Chapter 4

10.3K 211 13
                                    

"Magandang umaga, Esme."

"Ay!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa boses na aking narinig mula sa likuran. At dahil sa pagkagulat ko ay dumaplis ang sibat sa hintuturo ko.

Agad akong napalingon at napatingin sa nagsalita mula sa likuran ko, ang binatang kastila. At dahil tuluyan nang sumilip ang inang araw ay tumatama na ang sinag ng araw sa mukha niya kaya kita ko na naman ang mapusyaw niyang mga mata.

"M-magandang umaga po." Bati ko rin sa kanyang habang napahawak ako sa kamay ko para takpan ang daliri kong nasagutan dahil sa hapdi.

"A-ayos ka lang ba, Esme?" Tanong niya sa akin na may halong pag-aalala. Kita ko namang bumaba ang tingin ng heneral sa kamay ko.

Sasagot pa sana ako pero agad niyang kinuha ang kamay ko at tinignan ang daliri kong duguan na. Bigla akong nailang sa paghawak niya sa kamay ko kaya babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niyang isubo ang daliri ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Hindi ako agad nakagalaw sa ginawa niya. Dama ko ang pagsipsip niya at ang init ng labi at laway niya sa daliri ko.

"H-heneral?" Tawag ko sa kanya na natitigalgal sa pagsasalita dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang ginagawa sa daliri ko.

Napahinto siya at napatitig sa aking mga mata. Mukhang napagtanto na niya ang ginagawa niya sa daliri ko dahil napansin ko ang unti-unting paglaki ng mga mata niya sabay luwa ng daliri ko at tumagilid pa siya para idura ang dugong nasipsip niya sa daliri ko. Kita ko ang dura niyang may halong dugo sa may lupa.

Muli niya akong nilingon habang pinupunasan ng likurang kamay niya ang labi niya. "P-patawad. Hindi ko intensyon ang bastusin ka, Esmeralda. Nahabag lamang ako dahil nasagutan ka mula sa pagkabigla sa aking pagbati sa'yo."

Tumango naman ako agad. "Wala po ito." Sambit ko at akma na siyang tatalikuran nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako kaya muli akong napaharap sa kanya.

"Sandali lamang." Pagpigil niya sa akin. Kita ko ang isa niyang kamay na pumasok sa loob ng bulsa ng kanyang salawal. Inilabas niya ang isang panyo at muli akong tinignan. "Lagyan lang natin ng panyo para magtigil na ang pagdurugo at para hindi na ma-impeksyon pa."

Matagal ko siyang tinitigan. Bakit ganito siya mag-alala sa mga katulad kong mababang uri? Hindi ba siya sinabihan ng kanyang magulang na hindi siya dapat nakikihalu-bilo sa mga katulad namin? Dahil gan'on ang don at donya na hindi nakikisalamuha sa aming mga magsasaka.

Wagas ba talaga ang kanyang pinapakitang kabaitan o parte lamang ng pagpapanggap niya dahil bagong salta lang siya rito sa aming lugar? Ang hirap magtiwala agad sa lalakeng ito. Ang hirap magtiwala sa mga dayuhang minsang sumakop sa bansang ito.

Hindi na hinintay ni heneral ang isasagot ko dahil inumpisahan na niyang buhulin ang panyo sa hintuturo kong may sugat. Pinanood ko na lang siya habang binubuhol niya ang panyo paikot sa aking daliri.

Muli naman niya akong tinignan matapos ang ginawa niya sa daliri ko. "Kung may gamot kayo sa sugat sa inyong tahanan, sana ay gamutin mo ang iyong sugat para gumaling ito agad."

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Binawi ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil naiilang na ako sa sitwasyon namin at dahil napapalingon pa ang ibang magsasaka sa aming dalawa. Baka isipin nila ay dumidikit ako masyado sa senyorito.

"S-salamat po." Ang aking tanging naitugon bago siya talikuran at tuluyang naglakad palayo sa kanya.

Medyo malayo-layo ang aking nalakad dahil nakarating ako sa may sapa. Agad akong napasalampak sa may batuhan sa may gilid ng sapa. Hinubad ko agad ang sumbrero na aking suot at tinignan ang panyong nakatali sa aking daliri. 

El VioladorWhere stories live. Discover now