Chapter 33

6.3K 199 30
                                    

Nawawala si Jacinta. Ang sabi sa mga kwento, naglayas daw si Jacinta at ilang araw na nilang hindi mahanap. Wala rin daw siya sa Cebu, at walang palatandaan na umalis siya ng Cebu o Negros dahil wala ang pangalan niya sa manipesto ng mga barko. Huli siyang nakita ay sa mansion ng mga Sta. Maria.

Ang huling pagkikita namin ni Jacinta ay sa bayan nang i-abot niya ang regalo niya sa aking hikaw para sa kasal namin ni Maximo. Humingi siya ng tawad sa mga nagawa ni Armando sa akin. Kita ko noong araw na 'yon na sobrang problemado siya, hindi ko naman nagawang mag-usisa dahil hindi naman kami magkaibigan.

Nabahala naman ako ngayon at nag-aalala sa nangyari kay Jacinta. Sana pala ay nakialam na ako noong araw na 'yon para iparamdam sa kanya na handa akong damayan siya para hindi siya nawawala ngayon.

"Ayos ka lang ba?" Pagputol ni Maximo sa mga iniisip ko.

Napatingin naman ako sa kanya. Nandito kami sa kamalig ngayon dahil dumarami na ang mga alaga niyang kabayo. Inaayos niya ang mga kulungan nito at pinapaliguan na rin sila. Sinamahan ko naman siya para tulungan sa pagpapaligo ng mga kabayo.

"Kanina ka pa may malalim na iniisip, Esme." Puna pa niya sa akin. "May problema ka ba? O, masama ang iyong pakiramdam para madala kita sa manggagamot?"

Napabuntong hininga naman ako na napahinto sa pagsasabon sa katawan ng kabayo. "Ayos lang ako. Hindi lang mawala sa isip ko si Jacinta. Nadagdag siya sa mga isipin ko bukod kay Hilda. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nahahanap ng mga Sta. Maria. Ano na kayang nangyari sa kanya?"

Sinubukan naman akong ngitian ni Maximo at humakbang palapit sa akin. Huminto pa siya sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Nauunawaan kong nag-aalala ka sa kanya, pero makakasama ito sa bata. Ipagdasal na lang natin na napunta siya sa isang maayos na lugar. Kung totoo ngang naglayas siya, ibig sabihin, pumunta siya sa isang lugar na alam niyang magiging maayos siya."

Napatingin naman ako sa mga kamay ni Maximo na pinipisil ang mga kamay ko. "H'wag kang mag-alala, iniingatan ko pa rin ang anak natin. Pero tama ka, paniguradong napagplanuhan naman ni Jacinta ang ginawa niya, at paniguradong may pera naman siya kaya hindi siya mahihirapang makahanap ng tutuluyan niya."

Ngumiti pa si Maximo sa akin at hinila pa ako palapit sa kanya. Inayos muna niya ang buhok ko bago ako tignan sa aking mga mata. "Isipin mo na lang na malaya na siya sa ginawa niyang paglayas kaysa makulong sa pagpapakasal kay Armando."

Nginitian ko na si Maximo. Oo nga, hindi ko naisip na tamang desisyon pala ang ginawa ni Jacinta na 'yon. "Ang talino mo talaga. Buti na lang ay ikaw ang pinakasalan ko."

Ngumisi naman si Maximo sabay pulupot na ng mga braso niya sa katawan ko at hinapit na ako padikit sa katawan niya. Yumuko pa siya para halikan ang labi ko. Napahawak na lang ako sa malapad niyang dibdib habang dinadama ang init ng labi niya sa labi ko.

Ilang saglit pa ay huminto na siya sa paghalik sa akin at muli akong tinignan. "Hindi man natin maalala ang buong detalye ng gabing 'yon pero tanda natin na dito natin ginawa ang anak natin kaya hindi pwedeng magiba itong kamalig na ito. Bigyan natin ang anak natin ng palayaw na dayami o kamalig."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sige, nang ikahiya tayo ng anak natin at sabihin na may kwarto naman, bakit hindi pa siya roon ginawa. Sabihin pa niya, ang laki-laki ng mansion, sa labas pa natin siya ginawa."

Nagpigil naman si Maximo ng tawa. "Mauunawaan din niya ito kapag nagbinata o nagdalaga na siya. Walang kwarto-kwarto sa dalawang taong nag-iinit na. At mas kapana-panabik ang gumawa ng milagro sa lugar na pwedeng may makakahuli sa inyo."

Sabagay, kung hindi ko pa naranasan ang sarap ng pagtatalik ay baka mahiyain pa rin ako pagdating sa ganitong bagay. Pero nang matikman ko na ang ibang klaseng sarap na ito, ako pa minsan ang nag-aaya kay Maximo. Ang galing din kasi ni Maximo!

El VioladorWhere stories live. Discover now