Chapter 24

7.9K 215 38
                                    

Nagising na lang ako isang umaga sa mainit na yakap ni Maximo. Mukha niya ang unang bumungad sa aking mga mata. Himbing pa rin siyang natutulog dahil may mahina siyang paghilik. Pinagmasdan ko naman ang buong mukha niya. Kay gwapo talaga ng Espanyol na ito.

Kung maglilihi nga ako sa kanya, sana ay mukha lang ni Maximo ang makuha ng anak namin dahil ayokong pati ang ugali. Baka mamaya ay makuha rin ng anak namin ang ugaling mananakop at sakupin na lang ang mga dalagang Negrenses.

Napatingin pa ako sa namumula niyang labi. Ito lang naman ang labing humalik sa akin kagabi. Hindi ko na siya nagawang pigilan. Hindi ko alam, para bang ginagayuma niya ako kaya napapa-oo na lang ako sa gusto niya. Pero ang galing niyang humalik. Buti na lang ay siya na mismo ang huminto dahil baka may mangyari pa sa amin.

Mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Maximo kaya mas dumikit ako sa katawan niya. Amoy ko pa rin ang mabangong sabon sa katawan niya. Napatitig naman ako sa dibdib niya nang may maramdaman akong sumusundot sa hita ko. Bakit parang may isang buhay na bagay sa ibaba ni Maximo? May daga bang nakapasok sa kwarto ng senyorito?

Dahil sa pagiging usisera ko ay kinapa ko ang bagay na 'yon. Teka, nasa pagitan siya nang mga hita ni Maximo. At ang tigas niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.

Ang ari ni Maximo!

"Ahhhh!!!" Tili ko.

Agad naman napabalikwas si Maximo at napabangon sa kama. Papungas-pungas pa ang mga mata niya at magulo pa ang buhok niya na napatingin sa akin. "Ano'ng nangyari, Esme? May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?"

Nakatingin lang ako diretso sa mga mata niya pero nakaturo ako sa nakaumbok sa pandiyama niya. "Bakit buhay 'yan?"

Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa tanong ko sabay tingin sa bagay na tinuturo ko sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata niya sabay talikod sa akin. "Mierda!"

Kita ko naman na parang inayos niya ang ari niya. Nahawakan ko ang ari niya! Hindi man ang mismong ari niya pero nadama ko pa rin 'yon mula sa suot niyang pandiyama. Ito ang unang beses kong humawak ng ari ng lalake. At bakit gan'on kalaki 'yon?! Parang hindi nagkasya sa kamay ko!

Muli naman akong hinarap ni Maximo, wala na iyong nakatayo sa pandiyama niya pero may bukol pa rin. "Esme, patawad. Walang ibig sabihin 'yon. Karaniwan na sa mga kalalakihan ang paninigas sa umaga. Esme, wala akong balak gawin sa'yo. Kita mo namang mahimbing pa ang aking pagtulog."

Tinalukbong ko lang ulit ang kumot hanggang sa ulo ko. Kay bastos na umaga naman nito. Alam ko namang tulog pa siya, at ngayon ko lang nalaman ang gan'ong bagay sa mga lalake. Kung gan'on pala lagi, hindi talaga kami pwedeng magtabi! Dahil ayokong makasanayan na laging nadadama ang ari niya sa umaga!

"Esme..."

"Oo, alam kong tulog ka." Sagot ko naman sa kanya. "Nakakahiya lang ang nangyari. Hindi ako sanay sa ganito, Maximo."

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga at dama ko rin ang pag-upo niya sa gilid ng kama. "H'wag mo namang hilingin na maghiwalay tayo sa pagtulog. Kagabi lang ulit ako nahimbing sa pagtulog, Esme."

Tinanggal ko naman ang talukbong ng kumot sa mukha ko para tignan siya. "Ano'ng gusto mo? Masanay ako d'yan sa ano mo." Sabay nguso sa ari niya. "Maximo, ni hindi pa nga tayo kasal."

Tumango-tango naman siya na halatang inaantok pa dahil naputol ko ang mahimbing niyang pagtulog. "E, habangbuhay na tayong magsasama, Esme. Hindi ko naman pinipilit agad na kasanayan mo ang lahat. Pero may mga bagay na hindi na natin maiiwasan ngayon. Unti-unti na natin sanayan ang sarili natin sa ganito, Esme."

Matagal ko naman siyang tinitigan. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising siya? Noong nagpaulan ba ang D'yos ng magandang mukha ay sa Europa lang? Tas pagdating sa ibang bansa ay ambon na lang?

El VioladorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum