Chapter 21

8.2K 208 67
                                    

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng kwarto ng senyorito para kumain ng pananghalian na dinala ni Adalla sa amin. Napilitan na akong ayain siya na sabayan ako sa pagkain dahil bagot na bagot na akong mag-isa rito. Baka mabaliw na ako at kausapin na lang ang mga gamit niya sa kwarto.

"Maaari bang isama mo na ako sa sakahan?" Paki-usap ko sa kanya. "Wala akong magawa rito. Bagot na bagot na ako. Gusto kong may gawin o may makausap man lang."

Huminto naman siya sa paghiwa niya sa parang inihaw na baboy. Nagreklamo nga ako sa kanya kanina kasi parang hindi naluto ng maayos ang karne dahil may dugo-dugo pa pero ang sabi niya ay gan'on daw lutuin ang ulam na ito. Hindi ko talaga mawari ang mga mayayaman.

"Pwede naman akong hindi pumunta sa sakahan para samahan na lang kita rito para hindi ka na mabagot at para may makausap ka, Esme." Sagot naman niya.

Siningkitan ko naman siya ng tingin. "Hindi ikaw ang gusto kong makausap, senyorito."

"Ah, sabi ko nga." Bulalas niya sabay kamot sa noo niya. "Sige, isasama na lang kita sa sakahan pero hindi ka pwedeng magtrabaho. Ipapasama ko na lang sa'yo si Hilda pero hindi pa niya alam ang totoo. Sa may kubo o pawid na lang kayong dalawa. Ikaw na ang bahalang magsabi ng totoo. Handa na akong tanggapin ang galit at panghuhusga niya sa nagawa ko sa'yo."

Napatingin naman ako sa kanya na nagbigay lang ng tipid na ngiti. "Nasabi mo ba sa inay at itay ko ang nangyari? Maski sa don at donya?"

Umiling naman siya. "Gustuhin ko mang aminin ang pagkakamali ko pero kwento ito ng karanasan mo. Ayaw kitang pangunahan dahil alam ko ang takot na nagawa ko sa'yo at alam kong mahirap para sa'yo ikwento sa iba ang nangyari. Pero handa pa rin akong tanggapin ang galit at panghuhusga nila kung sakaling sabihin mo na sa kanila ang totoong nangyari."

Napabuntong-hininga naman ako sabay hiwa sa karne ng baboy na nakahain sa harap ko. Alam kong nahihirapan din siya. "Walang kahit sino ang dapat makakaalam sa nangyari. Hanggang kamatayan natin dadalhin ang totoong nangyari, senyorito. Dahil kung isisilang ko ang anak natin, ayokong marinig niya sa iba ang totoong nangyari."

Kita ko namang tumango-tango ang senyorito. "Paano kung nagtanong ang anak natin kung paano nagsimula ang kwento natin?"

Oo nga, 'no. Hindi ko naisip ito. Lahat naman ng anak ay tatanungin ang mga magulang nila kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila. Ang pangit ding sabihin sa anak namin na kinasal lang kami dahil nabuntis ako ng senyorito. Ayokong maramdaman niya na napilitan lang kaming mga magulang niya na magpakasal dahil sa dumating siya sa buhay namin.

Muli ko namang tinignan ang senyorito. "Simplehan na lang natin. Nagkagusto ka sa akin, 'yon naman ang totoo. Sawi ako kay Armando at ikaw ang nagpasaya sa akin kaya nahulog ako sa'yo at may nangyari kaya nabuo siya. Gan'on lang. Kwento ko ito kaya ako dapat ang bida sa kwentong ito, senyorito."

Nagpigil naman siya ng tawa sabay tango. "Sige, gan'on na lang din ang iku-kwento ko sa kanya. Sa kwento man lang na ito ay nahulog ka sa akin. Pero, may paki-usap sana ako, Esme."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano?"

Huminga naman siya nang malalim bago sumagot. "Kung maaari sanang h'wag mo na akong tawaging senyorito? Malapit naman na tayong ikasal, magiging asawa mo na ako. Maximo na lang ang itawag mo sa akin."

"Sige, Maximo." Pagpayag ko naman. "Basta h'wag mo rin akong tatawaging misis dahil hindi pa tayo kasal. At tandaan mong hindi pa kita mahal."

Kita ko naman ang pagsalubong ng kilay niya sabay haplos niya sa kwadrado niyang panga. "Pa?"

Pinanlakihan ko siya nang aking mga mata ng mapagtanto ko ang nasabi ko. "Hindi kita mahal." Pagtatama ko sa sinabi ko. "H'wag kang umasa d'yan."

Tumango-tango naman siya. "Sabi ko nga."

El VioladorWhere stories live. Discover now