Chapter 14

19 4 0
                                    

Hawak-hawak ko ang aking ulo habang dahang-dahan bumabangon sa hinihingaan ko. Hindi ko pa muna inimulat ang aking mga mata. Tanging paghawak lang muna sa aking ulo ang ginawa ko. Mahapdi ang aking mga mata na para bang ayaw nitong imulat iyon. Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata kahit na masakit iyon.

Kaagad na bumungad sakin ang umagang liwayway. Nagsisilbing liwanag dito sa kwarto ang sinang ng araw. Wala akong matandaan ng mga nangyari. Basta ang alam ko lang pagtapos ng class ko sunundo ako ni Jovanna sa school at sabay kaming pumunta sa bar. Tapos may lumapit sa aking lalaki at hinila ang aking braso papalabas sa bar na yun.

Napahawak pa ako sa aking noo na para bang nawala ako ng mga maalala ng araw na yun at pilit kong binabalikan kung ano ba talagang sunod na nangyari.

'Attorney, Louis Cadence Arceo.'

Para bang may bumulong sa utak ko ng pangalang yun! Nasa kalagitnaan ako ng pagaalala ng mga nagyari. Mabilis akong napatingin sa tabi ko ng biglang may humawak ng basta-basta sa braso ko. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino yun! Wala siyang suot na pantaas at mahimbing siyang natutulog sa tabi ko!

"Ah!" Malakas kong tili ang maririnig sa buong kwarto.

At mabilis na tumayo para makalayo sa kanya na para bang may nakakahawa siyang sakit. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko, dahilan yun para magising siya at napakamot sa kanyang batok na para bang na isturbo siya sa kanyang sleeping rest.

"Why are you so noisy.." Malumanay niyang sabi habang nakahawak parin sa kanyang batok at nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Bakit nandito ka sa kwarto ko!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan niyang munilat ang kanyang dalawang mga mata. Nang makita niya ako kaagad siyang ngumisi na para bang nababaliw na siya. Kitang-kita kung gaano siya natutuwa at hindi ko alam kung bakit! Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Kaagad naman akong napalunok dahil sa nakita kong yun.

Wala akong pakialam sa pagilid basta nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko inaalis yun.

"Your room, huh." Magiliw niyang sabi.

"Oo sa kwarto ko. Anong ginagawa mo dito!" Confident kong sabi sa kanyang magmumukha.

"For your information..." Pabitin niyang sabi at sinandal ang kanyang likod sa headbroad ng kama.

At para bang nanonood siya ng isang drama sa malaking television. "This is my room." Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang labi.

"This is my room."

"This is my room."

"This is my room."

Parang sirang plaka na paulit-ulit yun sa utak ko! At para bang pinabaliw ako. Tulala akong nakatingin lang sa kanyang mukha, ang lahat ng confident ko kanina ay unti-unting nawala na parang bula. Ang tapang ko naman ay napaatras ganun din ang aking dila.

'Ano daw? Kwarto niya? Paano naman ako napunta dito?'

"Ha?" Tanga kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan kong inuyuko ang aking ulo na para bang tutang pinagalitan ng kanyang amo. Nahihiya ako! Saglit ko lang iniyuko ang aking ulo at pinagmasdan ko ang pagilid ng kanyang kwarto. Oo nga, hindi ko kwarto ito. Bakit hindi ko man lang napansin na magkaiba ang itsura ng kwarto niya kaysa sakin.

"You forgot? You're wearing my shirt." Dagdag niya pang sabi. Kumindat pa siya!

Mas mabilis pa sa takbo ng oras kong tinignan ang aking sarili. At tama nga siya! Dahil suot-sout ko lang naman ang panglalaking t-shirt na abot hanggang hita ko ang haba. Napapikit nalang ako at mas nanlumo, gusto kong magpakain sa lupa at lamunin ako ngayon na! Nakakahiya.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon