Chapter 19

8.6K 210 21
                                    

Naalimpungatan na lang ako nang may maramdaman ako na basang tela na humahagod sa braso ko. Sinubukan kong idilat ang aking mga mata. Nanlalabo pa rin ang paningin ko pero napansin ko na nasa isang kwarto ako. Madilim din ang bintana na senyales na gabi na. Ano'ng nangyari sa akin?

Napatingin naman ako sa nagpupunas ng basang tela sa braso ko. Kita ko ang isang babae na nakaupo lang sa gilid ng hinihigaan ko at tutok sa ginagawa niya sa akin. Hindi ko siya kilala. Nasaan ba ako?

"N-nasaan ako?" Nanghihina kong tanong sa kanya.

Napahinto naman siya sa ginagawa niya sa akin at napatingin sa akin. "Gising na po pala kayo, senyorita."

Nagsalubong pa ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Tama ba ang aking narinig? Tinawag niya akong senyorita? "S-senyorita? A-ako?"

Tumango naman siya at tumayo. "Tatawagin ko lang po ang senyorito, senyorita. Sandali lamang po."

Bigla akong naguluhan sa nangyayari. Sinubukan kong alalahanin kung ano bang nangyari sa akin at paano ako napunta rito? Nasaan nga ba ako? Kanino bang kwarto ito? Napahawak lang ako sa ulo ko dahil kumirot ito.

Lumabas lang ang babae at iniwan ako sa kwarto. Nanghihina pa rin ako. Ang huli ko lang naaalala ay sabay dapat kaming kakain ni Hilda ng pananghalian pero nasuka ako sa amoy ng paksiw na niluto niya kaya nasuka ako. Balak kong pumunta sa batis para magmumog pero wala na akong maalala matapos n'yon.

Nilibot ko pa ang pangin ko sa loob ng kwarto. Ang simple lang ng kwarto. Walang masyadong gamit at disenyo. Halos ay kulay puti. Tanging kama, tukador na kahoy, lamesa at upuan lang ang makikita sa kwarto. At iyong amoy, parang naamoy ko na ang pabangong ito noon pa.

Napatingin naman ako sa pintuan nang magbukas ito. Kita ko ang pumasok. Biglang nagbago ang timpla ng emosyon ko nang makita ko kung sino siya. Binalot ako ng galit at bumalik na naman ang alaala ko noong gabing 'yon.

"Ano'ng ginawa mo sa akin?! Bakit ako nandito?!" Singhal ko sa kanya at sinubukan kong bumangon sa kama kahit nanghihina ako pero agad siyang lumapit sa akin at sinusubukan niya akong ihiga ulit sa kama.

"Teka lang, Esme---"

"Bakit?!" Pagputol ko sa gusto niyang sasabihin. "Pagsasamantalahan mo na naman ba ako?! Kulang pa ba sa'yo ang gabing binaboy mo ako?!"

Napalayo ang kamay niya sa balikat ko at kita ko sa mukha niya ang sakit ng mga salitang binitawan ko sa kanya. Namasa rin ang mga mata niya kaya nag-iwas lang siya ng tingin. Napayuko siya at sinusubukan niyang huminga nang malalim.

Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya. Sinubukan niya akong tignan na may takot sa mga mata niya. "Wala akong planong gawin sa'yo, Esme. Nawalan ka kasi ng malay kanina sa sakahan kaya dinala kita rito. Hindi kita gustong pagsamantalahan."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sa tangin mo maniniwala pa ako sa'yo? Saka, may bahay ako. Sana doon mo ako dinala senyorito para ang mga magulang ko ang nag-alaga sa akin. Pwes, kailangan ko ng umuwi dahil hindi kita masikmura."

Kahit nanghihina pa ako ay bumangon na ako sa kama niya dahil hindi ko siya kayang makasama sa iisang lugar. Kinamumuhian ko siya.

"Esme..." Sinubukan pa rin niya akong pigilan pero tinulak ko siya palayo sa akin para makadaan na ako papunta sa pintuan ng kwarto niya.

Hindi ko alam kung paano ako makakauwi sa kalagayan ko pero mas ligtas ako sa labas kaysa sa lalakeng ito. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Nagdadalang tao ka, Esme..."

Napatitig ako sa pintuan at natulala. Dama ko pa ang panginginig ng kamay ko. Tama ba ang narinig ko? Hindi maaari. Iyong mga araw na nahihilo ako, nasusuka at tila masama ang pakiramdam tuwing umaga ay hindi lang dahil sa mga pinagdaanan ko kay Armando at senyorito, pero dahil may isang bagay pala ang nabubuhay sa loob ko.

El VioladorWhere stories live. Discover now