Prologue

23.2K 263 24
                                    

Paalala: Ang kwentong ito ay may mga dialogo sa salitang Espanyol. Thank you, Google Translate. Kung may mali man, h'wag ako ang sisihin niyo. Charing.

November 1918.

"Bienvenido de nuevo, Señorito Maximiliano." Maligayang pagbabalik, Ginoong Maximiliano. Bati sa akin ng mga kasambahay sa mansión saktong pagpasok ko sa pintuan. Kinuha pa nila mula sa akin ang dala kong mga bagahe mula sa Francia.

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdigan ay bumalik ako rito sa Espanya—ang aking bansang sinilangan. Halos apat na taon ang ginugol ko sa guerra na ito. Apat na taon. Nasaksihan ko ang mga buhay na nasawi, ang mga gusaling nawasak, at walang humpay na ingay ng panaghoy at mga pasabog.

Natapos ang digmaan pero ang epekto nito sa bawat taong naging saksi ng maduong guerra ay panghabang-buhay ng tatatak sa aming mga isipan.

Dumiretso ako sa sofa para maupo at hubarin ang sintas ng aking sapatos. Suot ko pa rin ang uniporme kong pang-heneral.

"Qué más podemos servirte, señorito?" Ano pa po ang maipaglilingkod namin sa iyo, ginoo?

Napaangat ang aking tingin sa nagsalita. Ang isa sa aming kasambahay na may katandaan na. Siya ang pinaka-katiwala rito sa mansion. Nagpalinga-linga naman ako bago siya muling tignan. "Dónde están mamá y papá?" Nasaan po sina nanay at tatay?

"Están en Filipinas." Nasa Pilipinas sila. Sagot naman niya.

Napakunot-noo naman ako. Filipinas? Anong ginagawa ng aking mga magulang sa banyagang bansa? "Y qué están haciendo en Filipinas?" At ano naman ang ginagawa nila sa Pilipinas?

Tumango muna ito bago ako sagutin. "Después de la guerra, compraron tierras en Filipinas. Debido a la condición de los países, pudieron comprar tierras baratas en Filipinas." Pagkatapos po ng digmaan, bumili sila ng lupa sa Pilipinas. Dahil sa kalagayan ng mga bansa, nakabili sila ng murang lupa sa Pilipinas.

Napa-awang na lang ang aking bibig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabago. Imbes na salubungin nila ang kanilang anak matapos humarap at makipaglaban sa madugong digmaan, heto at inisip pa nilang palawakin ang kanilang yaman.

Nginitian ko naman ang aming kasambahay. "Gracias. Ya no necesito nada." Salamat. Wala na akong kailangan.

Ngumiti rin siya sa akin pabalik bago ako talikuran para bumalik sa kanyang trabaho. Ako naman ay pumanhik na sa kwarto ko. Agad bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Kay tagal kong hindi nakaranas mahiga sa ganito kalambot na kama. Apat na taon na sa duyan o kung ano lang ang pwedeng mahigaan para makatulog sa guerra. Hindi ko na matandaan ang pakiramdam nang mahimbing na tulog.

Dahil sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, bumabalik lang ako sa gulo ng guerra. Rinig ko pa rin ang ingay at iyak. Huminga ako nang malalim at dinilat ang aking mga mata. Napatingin ako sa kisame ng aking kwarto. Kahit paano ay nalinis pa rin ng aming mga kasambahay ang aking kwarto sa mga taon na nawala ako sa mansion.

Muli akong napabangon sa kama ko at sinimulan ng buksan ang mga butones ng aking uniporme. Nang matanggal ko na ang mga butones ay hinubad ko sa katawan ko ang uniporme at binitawan lang ito pabagsak sa sahig. Humarap ako sa salamin na pahaba para tignan at haplusin ang bendahe na nakabalot sa dibdib ko at sa balikat ko.

May tama ako ng dalawang bala; isa sa balikat ko at isa sa kanang dibdib ko. N'ong mga panahong 'yon, akala ko ay masasawi na ako. Aaminin ko na parang handa na ako n'ong mga panahong 'yon na matapos na ang aking buhay. Minsan, may saysay ang kamatayan kaysa mabuhay. Dahil sa kamatayan, doon lang nabibigyan halaga ang mga nagawa mo no'ng nabubuhay ka pa.

Napalingon naman ako sa may pintuan ng aking kwarto nang ito ay biglang bumukas. Kita ko ang aking nakababatang kapatid na si Santhiago na may ngiti sa mga labi nang makita rin ako.

El VioladorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant