Chapter 14

8.1K 196 40
                                    

"Mga bata," Tawag ni Hilda sa mga batang magsasaka. "Tandaan niyo na kapag kayo'y nagbabasa ng titi...k O, h'wag na hwa'g niyong kalilimutang banggitin ang k, dahil mag-iiba na ang ibig sabihin n'yon. At tandaan, may malaking titi...k O, at may maliit na titi...k O."

Dahan-dahan ko namang tinignan si Hilda. Ano raw?! Nandito kasi kami ngayon sa pawid at nagtuturo sa mga batang magsasaka. Katapusan kasi ngayon ng linggo kaya may oras ang mga bata na mag-aral na magsulat at magbasa.

Binatukan ko naman si Hilda. Kung anu-ano na lang ang tinuturong kalokohan sa mga bata. Iyong mga bata naman ay tuwang-tuwa sa kanya. "Hindi ka pwedeng maging guro, Hildaria. Mas pasaway ka pa sa mga bata."

"Hala siya!" Bulalas ni Hilda habang hinihimas ang likod ng ulo niyang binatukan ko. "Kina-klaro ko lang sa kanila ang tamang pagbigkas ng titi...k O. Nag-aalala lamang ako sa kung paano nila bibigkasin ito. Ang higpit mo naman Esme."

"Sa iyo lang mag-iiba ang ibig sabihin ng letrang O." Sagot ko naman sa kanya. "Kung tuyong-tuyo na ang puday mo, Hilda, punta ka lang sa batis at ibabad mo 'yan."

Tumawa naman si Hilda sabay angkla ng braso niya sa braso ko. "Hindi ang pagkabasa sa batis ang nais ko, Esme. Ibang klaseng pagkabasa."

Siniko ko naman siya. "Uhaw lang 'yan, Hilda. Uminom ka ng maraming tubig at baka natutuyuan ka na sa init sa sakahan."

"Nakakapagod naman kasing mag-araro." Sagot naman niya sa akin. "Lagi na lang ako ang nag-aararo, pwede bang ako naman ang araruhin?"

Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata ko. "Bunganga mo talaga."

Tumawa naman si Hilda. "Isipin mo 'to, Esme. Kapag nagkaroon ng pagtatanghal tungkol sa mga magsasaka, ang magandang pamagat ng kwento ay 'inararo ko ang palay mo gamit ang tubo ko'."

"Pastilan ka talagang babae ka." Bulalas ko sa kanya kaya mas lalo siyang tumawa.

Naputol naman kami sa pagtatalo ni Hilda nang matanaw namin ang senyorito na papunta sa amin. May dala siyang isang kahon. Naka-sando lang siya kaya kita mo ang pagkabanat ng kanyang braso. Pinanood lang namin siya hanggang sa makapasok siya rito sa pawid.

Linapag niya ang kahon sa de-kawayan naming mesa bago niya kami harapin ni Hilda. "May dala akong pagkain para sa inyo." Sambit niya na pawisan.

Lumapit naman si Hilda sa mesa at binuksan ito. "Ako na po ang mamimigay sa mga bata, senyorito." Alok ni Hilda sa senyorito sabay harap sa mga bata. "O, mga bata, may dalang pagkain ang senyorito sa inyo. Pila lang kayo para mabigyan."

Tumayo na nga ang mga bata at pumila sa harap ng lamesa. Lumapit naman sa akin ang senyorito. Matapos ang ginawa niyang pag-amin ay hindi ko na siya masyadong pinapansin. Ayoko ng may mabuong pag-asa sa kanya.

"Esme," Tawag niya sa akin. Patuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi siya pinapansin. "Ayaw mo ba talagang tanggapin ang alok kong bayaran ang kolehiyo mo?"

Nagkatinginan naman kami ni Hilda. Isa pa 'to sa pinipilit sa akin ng senyorito. Hindi ko talaga kayang tanggapin ang alok niya. Kahit hindi pa siya umamin sa akin ng nararamdaman niya ay tatanggihan ko talaga dahil baka may isumbat pa sa akin ang Don at Donya DiMarco.

Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng pawid pero ramdam ko namang sumunod sa akin ang senyorito. "Esme..."

Huminto ako at hinarap ang senyorito. "Salamat po pero ayoko senyorito." Sagot ko sa kanya. "Ayoko pong magkaroon ng utang na loob sa inyo at hingan niyo ng kapalit. Pag-iipunan ko po ang pang-kolehiyo ko."

Kita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko. Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Walang ibig sabihin ang pagtulong ko sa'yo. Labas dito ang nararamdaman ko sa'yo, Esme. Ang gusto ko lang ay mapagpatuloy mo itong pagturo sa mga bata. Dahil darating ang araw na babalik na ako sa Espanya. Tapos ko naman ng gawin ang kitain ang pamilya ni Aling Caridad. Wala naman na akong rason para manatili rito, Esme. Pero bago ako umalis, gusto ko lang makita na nakabalik ka sa pag-aaral. At kung iniisip mo na utang na loob ito, bayaran mo na lang ako sa paraan na patuloy mo pa ring tuturuan ang mga bata."

El VioladorWhere stories live. Discover now