Chapter 11

8.3K 159 31
                                    

Maaga pa lang ay sinundo na ako ni Hilda sa aming bahay. Tulog pa ang mga kapatid ko dahil wala silang pasok sa eskwela dahil katapusan ng linggo. Sina inay at itay naman ay maaga nang gumising para maghanda sa panibagong araw sa sakahan. Ako naman ay kakatapos ko lang maligo.

"Ang aga mo naman Hildaria." Bungad ko agad sa aking kaibigan pagpasok niya sa aming bahay. "Nag-aayos pa lang ako."

Dumiretso lang si Hilda maupo sa de-kahoy naming upuan na pahaba. "Gan'on talaga aking kaibigan. May paniniwala kasi ako. Isa akong babae na puno ng paniniwala sa buhay."

Tinignan ko naman siya mula sa repleksyon niya sa nangingitim na naming salamin. Luma na kasi ito at wala naman kaming pampalit. May mga lamat na nga ang salamin pero ayos pa rin naman, nakikita ko pa rin naman ang sarili ko.

"Ano?" Taka kong tanong sa kanya.

Ngumisi lang si Hilda. "Ang taong maagang gumigising, tiyak maaga ring natutulog." Wala niyang kwentang sagot sabay halakhak.

Inirapan ko naman siya. Umagang-umaga ay masigla na agad si Hilda para sa mga kalokohan niya. Kakaibang babae talaga 'to. "Kulang kapa ata sa kape, Hilda. Magtimpla ka muna d'yan para kabahan ka naman."

Sinusubukan namang kumalma ni Hilda mula sa pagtawa niya. "Ayokong magkape ngayon, Esme. Ba-b'yahe kasi tayo. Baka matae na lang ako. Ayoko namang dumumi sa mga talahib at baka may tumuklaw sa salungguhit ko. E, hindi pa ako handang matuklaw."

Dahan-dahan ko namang nilingon si Hilda at kita kong nagpipigil siya ng tawa. Tinignan ko naman ang aking mga magulang na nasa likod bahay lang namin bago muling tignan si Hilda. "De puta ka Hilda. Ang bastos ng bunganga mo."

Mas lalo namang tumawa nang malakas si Hilda. Binato ko naman siya ng balabal ko. "Ang ingay mo. Natutulog pa ang mga kapatid ko!"

Tinakpan na ni Hilda ang bibig niya habang tinuturo na lang ako. "Hindi ko mawari ang mukha mo, Esme. Bakit ba? May salungguhit ka rin naman. Natuklaw na ba ang iyong salungguhit?"

Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sa'yo."

Nauubos na agad ang lakas ko, hindi pa kami bumabyahe papuntang Bukidnon nito. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto namin. Hinalikan ko sa mga pisngi nila sina Nora at Jose. Dalawang araw kasi akong mawawala kaya dalawang araw ko rin sila hindi makikita.

Lumabas na ako sa kwarto namin at pumunta sa likod bahay para magpaalam sa mga magulang ko. "Nay, tay, mauna na po kami ni Hilda. Babalik din po kami agad."

Napahinto naman si inay sa pagwawalis ng mga tuyong dahon habang napatigil din si itay sa pagbuga ng usok sa manok niya para lingunin ako. "Mag-ingat kayo sa biyahe niyo at alagaan niyo ang senyorito." Paalala ni inay.

Kami pa ngayon ang mag-aalaga sa lalakeng 'yon. Mas matanda siya sa amin kaya kaya na niya ang sarili niya. Hindi ko lang masabi kay inay dahil baka mabatukan ako dahil anak pa rin si senyorito ng may-ari ng sakahan.

Lumapit ako sa kanila at nagmano sa kanila. "Sige ho, alis na po ako. Ingat din po kayo sa sakahan."

Tumalikod na ako sa kanila at binalikan si Hilda sa sala namin. Lumabas na kami sa aming bahay at naglakad na papunta sa mansion. Madilim pa ang daan dahil hindi pa sumisikat ang araw. Ang tanging tanglaw namin ni Hilda ay ang gasera.

"Sa tingin mo ay makikita natin ang pamilya ni Aling Caridad?" Tanong sa akin ni Hilda. "Ang laki ng Bukidnon, ha."

Nagkibit-balikat naman ako. Pero, kaunti lang naman ang nasa listahan ni senyorito. "Hindi rin ako sigurado. Sobrang lapit lang talaga ni senyorito kay Aling Caridad na tinuring na niyang ina kaya gusto niyang puntahan ang pamilya nito. Kita ko ang sensiridad kay Senyorito Maximo kaya gusto ko rin siyang tulungan. Para na rin kay Aling Caridad."

El VioladorWhere stories live. Discover now