Chapter 16

17 4 0
                                    

Inilapag ko sa may sala lahat ng binigay sakin ni Jovanna. Napagod ako, basta-basta ko lang ibinagsak ang aking sarili sa sofa ng sala. Sobra talaga akong napagod ngayong araw. Isinandal ko ang aking likuran sa sofa at pumikit saglit. Hindi ko alam kung isang minuto o oras akong nakapikit lang. Nang biglang tumunog ang door bell sa lahat.

Nung una hindi ko muna ito pinansin dahil baka si Attorney lang yun at nantitrip lang. Pero, nagkamali ako dahil naka-apat na beses ata tumunog ng paulit-ulit yung door bell. Kaya kahit na naiinis ako ay tumayo na lang ako, para pagbuksan ng pinto si Attorney. Bagsak balikat at masama ang tingin ko sa pintuan dahil pauli-ulit lang yung tumunog. Nang makalapit na ako sa may pinto ay walang gana ko yung binuksan.

Ang paginis at sama ng loob ko ay unti-unting nawala ng makita ko ang taong nasa likod nitong pituan. Bumungad sa pagmumukha ko ang mataray niyang mukha at nakataas ng kilay ng makita niya ako. Hindi ako makapagsalita at nakatingin lang sa kanya. Ang paningin niya ay sinuri ang buong itsura ko.

Medyo may edad na ang babaeng nasa harapan ko. Pero, hindi parin mawawala sa kanyang mukha ang kanyang taglay na kagandahan. Masama ang tingin niya sakin. At hindi ko alam kung bakit. Hindi ko kilala ang matandang babaeng nasa harapan ko, ngayon ko lang siya nakita. Hindi familiar sakin ang mukha niya.

"Yes po?" Tanging yun lang nasabi ko.

"Where's my son?" Diretso nitong tanong sakin.

"Po?" Parang tanga kong tanong.

"I said, where's my son?" Ulit nitong tanong sakin.

Son? Sino bang tinitukoy niya? Hindi kaya mama ni Attorney nitong babaeng nasa harapan ko. Nang mapagtanto ko ang lahat ay dun lang ako bumaling ulit ng tingin sa kanya. "He hasn't come home yet, ma'am.." Mahina kong sabi.

At alam kong narinig niya yun dahil malakas niyang tinabig ang balikat ko, dahilan para mapagilid ako at makapasok siya. Mabuti na lang hindi tumama ang likod ko o natumba dahil sa ginawa niya. Pinagsa-walang bahala ko nalang iyon at sinundan ang mama ni Attorney na pumunta sa sala. Nakita niya ang mga shopping bag na dala ko kanina. Binalingan niya lang ng tingin yun at mabilis umupo sa sofa.

Pinag-cross niya pa ang kanyang braso sa harapan ng kanyang dibdib at ganun ang kanyang hita. Nang makalapit na ako sa kanya at naupo sa harapan niyang sofa ay dun lang ako nagtanong.

"Gusto niyo po ba ng maiinom?" Magalang kong tanong sa kanya.

"No." Simple lang nitong sagot.

Katahimikan, naiilang ako dahil ang tahimik niya at nakatingin lang siya sakin. Hindi ko alam kung sinusuri niya ba ang pagkatao ko o sinabihan na niya ako ng masasamang salita sa kanyang isipan. Pero, kahit na ganun ay dapat ko parin siyang galangin dahil anak niya si Attorney at malaki ang utang na loob ko sa kanyang anak.

makalipas ng ilang segundo ay nagsalita naman siya nakinagulat at nanlaki pa ang aking mga mata.

"What a gold digger you are." Walang preno nitong sabi sa aking mukha.

"Excuse me, but I am not a gold--" Natulol ang susunod kong sasabi ng bigla naman siya nagsalita.

"So, what is this?" Sabay turo niya sa mga shopping bag.

"No, my friend--" Hindi ko naman natuloy ang gusto kong sabihin.

"I don't need an explanation from you." Masungit niyang sabi.

Bakit ba ayaw man lang niya ako pagsalitain? Ano bang pinaglalaban niya. Bakit ganun, nakabase lang siya sa kung anong nakikita niya sakin. Hindi pa naman niya ako kilala tapos kung mahusga siya sakin, akala mo nakakasama ko siya dito sa bahay na ito. Gusto ko mang magpaliwanang pero hindi ko magawa. Dahil sa tuwing magsasalita ako, pinipiligan o hindi naman kaya ay sasapaw siya sa mga sasabihin ko.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now