Chapter 17

14 4 0
                                    

"Talk to me, or I'll kiss you..."

Nanlaki ang aking mga matang, mabilis na nilingon siya. Seryoso ang kanyang mukha at nakatingin sakin.

'Ano bang pumasok sa isip niya at paano niya nasasabi yan.'

Nanlaki pa rin ang aking mga matang nakatingin lang sa kanya. Siya naman ay seryoso pa rin sa kanyang sinabi. Ilang segundo ata akong nakatitig lang sa kanya at hindi nagsasalita. Kumunot pa ang aking noo at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kanya.

"Nababaliw ka na." Bulong ko.

Alam kong narinig na yung sinabi kong yun. Dahil, tinaasan niya ako ng kilay. Pagtapos ko namang sabihin yun, mabilis ko siyang tinalikuran. Nagsasayang lang kasi ako ng oras, kung kakausapin ko pa siya.

Akala kong biro niya lang ay tinuto nga niya, dahil hinila niya ang aking braso para pigilan ako sa balak kong pag-alis. Naging sanhi yun para mapabalik akong harap sa kanya. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil sobrang bilis ng kanyang pag-galaw.

Naiwang tulala ang mukha ko at nanlaki pa ang aking mga mata. He just kissed me! I thought it was a joke! Pilit kong siyang tinutulak para makawala ako sa kanyang halik, pero mas malakas siya sakin.

"Ah!..." I moan into his mouth.

Napaungol ako ng kagatin niya ang pang ibaba kong labi. Nagiinit ang buong katawan ko dahil sa dahan-dahan niyang paghaplos sa aking hita. Hindi ko alam kung paano nakapunta ang isang niyang kamay dun. Wala na akong lakas para maitulak pa siya, dahil napalitan na yun ng ungol.

Hindi ko alam at kung bakit ko ipinikit ang aking nga mata at sinabayan ko pa ang pag-galaw ng kanyang labi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, dapat tinutulak ko siya diba. Pero bakit ako gumaganti ng halik sa kanya. Gustong-gusto ng utak ko na itulak siya at sampalin dahil sa biglang paghalik niya sakin.

Pero, iba ang takbo ng puso ko, at para bang sinabi nito na wag ko siyang pigilan at sabayan ko lang ang bawat galaw ng kanyang labi. Para akong natutukso sa bawat galaw at kagat niya dun. Kakaibang sensation ang nararamdaman ng katawan ko.

Isinukbit at ipinulupot ko sa kanyang ulo ang aking dalawang kamay, habang siya naman ay nakahawak sa baywang ko. Ang isa naman niyang kamay, ay dahan-dahang hinahalpos ang aking hita, nakadagdag yun sa paginit ng makaramdam ko.

Ilang minuto ata ang nakalipas ng dahan-dahan namang umangat ang kanyang kamay papunta sa tiyan ko hanggang sa aking isang dibdib. Nang maramdaman kong pinisil niya yun ay kaagad akong bumitaw sa kanyang halik at lumayo sa kanya.

Mapupungay ang kanyang mga matang tumingin sakin at nagkalat sa kanyang labi ang lipstick ko. Lalapit pa sana siya sakin ng inantras ako ng bahagya ang aking isang paa.

"I'm sorry..." Malambing niyang sabi.

Ayun lang narinig ko sa kanya, bago ako patakbong umakyat sa taas at iniwan siya sa sala. Patakbo akong pumunta sa kwarto ko nang makapasok ako dun, tulala akong tumingin sa pintuan. Dahan-dahan akong napaupo sa kamay habang hawak-hawak ko ang aking labi. Bakit nararamdaman ko parin sa aking labi ang labi niya.

Tulala at parang wala sa sarili akong nakatingin lang sa pinto. What just happened? Gusto kong sapakin ngayon ang sarili ko! Sabi ko iiwasan ko na siya diba, tapos nangyari pa ito. Isina-walang bahala ko na lang yung nangyari kanina. Naisipan kong mag-ayos at mag impake ng mga gamit ko, para bukas mabilis na lang at hindi ako maghabol sa oras bukas.

Kaagad kong ikuha ang maleta ko sa ilalim ng kama at inilagay ito sa sahig para makapag-umpisa na akong mag-ayos. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng gamit ko ng biglang may kumatok sa pintuan. Napatingin naman ako dun. Hindi ako nag-dalawang isip na tumayo at pumunta sa may pintuan para pagbuksan ang taong yun.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now