Chapter 7

9K 152 8
                                    

"Iba talaga ang aking kaibigan," Patuloy na pang-aasar sa akin ni Hilda habang nandito kami sa kubo at kumakain nang pananghalian. "Sumasakay na sa kabayo ng senyorito. Ano kaya ang pakiramdam na masakyan ang senyorito---este ang kabayo ng senyorito?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayoko sanang sumakay sa kabayo ng senyorito noong isang araw dahil maglilikha talaga ito ng usapin. Kita ko pa lang sa mga mata ng mga magsasaka nang makita nila kaming magkasama sa iisang kabayo ay alam ko nang may mga isyu na silang nililikha sa kanilang mga utak. Mga malisyoso!

Dahan-dahan ko namang tinignan si Hilda at tinignan siya nang masama. "Hildaria, magtigil ka nga! Napaka-malisyosa mo! Nagmagandang loob lang ang senyorito na ihatid ako sa sakahan matapos kong ihatid ang kanyang panyo sa mansion. Ang layo ng aming tirahan mula sa mansion at babalik pa ako sa sakahan para lang sa pagkakamali niyan nang iwan niya ang panyo niya sa bahay!"

Pinanlakihan naman ako ni Hilda ng mga mata. "Kita mo, dumalaw na siya sa inyo. Ibang klase ang taglay na kagandahan ng aking matalik na kaibigan. Umabot na ba kayo hanggang kwarto mo?"

Pinanlakihan ko rin siya ng aking mga mata. "Ang bastos mo Hildaria!"

Tumawa naman si Hilda kaya nakita ko ang ngala-ngala niya. "Ikaw naman, hindi ka mabiro, Esme. Pero baka sa ngayon ay si senyorito muna ang nangangabayo at baka sa mga susunod pang araw ay ikaw na ang nangangabayo sa kanya, aking Esme. Galingan mong mangabayo mahal kong kaibigan!"

Pakiramdam ko ay namumula na ang aking mukha dahil sa pang-aasar ni Hilda at sa bastos niyang pag-iisip. Kaibigan ko ito kaya alam kong ang bastos nang mga sinasabi niya kaya kinukurot ko siya sa tagiliran niya pero sinusubukan niyang ilagaan ang mga kurot ko.

"Hilda, nakakahiya ka. Marinig ka ng mga tao't ano'ng isipin nila sa amin ni senyorito!" Gigil kong sambit sa kanya dahil hindi pa rin siya natigil.

Hinawakan na ni Hilda ang aking mga kamay para hindi ko na siya makurot. "E, kasi naman aking kaibigan, para kayong Don at Donya DiMarco nang makita namin kayong dalawa na sakay ng kabayo. Masama bang kiligin ako sa aking kaibigan?"

Napairap naman ako sa kanya sabay harap ulit sa kinakain ko. "Oo, masama Hilda. Alam mo naman ang tungkol kay Armando. At kapag ito ay nakarating kay Armando, tiyak na pagmumulan namin ito ng away. Saka, malamang ay magagalit ang Donya DiMarco kung sakaling makarating din ito sa kanya. Ang hirap naman kasing iwasan ng senyorito."

Tumigil na rin sa pagtawa si Hilda at humarap na rin sa pagkain niya. "Pero seryosong tanong Esme, paano kung magustuhan ka ng senyorito? Hindi sa gumagawa ako ng kwento pero tayo ang unang nakakilala sa kanya at kita ko na iba talaga ang mga tingin at trato niya sa'yo."

Napatingin naman ako sa malawak na sakahan habang iniisip ang mga sinabi ni Hilda. Tirik na tirik ang araw pero tuloy pa rin ang mga magsasaka sa gawain sa hacienda. Dugo't pawis talaga ang inaalay para lang sa pagtanim at pag-ani pero hindi ito natutumbasan ng sapat na kita. Ang mga kinakain natin ay halos galing sa mga magsasakang naghirap para lang palaguin ang mga ani pero parang kami pa ang napag-iiwanan ng panahon.

Huminga naman ako nang malalim bago tignan si Hilda. "Hindi niya ako magugustuhan, Hilda. Pero isa lang ang sigurado ako, mabait siyang tao. Iba siya sa mga magulang niya. Ang kabaitan niya ay nababahiran mo lang ng ibang kahulugan dahil hindi tayo sanay sa mabait na trato ng mga DiMarco. Mabait lang talaga ang senyorito."

Tumango naman si Hilda habang ngumunguya sa ulam naming itlog na maalat na may halong kamatis. Kapwa kami nagkakamay habang sapin namin ang dahon ng saging bilang pinggan.

"Tama ka, Esme." Sagot naman ni Hilda. "Iba nga ang senyorito sa Don at Donya DiMarco. Mas madalas ko pa siyang nakikita sa sakahan kaysa sa mga magulang niya na sa mansion mo lang makikita. Ang lapit ni Senyorito Maximo sa ating mga magsasaka. Pero, wala ba talagang pag-asang magustuhan mo siya? Hindi mo ba nakikita ang angking ka-gwapuhan ng binatang Espanyol?"

El VioladorWhere stories live. Discover now