Chapter 15

13 4 0
                                    

"What!?" Malakas at pasigaw niyang tanong sakin.

Sa sobrang lakas nun, lahat ng taong nandito sa coffee shop ay nakatingin sa aming dalawa ni Jovanna. Pwede naman siyang magsalita ng mahina diba? Nanlaki ang kanyang mga matang nakatingin sakin, at napatakip pa siya sa kanyang bibig na para bang gulat na gulat talaga siya sa mga sinabi ko.

"I asked him what happened that day, but I think he's making fun of me," I said.

"You're unbelievable! You don't remember anything." Bulyaw nito sakin.

Bakit niya ba ako pinapagalitan. Hindi ko naman kasi talaga matandaan. Kung pagalitan niya ako parang naman mama ko siya. Nakanguso siyang nakatingin sakin at para bang sinabi ng kanyang mukha na 'You miss the best part' Ayun ang nakikita ko ngayon.

It is good?" Curious nitong tanong sakin.

Paano ko malalaman, hindi ko nga natandaan! At ano yang pinagsasabi niya? Anong masarap.

"How can I tell you, I can't even remember!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Naramdaman ko nalang umiit ang pisngi ko. Namumula ba ako? Aba ewan ko! Alam kong curious lang siya, pero bakit naman iba ang dating sakin ng tanong niyang yan.

"Hindi mo maremember, even his touch?" Tanong pa ulit nito sakin.

Nahihiya na ako, baka nakakalimutan ni Jovanna sa coffee shop kami ngayon at hindi sa kung saan lang. Nahihiya ako dahil maraming tao ang nandito ngayon at alam kong naririnig nila ang usapan namin dahil sa malakas na boses ni Jovanna.

Napapikit na lang ako dahil sa kahihiyaang inabot ko. Magsasalita pa sana ng bigla kong tinakpan ang kanyabg bibig, dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita at tumingin lang sakin.

"Let's go somewhere else.." Ayun na lang ang nasabi ko.

Ako na yung unang tumayo sa kinauupuan ko. Kitang-kita ko naman sa kanyang mukha ang pagtataka. Wala ba talaga siyang pakiramdam!? Alam kong nakasunod sakin si Jovanna. Mabilis naman akong nakalabas at ganun din siya.

Binalingan at sinamaan ko ng tingin si Jovanna. "Nakakahiya ka!" Sabay hampas sa kanyang braso.

Habang siya naman ay nagtatakang nakatingin sakin. "What?" Innosente niyang tanong sakin.

"Kung ano-anong pinagsasabi mo!" Nagpatuloy pa ako sa paghampas sa kanyang braso.

Rinig ko naman ang kanyang pagtawa, habang hinahampas ko lang siya sa kanyang braso. Nang matapos at manakit ang aking kamay kakahampas sa kanya ay dun lang ako tumitigil. Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"You wore that last time." Sabay turo sa blouse ko.

"I have to save money." Ayun na lang ang sinabi ko.

Hindi ko naman kailangan ng maraming damit. Hindi importante para sakin yun, kailangan kong magtipid para naman may pambayad ako kung sakaling makahanap ako ng apartment na matutuluyan ko.

At isa pa hindi naman ako yung taong materialistic, kaya okay lang sakin kung paulit-ulit ang mga sinusuot ko. Kung hindi pa naman sira, bakit hindi diba.

Tinaasan niya ako ng isa niyang kilay. "What? No, we will go shopping." Desisyon niya bigla.

Mauuna na sana siyang maglakad ng hinawakan ko ang kanyang kamay, dahilan para mapatigil siya sa paghakbang ng kanyang paa. Mabilis naman niya ako binalingan ng tingin, at tinaasan naman ng kanyang kilay. Bakit ba ang hilig niyang gawin yun, nagmumukha tuloy siyang mataray sa paningin ng iba.

"No need, I don't have money for that," I said.

Imbis na sabihin niyang 'okay.' Bagkus narinig ko naman ang pagtawa niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa? Nakailang natawa na ba siya ngayong araw. Kinunot ang ulo ko sa kanyang kinikilos, parang hindi na talaga siya yung kilala ko.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now