Chapter 22

7.5K 196 28
                                    

"Nagkantutan na kayo?" Bulalas ni Hilda.

Putragis naman Hildaria! Iyan talaga ang una mong naisip?! "Malamang, Hilda. Hindi ako magdadalang-tao kung walang nangyari sa amin. Ano? Nabunggo lang ako ng titi sa daan?"

Nanlaki pa ang mga mata niya sabay takip ng bibig niya. Humakbang pa siya palapit sa akin. "Magaling ba ang senyorito? Malaki ba ang senyorito? Grabe ka, Esmeralda. Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala sa babaeng lahat na may gawa ng langit at lupa. Santa Esmeralda! Santa Esmeralda! Kami sayo'y nananampalataya. Kami'y biyayaan mo ng banyaga. Santa Esmeralda! Santa Esmeralda! Dinggin ang aming panalangin."

Hinila ko naman agad ang buhok niya. "Hildaria! Kailan ka ba makakausap ng seryoso?! Kapag ako'y nakunan, ito ay dahil sa kabaliwan mo!"

Tumawa naman siya kaya kita ko ang ngala-ngala niya. "Hindi ka naman mabiro, aking kaibigan. Pero grabe ka, akala ko ba ay ayaw mo sa senyorito? Tas ngayon ay dala-dala mo na ang anak niya. Ano 'yon, nagising ka na lang isang araw na mahal mo na pala siya?"

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko pwedeng ikwento sa kanya ang totoong nangyari. Wala dapat makaalam para hindi makarating sa anak namin ni Maximo ang totoong nangyari, na nabuo siya sa isang kasalanan. Hanggang sa amin na lang ni Maximo ang katotohanan.

"Mahabang kwento." Sagot ko naman sa kanya.

"Kasing haba ng titi ng senyorito?" Bastos na naman niyang tanong.

"Hildaria..." Napapikit na ako sabay masahe ng sentido ko.

Pero, hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya dahil hindi ko naman nakita ang ari ng senyorito! Wala akong matanda noong gabing 'yon kaya hindi ko alam kung mahaba ba o hindi. Pero, hindi na mahalaga 'yon! Itong Hildaria na ito ay ginugulo ang utak ko!

"I-kwento mo na kasi!" Sambit naman niya sa akin. "Hindi ko naman gustong malaman ang detalye kung paano kaya nagkwentutan. Ang gusto ko lang malaman ay paano nangyari? Paano ka pumayag? Ang akala ko ay si Armando pa rin ang mahal mo? At ang akala ko ay ayaw mo sa senyorito? Kaya sagutin mo ang mga tanong ko!"

Napairap lang ako sa kanya sabay buntong-hininga. Ang dami naman niyang tanong. Paano ko ba sasagutin ito na hindi ko maiku-kwento ang totoong nangyari? Bahala na. "Alam mo, sa totoo lang, may nangyari lang sa amin. Kaya mo naman siyang gawin kahit hindi mo mahal ang tao. Siguro ay nag-init kami noong araw na 'yon kaya may nangyari na lang at hindi inaasahan na may mabuo."

Sinamaan naman ako ng tingin ni Hilda. "Nag-inom kayo ng hindi niyo ako inaaya?"

Ang hirap namang lusutan nito ni Hilda! Hindi na lang tanggapin na basta may nangyari lang sa amin ng senyorito at wala ng iba pang kwento! Kailangan ko lang balikan ang kwentong dapat marinig ng anak namin.

"Umamin sa akin ang senyorito." Pagku-kwento ko. Totoo naman ang parte ng kwentong ito. "Na gusto niya ako. Pero, hindi ko tinanggap ang pagmamahal niya dahil mahal ko pa nga si Armando. Pero, sa mga araw na nagdaan, isa siya sa nakatulong para makalimutan ko si Armando. Hanggang sa isang hapon sa rancho ay kami lang dalawa, nag-init ang mga katawan namin, at may nangyari."

Tumango-tango naman si Hilda na tila napaniwala ko sa gawa-gawa kong kwento. "Ibig bang sabihin ay may gusto ka na rin sa senyorito? Hindi man mahal pero gusto mo na siya?"

Napatitig naman ako kay Hilda. Pwede ba 'yon, gugustuhin mo lang siya pero hindi mamahalin? 'Di ba ang kasunod ng pagkagusto ay ang unti-unti mong pagkahulog sa tao? Pero, ano ba ang hindi kagusto-gusto sa senyorito? Bukod sa nagawa niya sa akin, bago pa may mangyari sa amin, ang daming bagay na kagusto-gusto sa senyorito.

Ang dami kong nakikitang kagusto-gusto sa senyorito pero pinili kong hindi pansinin 'yon dahil may Armando ako noon. Gan'on naman kasi kapag may mahal ka, kahit maraming mga lalake ang nakapaligid sa'yo ay hindi mo sila titignan para hindi mo makumpara ang nobyo mo. Kailangan mong tanggapin kung ano ang mayroon siya, hindi mo hahanapin kung ano ang wala sa kanya.

El VioladorWhere stories live. Discover now