nakarinig rin kami ng mga kalabog. Nang makalabas kami ng kuwarto ay napahampas na lang ako sa noo ko nang makita ang nangyayari sa sala

Nag aaway na naman ang mag kuya

"Cailey!" Saway ko dito

Hinahampas niya kasi ng walis tambo ang Kuya niya. Si Cole naman ay pinoprotektahan lang ang sarili niya habang umiiwas

"Mama si Kuya kasi!" Nanggigilid ang luhang sabi nito. "Pinakielaman yung phone ko."

"Mama si Cailey may boyfriend na." Sabi ni Cole na namumula ang braso. "Nakita ko yung chat ng boyfriend niya."

"Cailey." Seryosong tawag dito ni Malcolm. "Anong usapan natin?"

"Papa, I'm eighteen na po." Nakangusong sabi ni Cailey. "Atsaka mahal ko po siya."

"Okay naman mag-boyfriend siya eh kaso yung boyfriend niya hindi mapagkakatiwalaan." Sabi ni Cole. "Boyfriend niya yung Anak ni Ninong Archer si Ayer."

Natawa naman ako bago lapitan si Cailey. "Yung crush mo rin pala ang nakatuluyan mo. Good to know Anak."

"Ma!/Wife!" Sabay na angil ng mag ama

"What? Legal age na si Cailey at may tiwala ako sa kanila ni Ayer." Sabi ko. "Kung may hindi man magandang gawin si Ayer ako mismo babaril sa kaniya."

"But she's still a baby!" Nakasimangot na saad nito

"Tumahimik ka. OA alert kana naman." Inirapan ko siya. "Wag mong masyadong paghigpitan ang mga Anak mo at baka magrebelde ang mga 'yan."

"I understand that Wife pero naunahan pa niya ang Kuya niya." Sabi ni Malcolm

"Kasalanan ni Cole yan masyadong pihikan sa babae." Nilingon ko ang binata ko. "Baka naman bakla ka?"

"Mama naman!" Inis na sabi nito. "Hindi ako bakla."

Napailing na lang ako bago balingan si Cailey. Kinurot ko ito sa tagiliran. "Diba ang sabi ko wag mong sasaktan ang Kuya mo? Pasalamat ka at hindi ka pinapatulan niyan."

"Hindi niya kaya." Mayabang itong ngumisi

"Hindi pa sa ngayon Cailey. Magugulat kana lang susuntukin na kita." Sabi dito ni Cole na alam kong biro lang

Masyadong alaga ni Cole si Cailey. Takot itong masaktan ang kapatid kaya tuwing nag aaway sila hinahayaan niya lang si Cailey na saktan siya.

"Sige suntukin mo ako para suntukin ka ni Papa." Sabi nito

"Kayong dalawa talaga." Pareho kong kinurot ang pisngi nila. "Puro kayo away. Hindi ba kayo nagsasawa?"

"You should love each other." Sabi naman ni Malcolm. "Kayo na lang dalawa ang magtutulungan kaya sana tigilan niyo na yang pag aaway."

"Papa kasama sa pagiging magkapatid namin yun." Ngumisi ito bago akbayan si Cailey. "Kung hindi ko inaaway ang pikon na ito ibig sabihin lang ay hindi ko siya mahal."

"Kilabutan ka nga Kuya Cole." Sabi dito ni Cailey

Kinutusan naman ni Cole si Cailey. Napailing na lang ako sa inasta ng magkapatid na ito.

"Puro kayo kalokohan." Naiiling na sabi ko

"Ang bilis nilang lumaki." Inakbayan ako ni Malcolm. "Wife dapat dinamihan natin eh. Look wala na tayong baby."

Siniko ko siya sa tiyan. "Umariba kana naman."

Natawa lang ito bago ako halikan sa gilid ng ulo ko. "I love you so much my Wife. Thank you for choosing me."

"Mahal din kita Malcolm."

"Dito na naman sila naglambingan oh, " sabad ni Cole. "Maawa po kayo, may single pa sa pamilyang ito."

"Kuya, hindi namin kasalanan kung single ka," sagot dito Cailey. "Ang daming friends ko ang may gusto sa'yo, ang problema ay tinatanggihan mo. Lalako siguro type mo 'no?"

"Ampucha, batukan kaya kita?" banta dito ni Cole. "Hindi ko lang type mga friends mo. Ang kikire ng mga nene na yun."

Natawa ako sa sinabi nito.

"Cailey, pabayaan mona ang Kuya mo. Siguradong may hinihintay lang iyan," singit ko sa usapan ng dalawa.

Ngumuso si Cole at umiwas ng tingin.

Niyakap kona lang sila, ganoon din si Malcolm.

I hope this happiness of mine will stay forever.

Mafia Obsession: Colm Sullivan [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon