Chapter 25

18 4 0
                                    

"Good evening everyone!" The emcee said.

"Let's all welcome Mr. Fausto for the opening speech." Pagtapos na sabi ng emcee yun, inabot niya kay Daddy ang microphone.

Naging tahimik ang lahat at hinhintay ang sasabihin ni Daddy. Kitang-kita ko ang ngiti sa labi ng aking ama, habang nakatayo siya sa harapan at kaharap ang maraming tao.

"I would like to thank all of you for coming to this announcement party." Nakangiti sabi niya.

"Hindi madali ang lahat, ayun nga sabi nila." Mabilis niya akong binalingan ng tingin pagkatapos niyang sabihin yun.

"Sa araw na umalis ang anak ko madalas kong tinatanong ang sarili ko kung naging mabuti ba akong ama sa kanya." He said still looking at me.

"And now I am the happiest father ever 'cause I have my daughter again."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yun ay dahan-dahan siyang lumapit sa kinauupuan ko. Nagtataka pa ako ng inilahad ni Daddy ang kanhang kamay sa aking harapan. Kaya wala akong nagawa kundi ang abutin yun at tumayo. Sabay kaming naglakad sa pinakaharap.

"I want to announce to everyone here that my daughter will be the CEO of Pinnacle Interiors." My dad said with a smile.

Napalakpakan ang lahat habang nakatingin sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Inabot sakin ni Daddy ang microphone na para bang sinabi nitong ako naman ang magsasalita sa lahat. Kinuha ko lang yun at nakatingin lang sa kanilang lahat at hindi ko man lang alam kung anong sasabihin ko.

Iniwan ako ni Daddy dito sa harapan nilang lahat at nauna na siya sa tabi ni Mommy na nakikinig lang kanina pa.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Akala ko hihintay pa nila akong magsalita, buti na lang nakaramdam yung emcee sa sitwasyon ko kaya bigla siyang nagsalita para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Gusto niyo bang makilala ang ating new CEO?" The emcee said.

'Ha?'

"Yes!" Malakas nilang sigaw at hindi ko alam kung bakit ako ulit kinakabahan.

"Face reveal!" Sigaw naman nung isa.

Akala ko matatanda lang ang mga nandito, meron din palang mga kaedad ko lang. Siguro katulad sila sakin, pero kadalasan talaga ang mga tao dito ay ang mga kakilala nila Mommy at Daddy.

"Ms. Fausto, please remove your masks.." Sabi ng emcee.

Kaya wala akong pagpipilian kundi ang sundin ang gusto nilang mangyari. Dahan-dahan kong hinawakan ang aking masks, ilang minuto lang akong nakahawak dun habang ang lahat naman ay nakatitig lang sakin.

Dahan-dahan kong tinanggal ang masks ko. Hindi naman nagtagal yun, nang tuluyang matanggal yun na nakatakip sa aking kalahating mukha. Walang nagsalita o nag-react man lang, tanging nakatingin lang ako sa kanila at ganun din sila sakin.

"I am Catherine Averie Fausto, the new CEO of Pinnacle Interiors." Nakangiti kong sabi sa kanilang lahat.

Akala ko magiging tahimik lang silang lahat pero nagkamali ako dahil nakarinig ako ng malakas na palakpakan. Mas malawak pa akong ngumiti sa kanilang lahat. Kahit na kinakabahan ako kinakaya ko naman. Inabot ko sa emcee ang microphone at bumalik ako sa aking kinauupuan kanina.

"Ladies and Gentlemen, lets enjoy the party." Pagkatapos sabihin ng emcee yun ay tumunog ang isang napagandang kanta.

Kanya-kanyang kuha ang lahat ng partner nila. Habang ako naman at tumayo mula sa aking kinauupuan, gusto ko sanag kumuha ng champagne sa isang waiter na palakad-lakad sa pagilid ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now