Chapter 3

27 4 0
                                    

Nakaharap ako ngayon sa salamin at nakatingin lang sa aking reflection. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang namumula kong pisngi dahil sa pagsampal niya sakin kagabi. Nakatitig lang ako sa aking sarili, hindi ko namalayang dahan-dahan na palang natulo ang aking mga luha.

Mabilis ko yung pinunasan aking pisngi gamit ang likod na aking palad at kinuha ko ang aking mga make-up products. May pasok ako ngayon sa school, kaya kailangan kong matakpan ang pamumula ng pisngi ko. Ayaw kong makita ako ng mga ibang teachers na may ganitong pamumula ng aking pisngi.

Nagmamadali akong naglagay ng kung ano-anong make-up sa mukha ko para natakpan ang pamumula. Nang matapos ako dun at nakita kong maayos na ang itsura ko ay kaagad akong bumaba para sana sabay na kami kumain ng asawa ko.

Pero pagkababa na pagkababa ko, nakita kong wala ng tao. Hindi ko na rin rinig ang kanyang yapak niya. So ibig-sabihin wala na siya dito. Hindi man lang niya ako hinintay? Kaagad na bumagsak ang balikat ko at malungkot akong nagpatuloy sa paglalakad papuntang kusina.

Para kumain ng umagahan. Nang makapasok ako dun ay hindi man lang kinain ang mga pagkaing inihanda ko para sa kanya. Mas lalong nalungkot ang mukha ko. Ganun na ba talaga? At hindi na niya ako mahal?

Bakit pakiramdam ko ako lang ang lumaban para sa aming dalawa. Kahit na ganun ay pinilit ko nalang na kumain. Naninikip ang dibdib ko habang ako'y kumakaing mag-isa. Alam kong naging mabagal ang pagkain ko dahil wala naman akong gana pero kumain parin ako.

Pakiramdam ko mabagal ang takbo ng oras. Hindi ko na rin kilala pa ang asawa ko o asawa ba talaga ang matatawag ko sa kanya. Para kasing hindi. Nitong mga nakaraang araw kasi ay para bang iniiwasan niya ako at para bang ayaw niya makita pa ang mukha ko.

At nagbago na rin siya, hindi na siya ang lalaking nakilala ko o baka naman ngayon niya palang ipinapakita ang totoong siya? Nang tuluyan na akong matapos sa pagkain ay basta ko nalang iniwan ang hugasin sa labo, walang gana akong naglakad papalabas. Mabilis kong kinuha ang bag ko sa may sofa.

Nasa pintuan na ako ng maalala kong wala pala akong masasakyan. Dahil dala ng asawa ko ang sasakyan ko, hindi ko alam kung sinasadya niya bang kunin sakin yun o nagkataon lang. Kaya ang ginawa ko ay naglakad na lang ako papalabas ng village, no choice naman kasi ako.

Tahimik akong pumasok sa loob ng facilities naming mga guro dito sa school. Wala pa masyadong tao at tanging ako lang ang tao dito. Siguro dahil maaga pa at mamaya bang after lunch yung iba. Maganda na yun para naman makapag-focus ako sa paggagawa ng mga lesson plano ko.

Pagod kong ibinaksak ang katawan ko sa aking upuan, at inilapag ko na rin ang dala-dala kong bag. Ilang minuto lang ako naupo dun at nakatitig lang sa kawalan. Napag-desisyunan ko nalang na maghanda ng mga gagamitin ko para sa klase ko mamaya. Nasa ganun ako posisyon at nag-aayos ng gamit ng biglang may pumasok sa may pintuan ng facility.

Nang maisip kong mga kapwa guro ko lang yun ay hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-aayos ng mga gagamitin ko. Naririnig ko ang yapak ng kanyang sapatos, pero hindi ko lang yun pinansin, dahil abala ako at hindi ko na dapat pa isipin ang ibang tao. Dapat sarili ko lang.

"Oy, teacher Averie. Bakit may pasa ka ata sa pisngi mo." Nag-aalalang sabi ng bagong pasok.

Kaagad akong napatingin sa taong yun. Dahan-dahang kumulo ang dugo ko ng makita ko kung sinong ahas ang nasa harapan ko ngayon. Tinignan ko lang ang nakakainis at nakakairita niyang pagmumukha, habang siya naman ay nakangiti sakin ng malawak na para bang mapupunit na ang kanyang labi sa pag-ngiti.

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik ako sa pag-aayos. Narinig kong pumunta siya sa isa sa mga lamesa dito sa facility. Akalain mong guro rin pala siya dito? Siguro bago lang siya. Ngayon ko lang kasi nakita ang mala-ahas niyang pagmumukha dito sa school. At nakakainis man yun pero wala akong magagawa. Tatayo na sana ako at aalis sa facility ng marinig ko ang kanyang sinabi.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now