Chapter 26

7.9K 238 22
                                    

Tahimik lang kaming nakaupo ni Maximo sa gilid ng batis habang pinagmamasdan namin ang papalubog na araw. Naghahalo ang kulay kahel, itim, at asul sa kalangitan. Tanging ang agos ng tubig sa batis, pagaspas ng hangin sa mga talahib at mga puno, at ang ingay ng mga ibon ang maririnig.

Ito ang unang beses na nakita kong nagpakita ng kahinaan si Maximo. Iyong palangiti niyang mukha ay tinatakpan lang pala ang mga takot niya. Kung nararanasan niya ito, ilan pa kaya sa mga sundalo o sibilyan noong panahon ng guerra ang may kaparehong karanasan ngayon kay senyorito?

Kaya hindi porke't hindi mo nararanasan ay hindi na ito totoo. May mga bagay na hindi tayo nakikita. Kaya piniling itago ni Maximo dahil sa panghuhusga na pwede niyang makuha sa mga tao. Ilang tao pa ang nagtatago ng mga totoong takot nila dahil baka sabihan lang silang 'baliw'?

Napatingin naman ako kay Maximo na nakatingin pa rin sa kalangitan. Nasa tabing-unahan ko siya kaya kita ko ang gilid ng mukha niya. At dahil sa kulay ng kalangitan ay lumilitaw na naman ang mapusyaw na kulay ng kanyang mga mata. Ang ganda ng kanyang mga mata ay naging saksi sa madugong guerra. Kaya hindi na ako magtataka na kahit pumikit siya ay makikita't makikita pa rin niya ang guerra kahit ito ay tapos na.

Natapos ang guerra, pero hindi ang mga dinulot nito sa akin...

Napahawak naman ako sa kanang balikat niya kaya napatingin siya sa kamay ko bago niya ako tignan. Sinubukan niyang ngumiti kahit na umiyak lang siya kanina matapos niyang aminin sa akin ang nararanasan niyang takot sa araw-araw. Hinawakan pa niya ang kamay ko at yumuko para halikan ang kamay kong nakahawak sa balikat niya.

Muli naman niya akong tinignan. "Paumanhin sa pag-iyak ko kanina, Esme. Alam kong hindi pa rin sapat na rason 'yon para ipagsawalang bahala ang nagawa ko sa'yo. Mali pa rin ang ginawa kong panggagahasa---"

"Hindi." Pagputol ko sa kanya.

Lumipat ang kamay ko mula sa balikat niya pahawak sa pisngi niya. Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya habang nakatitig kami sa mata ng bawat isa. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na nararanasan ni Maximo para sa gabing wala naman akong maalala.

"Lasing din ako noong gabing 'yon." Pagpapatuloy ko. "Lasing ka, lasing tayong dalawa. Ang hirap sabihin na ginawa mo talaga 'yon. Ang ibig kong sabihin, pwedeng ginusto ko rin dahil lango ako sa alak, wala sa sarili kong katinuan. Patawad dahil pinagbintangan kita sa isang bagay na wala ka namang kasalanan talaga. Alam kong dinamdam mo rin ang nangyari sa atin."

Matagal niya akong tinitigan bago siya napabuntong-hininga. Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya para humarap sa akin nang maayos. Nakahawak lang siya sa mga kamay ko nang muli niya akong tignan. "Aakuin ko pa rin ang kasalanan na 'yon, Esme. Kahit pa sabihing pareho tayong lasing noong gabing 'yon ay dapat naging responsable ako na hindi nagpakalango sa alak kung hindi ko naman pala kayang patinuin ang sarili ko sa tuwing ako ay nalalasing. Kaya kasalanan ko pa rin 'yon, Esme. Natuto na ako at hindi na muling iinom pa."

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak lang sa kamay ko. Pinagmasdan ko lang kung paano pisilin ng mga kamay niya ang mga kamay ko. Dama ko ang init at gaspang ng mga palad niya. Kita ko rin ang kalakihan ng mga kamay niyang sakop na sakop ang maliit kong mga kamay.

Napatingin naman ako ulit kay Maximo. Hanggang kailan ba siya matatapos na akuin na lang ang mga bagay? Balak niya bang maging Santo Papa?

Napabuntong-hininga naman ako. "May kasalanan din ako, Maximo. Hindi mo pwedeng akuin na lang ang lahat. Kalimutan na natin ang gabing 'yon. Natuto rin ako dahil 'yon na ang una't huling pag-inom ko ng alak."

Ngumiti naman ang senyorito at dinala ang kamay ko sa mga labi niya para halikan ang kamay ko. Bakit parang pakiramdam ko ay sinasamba niya talaga ako? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita kung bakit ako ang babaeng ginusto niya. At sa tuwing sinasamba niya ako ay pakiramdam ko ay ako lang ang nag-iisang babae sa mundong ito dahil wala na siyang ibang babaeng makita kung hindi ako lamang.

El VioladorWhere stories live. Discover now