Chapter 1

46 4 0
                                    

Nakapakip ang aking dalawang kamay sa aking bibig, upang hindi ako makagawa ng ingay. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang dahan-dahan silang naghahalikan. Kitang-kita ko kung paano naglapit ang kanilang mga labi. Pigil hininga akong nakatingin, ganun dun ang aking mga luha.

Bakit ba ako nagtatago dito? Bakit hindi ako lumabas sa cabinet at harapain silang dalawa. Alam ko namang may ibang babae ang asawa ko, pero isina-walang bahala ko lang yun at hindi pinansin. Dahil una sa lahat ayaw kong maghiwalay kami.

Pero ngayong nakita ko na silang dalawang naghahalikan, dito mismo sa tahaan ko pa. Ngayong harap-harapan ko na silang nakita, at heto ako ngayon nakatago at tahimik na umiiyak. Hindi makagalaw at nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang pinapanood silang dalawa.

"Paano yung asawa mo?" Rinig kong tanong ng babae sa asawa ko.

Akala ko sasabihin niyang itigil na natin, dahil baka mahuli ko silang dalawa. Pero kabaliktaran ang aking narinig na sagot nya sa kanyang babae.

"Hindi nya tayo makikita." Bagkus ay sagot nya sa babaeng yun.

Puro iyak lang ako ng iyak. Bakit ba ako ganito? Nasasaktan na ako pero nandito pa rin ako at pilit na naging matatag, kahit na hindi ko naman na talaga kaya pa. Bakit ko ba pinipilit ang sarili ko sa taong wala naman talaga pakialam sakin at ginawa lang akong tanga sa buong buhay na kasama ko siya.

Nakatingin lang ako at tulala habang hawak ng aking mga kamay ang aking bibig. Hindi ko inaasahang na mahuhuli ko pa silang dalawa. Na sana kaming dalawa ang gumagawa niya, dahil kami namang talagang dalawa ang mag-asawa.

Nang hindi na ako makaitiis sa mga nakikita ko ay agad kong pinunas ang luha sa aking mga mata. Para naman hindi nila makitang mahina ako. Kaya mabilis ako lumabas sa kabinet. Alam ko namang nagugulat silang dalawa, dahil sino ba naman ang magtatago sa loob ng kabinet? Ako lang ata yun.

Taas noo akong nakatingin sa kanilang dalawa. Agad na kumalas sa kanya ang babae at gulat na gulat saking nakatingin. Para pa siyang nakakita ng multo sa kanyang harapan. Pero hindi ko siya pinansin mas nakatutok lang ang aking mga mata sa asawa ko. Hindi man lang siya nagulat na nahuli ko silang dalawa.

"Why did you do this..." Malumanay kong tanong sa kanya at pinipiliang umiiyak ulit.

"Alam mo naman ang sagot yan diba." Galit niyang sagot sakin. Hindi ko maiwasang sarkastikong tumawa sa kanya.

Siya pa talaga ang may ganang magalit? Siya mismo ang nanloko sa aming dalawa. Alam ko naman hindi niya ako mahala, at ginagamit niya lang akong tanga at mas lalong nagpapakatanga sa kanya.

"Manloloko, hayop ka!" Malakas kong sigaw sa kanya at mabilis ako bumaling sa babaeng nakatayo lang sa kanyang tabi.

Mabilis akong lumapit sa ahas na babaeng yun at malakas siyang sinampal. Buong lakas ko siyang sinampal, wala na akong pakialam kong umiiyak siya sa aking harapan. Ahas siya, bagay lang sa kanya yun.

Sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko ay ang pagtumba niya sa sahig. Of course to the rescue naman ang asawa ko. Agad siyang lumapat sa babae niya, hinawakan pa niya ang pisngi nito kong saan ko ito sinampal. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano niya hawakan ang babaeng yun.

Nang makita niyang bumakat ang kamay ko sa pisngi ng babaeng yun ay agad niya akong binalingan ng masamang tingin. Mabilis siyang tumayo at hinarap ako, galit na galit siyang nakatingin sakin na para bang gusto niya akong sapakin hanggang sa hindi na ako makilala. Akala ko yun lang ang gagawin niya pero nagkamali ako.

Dahil mahigpit niyang hinawakan ang braso at hinila ako papalabas sa kwarto. Sobrang higpit ng pagkakahawak na halos nasasaktan na ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin basta hinila lang niya ako. Nang makarating kami sa sala ay dun niya lang binitawan ang aking braso.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now