Chapter 18

10K 193 28
                                    

"E-esme..."

"E-esme..."

"E-esme..."

Naalimpungatan ako sa tumatawag sa akin. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil dama ko ang sakit nito. Ito ata ang epekto ng alak na ininom namin ni Hilda kagabi. Parang nagsisisi na ako na uminom ako kagabi kung ganito lang ang mararamdaman ko kinabukasan. Hindi lang 'yon, dama ko rin ang sakit ng katawan ko na parang nabugbog sa pagod.

"Esme..."

Sinubukan kong idilat ang aking mga mata. Sino ba 'yong boses lalake na tumatawag sa akin?Napansin ko na tila wala ako sa tabi ng batis. Pansin ko rin na maliwanag na ang paigid. Nasaan ako? Agad akong lumingon para tignan si Hilda pero...hindi si Hilda ang kasama ko.

"Senyorito?" Tawag ko sa kanya.

Kita ko na naluluha ang senyorito. Ang gulo rin ng buhok niya na tila galing sa pagtulog. Pero, teka ano'ng ginagawa niya rito? Bakit kami magkasama? Napababa rin ang tingin ko sa kanya, wala siyang suot na pang-itaas.

"A-no pong ginagawa niyo rito?" Taka kong tanong sa kanya.

Napayuko naman si senyorito at napasabunot sa buhok niya. Kita ko ang mga ugat sa kamay niya na tila gigil na saktan ang sarili niya. Muli niya akong tinignan at hinawakan sa balikat ko. "Esme, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam ang nangyari..."

Ano'ng sinasabi niya? Bakit siya humihingi ng tawad? At ano'ng sinasabi niyang may nangyari?Dahan-dahan naman akong napatingin sa katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wala akong saplot na damit. Agad akong napayakap sa sarili ko at bumangon. Hinanap ko agad ang mga saplot ko at lumayo kay senyorito.

"Ano'ng nangyari?! Bakit ako hubad?!" Naiiyak kong tanong sa kanya.

Umiling-iling naman ang senyorito na naluluha rin. Tumalikod lang siya sa akin. "Magbihis ka muna, Esme. Hindi ko talaga alam ang nangyari."

Sinubukan kong tignan ang ari ko. Namumula ito at may tila may puting katas na nanunuyo sa ari ko. Hindi ito maaari! Tumulo na ang mga luha ko. Nagalaw na ako ng senyorito, nakuha na niya ang pagkababae ko. Kahit ang sakit ng ulo at katawan ko ay binilisan ko ang magbihis dahil ayoko ng manatili sa lugar na ito.

Matapos kong magbihis ay nagmadali na akong magtungo sa pintuan ng kamalig para umalis na sa lugar na ito pero hinawakan ng senyorito ang braso ko para pigilan ako.

"Esme---" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil lumatay na ang palad ko sa pisngi niya.

"Pinagsamantalahan mo ako..." Pag-aakusa ko sa kanya at naiyak na.

Napapikit ang senyorito at kasabay n'yon ang pagtulo ng mga luha niya. Napahawak pa siya sa pisngi niyang sinampal ko. Muli niya akong tinignan na luhaan ang mga mata. "Maniwala ka, nagising na lang akong pareho tayong hubad. Wala akong matandaan sa nangyari. Ang alam ko lang ay lasing ako kagabi. Patawarin mo ako, Esme. Handa akong panagutan ang nangyari."

Umiling-iling naman ako. Ako ang lasing kagabi at pinagsamantalahan niya ako. "Ito ba ang paraan mo para makuha ako? Oo, iniwan na ako ni Armando pero siya pa rin ang mahal ko. Iniwan ako ni Armando at hindi 'yon indikasyon sa iyo para pagsamantalahan ako."

"Hindi..." Umiling-iling din ang senyorito sabay hakbang palapit sa akin pero umatras ako. Napapikit lang ulit siya sabay tulo ng mga luha niya. Napasabunot ulit siya sa buhok niya. Huminga siya nang malalim bago ako muling tignan. "Hindi ganitong paraan kita gustong makuha. Esme, hindi ko na mababago ang nangyari kaya humihingi na lang ako ng tawad sa nangyari. Aakuin ko ang lahat."

Napakuyom ang kamao ko. Gusto ko siyang saktan. Pinagkatiwalaan ko siya na isa siyang mabuting DiMarco, hindi gaya ng mga magulang niya. Pero, pareho lang talaga sila. Iisang dugo lang silang pamilya na mapagasamantala.

El VioladorWhere stories live. Discover now