Chapter 3

10.3K 198 29
                                    

"Ay!"

Tili ko nang ako ay mapasubsob sa mismong dibdib ng binatang kastila. Naamoy ko agad ang pabango niya. Hindi ko mawari kung ano'ng amoy dahil wala naman akong alam sa amoy ng mga pabango ng mga kalalakihan.

Agad naman siyang napahawak sa magkabilang balikat ko para pigilan ako na matumba. "Ayos ka lang ba Esme?"

Dahan-dahan namang napa-angat ang ulo ko para tignan siya. Ang lapit ng mukha ko sa mukha niya, at gustuhin ko mang lumayo sa kanya ay hindi ko magawa dahil sa galaw ng bangka namin. At dahil tumatama ang sinag ng araw sa kanyang mukha ay may naging mapusyaw ang kulay ng kanyang mga mata. Kay ganda talaga ng kanya mga mata.

Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Napatingin na lang ako sa may ibaba ko para tignan kung saan ako nakahawak. Bigla namang paglaki ng aking mga mata dahil sa malalaki at matitigas niyang mga hita pala ako nakahawak.

"Patawad po!" Bulalas ko sabay bitaw sa kanyang mga hita at pinilit ko ang aking katawan na umatras sa kanya palayo.

Ngunit, dahil sa bilis ng pangyayari ay nakalimutan kong nasa bangka nga pala kami kaya hindi matatag ang pagtatayuan ko kaya muli akong nawalan ng balanse at...

"Esme!" Rinig kong sigaw ni Heneral Maximo sabay hawak niya sa kamay ko at hinila ako palapit muli sa kanya pero sinabayan n'ya 'yon ng pagtayo para yakapin ako.

"Ay!" Rinig ko naman tili ni Hilda na nagising sa kaganapan namin ni Heneral Maximo. "Ano ba 'yon? Palubog na ba tayo? H'wag naman. Yayaman pa ako, Panginoon ko!"

Hindi ko pinansin si Hilda dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kamuntikan ko ng pagkahulog, kung hindi dahil sa nakayakap sa akin si Heneral Maximo kaya dama ko ang init ng katawan niya. Habang ang dalawang kamay ko naman ay nakahawak lang sa uniporme niya sa may bandang dibdib niya. At dahil sa posisyon namin ay dinig ko rin ang tibok ng puso niya.

"A-ayos ka lang..." Halos pabulong na sambit sa akin ng binatang kastila.

Hindi ko siya makita dahil nasa balikat niya ang mukha ko kaya pinaling ko pa ang ulo ko para magtama ang mga mata namin. Hiyang-hiya na ako sa nangyayari. Dahan-dahan naman akong tumango.

"S-salamat po, Heneral." Sambit ko sa kanya.

Naramdaman ko namang humawak siya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kamay naming dalawa. At sa paghawak niya sa kamay ko ay kita at dama ko ang kalakihan ng kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ano ba ito, Esmeralda! Ang dami namang nangyayari agad sa aming dalawa. Mayayari ako nito kay Donya DiMarco.

"Ingat sa pag-upo." Sambit pa niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kahoy sa may bubungan ng bangka para alalayan ako sa pag-upo.

Tumango naman ako at dahan-dahang naupong muli sa tabi ni Hilda. Nang makaupo na ako ay siya ring pagbalik ni Heneral Maximo sa kanyang inuupuan din. Nginitian niya ako at binigyan ko naman siya ng isang naiilang na ngiti.

Iniiwasan ko namang tignan si Hilda dahil binibigyan lang niya ako nang isang mapang-asar na tingin at ngiti. Lalo tuloy akong naiilang sa nangyari. Binaling ko na lang ang tingin ko sa malawak na karagatan habang patuloy pa rin ang bangka sa paglayag sa karagatan papuntang Negros.

Ilang saglit pa ay naihatid na nga namin si Heneral Maximiliano sa mansyon. Sa may bukana lang kami ng mansyon kung saan naghihintay na si Don at Donya DiMarco na masayang-masaya na makitang muli ang anak.

"Mi hijo!" My son! Pagsalubong ng donya sa kanyang anak.

"Bienvenido, mi niño." Maligayang pagdating, aking anak. Sambit naman ng don sa binatang anak.

El VioladorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon