Chapter 25

7.7K 224 51
                                    

Ang ganda ng traje de boda na suot ng isang babae sa loob ng patahian. Bagay na bagay sa kanya ang kulay puti na traje de boda at kitang-kita ang hubog ng katawan niya rito. May mga nagpapakinang din sa traje de boda na halatang nilagyan din ng mga diamante. Ang ganda niyang babaeng ikakasal.

Mas lalong gumaganda talaga ang kababaihan sa tuwing nagsusuot sila ng traje de boda. Ilang kasal na ang nasaksihan ko at mas gumaganda talaga ang babae sa araw ng kasal nila suot ang mahabang traje de boda dahil ikakasal sila sa lalaking mahal nila. Ikaw ang nag-iisang namumukod-tangi.

Napahawak naman ako sa tiyan ko. Ako lang ata ang naiiba dahil wala naman kaming relasyon ni Maximo. Ikakasal lang kaming dalawa dahil nabuntis niya ako. Nawala na ang pinapangarap lahat ng mga kababaihan na maglalakad ako sa altar papunta sa lalaking pinakamamahal ko.

Napabuntong-hininga naman ako at akma na akong maglalakad muli nang humarap ang babaeng nagsusukat ng traje de boda. Naramdaman ko ulit ang sakit na naranasan ko higit isang buwan na ang nakakalipas.

Si Jacinta, ang babaeng pinalit sa akin ni Armando, ang nagsusukat ng traje de boda. Sinusukat na niya ang traje de bodang susuotin niya sa kasal nila ni Armando---ang lalakeng una kong minahal.

Ang akala ko ay nakalimot na ang puso ko sa pagkasawi ko sa pag-ibig ngunit hindi pa pala. May mga sugat na mawawala lang ang hapdi pero hindi pa ito tuluyang naghihilom kaya maaaring bumalik ang hapdi kapag nasabuyan ng isang maalat o maasim na likido.

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Ako dapat ang nagsusukat sa loob dahil ako ang pinangakuan ni Armando na papakasalan pero sa ibang babae na niya ito tinutupad. Si Jacinta na ang pumalit sa akin.

"Esme," Tawag sa akin ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya. Sinubukang ngumiti ni Hilda dahil kilala niya kung sino ang tinitignan ko at kita niya ang luha sa mga mata ko. "Halika na."

Nginitian ko siya sabay tango. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Pansin ko naman na panay ang tingin sa akin ni Hilda na alam kong nag-aalala sa akin kaya tinignan ko siya. "Ayos lang ako, Hilda. H'wag kang mag-alala. Tanggap ko naman na. Hindi ko lang maiwasang hindi maalala ang mga bagay na minsan akong naging masaya."

Tipid pa rin akong nginitian ni Hilda sabay angkla ng braso niya sa braso ko. "Mas maganda ka kay Jacinta dahil sa dinami-rami ng pwedeng magustuhan ni senyorito, ikaw ang bumihag sa puso niya. Ikaw iyong babaeng ipinaglaban niya sa mga magulang niya. Ikaw ang babaeng gusto niyang iharap sa altar, Esme. Si senyorito ang nanindigan sa'yo kaysa kay Armando na pinaasa ka lang at basta na lang iniwan."

Hindi naman ako nakasagot agad. Tuloy pa rin kami sa paglalakad. Ang sarap lang pakinggan na ikakasal ako sa isang haciendero at sa isang dayuhan, pero hindi kasi nila alam ang totoong nangyari sa amin ni Maximo. Kumalma lang ang galit ko kay Maximo dahil wala naman na akong magagawa dahil nakatali na ako sa kinahinatnan nang nangyari sa aming dalawa.

"Hindi pa namin gan'on kamahal ang isa't isa." Sagot ko naman kay Hilda. "Sadyang may nabuo lang talaga nang may mangyari sa amin kaya gusto niyang panindigan ang nangyari."

Oo, mahal ako ni Maximo pero gawang kwento ko lang na gusto ko rin siya para pagtakpan lang ang totoong nangyari. Ayoko lang na lumaki ang anak namin at marinig niya sa iba ang katotohanan. Pero, kahit hindi ko mahal si Maximo, mahalaga pa rin siya sa akin dahil siya ang ama ng anak ko.

"Nagmana talaga si senyorito kay Ferdinand Magellan." Sambit naman ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya. Bakit naman napasok si Magellan sa kwento?

Tinignan din ako ni Hilda sabay ngiti. "Nang matagpuan ni senyorito ang isla ng Pilipinas mo ay sinakop ito agad at pinalaganap agad ang kanyang bataan para mahanap ang perlas ng silangan mo."

El VioladorWhere stories live. Discover now