Chapter 31

6.9K 232 20
                                    

"Ate, ang ganda mo..." Bati sa akin ni Nora.

Magkakasama kami ngayon sa isang kwarto dahil ngayon na ang itinakdang araw ng kasal ko. Nakaharap ako salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili kong suot ang traje de boda na pinagawa namin sa bayan.

Hindi ko inaasahan na ganito ang kakalabasan ng traje de boda ko. Simple lang naman siya pero ang disenyo na dahon-dahon na kulay puti sa traje de boda ang bumuhay sa ka-simplehan nito.

Ang ganda rin ng kulay niya na matingkad na kayumanggi na nagpapalabas lalo sa kulay ng balat ko. Sukat na sukat sa katawan ko ang traje de boda kung saan kita ang likod ko. (Iyong gown lang po ang reference sa traje de boda, hindi po si Julia B. si Esme ☺️)

"Grabe ka, Esme

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Grabe ka, Esme." Bulalas din ni Hilda na nakatingin sa imahe ko sa salamin. "Para kang hindi magsasaka noon, mukha ka na talagang senyoritang-senyorita, at parang haciendera talaga na galing Espanya."

Nakatitig pa rin ako sa itsura ko. Maski rin ako ay naninibago sa itsura ko. Naka-pusod lang naman ang buhok ko at simple lang ang kolorete sa mukha na tanging pulang kulay lang sa labi ang nangingibabaw, at pares ng hikaw na iniregalo sa akin ni Jacinta. Ngayon ko lang nasabi sa sarili ko na ang ganda ko pala kapag naaayusan.

Dati, ako iyong gandang-ganda sa mga ikinakasal, pero ngayon, ako naman ang gandang-ganda sa itsura ko.

Napatingin naman ako kay Nora at Hilda na tumulong sa akin sa pag-aayos. Naluluha ako dahil parang kailan lang, abala lang kami sa pagsasaka pero ngayon ay nangyayari na ang pagbabago sa buhay ko.

"Ikakasal na ako..." Naluluhang kong wika sa kanila.

"Sobrang saya ko para sa'yo aking kaibigan." Bulalas ni Hilda na naluluha rin.

"Ako rin, ate. Ang saya kong ikakasal ka na." Sambit din ni Nora na umiiyak na.

Ngumiti ako sa kanila at lumapit pa para yakapin silang dalawa. "Salamat kasi parte kayo ng buhay ko kaya gusto ko kayong makasama sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko."

Kumalas na kami sa pagyayakapan at nginitian pa ako ni Hilda habang nagpupunas siya ng luha niya. "Sige na, baka mainip na si senyorito at hindi ka na pakasalan n'on."

Natawa naman ako. "Asa namang gagawin niya 'yon."

Naglakad na kami palabas ng kwarto na nasa gilid lang ng simbahan. Inalalayan pa ako ni Nora at Hilda papunta sa pintuan nang simbahan. Sinalubong naman kami ni Jose at Thiago na siyang magbubukas nang pinto ng simbahan habang bumalik naman si Nora at Hilda sa loob ng simbahan.

Umaga ang kasal namin ni Maximo para hindi tumama sa oras ng misa sa tanghali. Kaya matapos ang kasal ay diretso sa hacienda para mananghalian kung saan may mga taong naghahanda na roon.

"Ang ganda mo naman, ate." Komento pa ni Jose habang titig na titig sa akin. "Parang hindi ikaw ang Ate Esmeralda ko."

"Sulitin mo na 'to, ngayong araw lang ako maganda." Sagot ko naman sa kanya.

El VioladorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon