Chapter 1

16.5K 231 42
                                    

"Esme!"

Napalingon ako sa sumisigaw sa pangalan. Napahawak pa ako sa likuran ko dahil ngalay na sa halos mag-hapong nakayuko. Nandito kasi ako sa sakahan ng tubo at tinatabas na sila para ma-iproseso bilang asukal. Naningkit pa ang mata ko dahil nasisilaw ako sa tirik ng araw.

Kita ko namang kumakaway habang palukso-lukso ang aking kaibigan na si Hilda. Napapunas muna ako sa pawisan kong mukha. Ang init talaga. "Ano na namang isinisigaw mo d'yan, Hilda?" Tanong ko sa kanya nang mahinto na siya sa harapan ko.

"Galing ako sa mansion nila Don at Donya DiMarco." Sambit niya habang nakangiti.

Ewan ko ba rito kay Hilda. Ang hilig sumipsip sa mga Espanyol na 'yon. Kesyo tutulungan daw kaming mga magsasaka kapag nakita nilang mabait din kami sa mga DiMarco. Matagal na akong walang tiwala sa mag-asawang 'yon. Lalo na't mga Espanyol sila at grabe ang ginawa nilang pang-aalila sa Pilipinas dati.

Tinaasan ko naman ng kilay ang kaibigan ko. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Magbunyi dahil nakakapasok ka sa mansion?" Sagot ko naman sa kanya. Muli ko namang hinarap ang tubo at sinibak 'yon.

"Awts!" Napatili naman si Hilda nang saktong sinibak ko ang tubo kaya nagmadali akong tignan siya.

"Ano'ng nangyari sa'yo, Hilda?!" Taranta kong tanong sa kanya. Nabitawan ko pa ang sibak para tignan ang katawan niya kung natamaan ko siya ng sibak.

Bumungisngis naman si Hilda. "Biro lang."

Tinignan ko siya nang masama at hinila ang buhok niya. "Kapag ikaw, nasibak ka talaga, hindi na ako mag-aalala sa'yo."

Tumawa lang si Hilda sabay yakap sa isa kong braso. "Ang seryoso naman ng aking kaibigan. Tawa-tawa rin tayo kapag may oras. Mahirap nang lagi kang aburido. Ang ganda mo pa naman. Baka tumanda ka ng maaga, Esme. Sana ako na lang ang maganda kung sasayangin mo lang din pala."

Tinignan ko lang siya ng seryoso. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? May trabaho pa ako, oh." Sambit ko sabay turo sa mga tubo. Istorbo siya sa trabaho ko.

Ngumisi naman si Hilda na parang demonyo. "Pinapatawag ka kasi ni Donya DiMarco sa mansion."

Biglang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Hilda. "Ano? Bakit naman niya ako ipapatawag? Tigilan mo nga ako Hilda sa mga biro mo."

Napabuka ang bibig ni Hilda na tila nasaktan sa mga sinabi ko. "Oy, hindi biro ito! Totoo ito, Esme! Pinapatawag ka niya dahil parang may i-uutos siya sa'yo...o sa'tin?"

Muli kong tinignan si Hilda. Bumitaw naman siya sa braso ko para itaas ang braso niya at ipakita ang senyas na "pangako". Napabuntong-hininga naman ako. "Ngayon na?"

Kita ko namang nagpigil ng tawa si Hilda. "Pwede namang mamaya na lang kung gusto mong si Donya DiMarco na lang ang maghintay sa'yo. Espesyal ka yata aking Esmeralda."

Nagpigil din ako ng tawa. May pagka-baliw talaga itong kaibigan ko. "Tagain kita d'yan, e."

Naglakad na nga kaming dalawa papunta sa mansion. Ang lawak pa naman nitong Hacienda DiMarco. At talagang tinatahak namin ang sakahan sa tirik ng araw. Kaya balot ang katawan ko ng mga tela para hindi masunog ang aking balat. 'Yon nga lang ay nangangamoy araw ako.

"Kumusta na kayo ni Armando?" Tanong ni Hilda sa kalagitnaan ng aming paglalakad.

"Maayos naman. Pero s'yempre, patago pa rin dahil alam mo na, bawal pa ang relasyon namin sa mga pamilya namin." Sagot ko naman.

Kasintahan ko si Armando. Nasa sekundarya pa lang ako ay nililigawan na niya ako. Mag-kaklase kasi kami. At nang tumuntong na kami sa kolehiyo ay mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Takot man ay sinagot ko siya dahil gusto ko rin naman siya. Pinangako namin sa isa't isa na magtatapos muna kami bago kami umamin sa mga pamilya namin.

El VioladorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang