Chapter 2

30 4 0
                                    

Inihanda ko na ang makakain naming dalawa, kahit na nakita ko siyang may babae kahapon wala parin akong balak umalis sa bahay na ito. Kahit paano masasabi ko rin bahay itong lugar na ito. Kasal parin kaming dalawa.

Pinagsawalang bahala ko nalang kung ano mang nakita ko kahapon. Alam kong hindi niya magugustuhan ang makita ang mukha ko dito. Pero, wala akong magagawa. Hindi naman pwede umuwi ako sa amin.

Sigurado akong susumbatan lang ako ng aking ina. Kung mananatili ako dun, baka mas lalo akong mabaliw. Wala akong pahpipilian kundi ang maging isang tanga, para mabuhay.

Naghanda at inaayos ko na ang mga platong gagamitin. Pang-dalawahan lang kasi ang niluto ko. Gusto kong makaayos kaming dalawa kahit huli na ang lahat, gusto ko paring mag-work ang relasyon namin.

Nasa ganun akong sitwasyon at pag-aayos ng makita ko siyang pumasok sa dinning area. Akala ko uupo siya sa upuan sa may lamesa kaso mali ako dahil diretso lang siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Mahigpit at malakas niyang hinila ang braso ko. Masakit yun at ang kanyang mga kuko ay bumabaon sa balat ko.

"Masakit..." Mahina kong bulong sa kanya.

Pero, hindi sapat yun para bitawan niya ako dahil mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dun at kulang nalang ay magdugo ang braso ko.

"Ayaw na kitang makita sa pamamahay ko." Bawat salitang binibigkas niya ay madiin na para bang gusto niya itatak sa utak ko ang lahat ng sinabi niya.

"Pero, ako ang asawa mo----" Hindi kona natapos pa ang susunod kong sasabihin ng bigla din siyang nagsalita.

"Hindi na ngayon." Pagtapos niyang sabihin yun ay kaagad niya akong binitawan at umalis.

Habang ako naman ay nakatanaw lang sa kanyang likuran na paalis ng kusina. Hindi ko maintindihan kong ano bang mali sakin. Ginawa ko naman lahat, ang maging mabuting asawa sa kanya. Tinalikuran ko ang pamilya ko at sumama sa kanya, ano bang mali ko.

Naramdaman kong mahapdi ang braso ko kung saan niya ako hinawakan ng mahigpit. Nang tinignan ko yun, may sugat. Kaya dali-dali akong kumuha ng first aid kit sa may kabinet. Maliit lang naman yung sugat ko, pero mahapdi talaga. Hindi ko kayang tiisin ang sakit nun.

Nang matapos ako sa paglilinis at paglagay ng bandaid sa braso ko ay mag-isa aking kumain. Habang kumain ako ay sobrang tahimik ng paligid. Para akong masisiraan ng sarili kong bait kung magpapatuloy ang katahimikan.

Patapos na akong kumain at maghuhugas na sana ako mga pinagkainin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng refrigerator. Walang alinlangan kong sinagot ang tawag na yun. Wala na akong panahon para tinignan pa kung sinong tumawag sakin.

"Hello." Pagsagot ko ng tawag.

"It's me." Sabi nito sa tawag.

"Miss mo na ba ako?" Maloko kong tanong sa kanya.

"Miss mo your face." Bakit ba ang conyo niya magsalita?

Kung hindi ko lang siya kilala, baka iiisipin kong nababaliw na siya. Mahina akong tumawa at alam kong naiinis na siya dahil lang sa tawa ko. Ayaw na ayaw niya kasi sa tawa, kasi sabi niya nakakainis at nakakahawa daw yun.

"Stop, laughing." Iritado niyang sabi sa kabilang linya ng tawag.

"By the way, why your calling me?" Kalaunan ay tanong ko sa kanya.

"Let's go shopping." Pag-aayang sabi nito.

"Sige, maliligo lang ako." Sabi ko.

"Susunduin kita there." Napaka-conyo niya talaga.

Hindi na lang ako nagsalita at kagaad kong pinatay ang tawag, inilapag ko sa lamesa ang cellphone ko at bumalik sa lababo para linisin ang pinagkaininan ko. Nang matapos ako dun ay mabilis akong umakyat sa kwarto naming dalawa ng asawa ko.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now