Chapter 24

13 4 0
                                    

Napatitig lang ako sa malaking box na yun, nang hindi na ako makatiis ay dahan-dahang kong binuksan yun. Wala pang ilang segundo kaagad na bumungad sakin ang isang napakagandang gown. Makikita ko dun na sobrang mahal ng gown na yun. Daing mo pa ang may bride sa gown na ito.

Hindi ko maiwasang titigan lang ang nakapagandang gown na nasa harapan ko ngayon. Lahat ng antok ko ay unti-unting nawala dahil lang dun. Hindi ko alam kung nakamali lang ba si Mommy ng pagbibigyan o para sakin talaga yan.

At ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Kung ano yung suot ko kahapon ay ganun dun ang sout ko ngayon. Kaya nag-desisyon akong maligo muna, kaagad akong pumasok sa loob ng sarili kong banyo.

Nang makapasok ako sa loob ng aking banyo ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis kong hinubad ang aking damit. Habang ginagawa ko yun, binuksan ko naman ang shower. Inilagay ko sa warm temperature ang kilma ng tubig.

Napapikit ang aking mga mata habang nasa ilalim ako ng maligamgam na shower. Hindi ko alam at hindj ko nakakalimutan na ito na ang araw na pinakahihintay ng mga magulang ko. Ang maipasa sakin ang responsibilidad ng kompanya. At hindi ko kayang patagalin pa ang lahat.

Wala akong idea kung anong mangyayari mamayang gawin. Basta ang alam ko lang ay magpapakilala ako sa lahat ng guests dun. At isa pa hindi ko kilala ang lahat ng dadalo sa announcement party na gagawin ni Daddy. Para bang going with the flow ang moment ko.

Mamayang gabi pa naman yun. Kaya nag desisyon akong pumasok sa school ngayon. Hindi naman ako nagtagal sa pagligo at mabilis akong natapos. Nang makalabas ako ng banyo kaagad akong nagtungo sa kama kung nasaan ang malaking box na naglalaman ng magandang gown.

Mabilis kong kinuha yun. Akala ko ayun lang laman ng box pero mali ako dahil meron pa lang compartment sa ilalim nito. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad kong nilapag ang gown sa kama ko. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang unang bahagi ng box.

Isang napaka-gandang silhouette, may mga gillters sa boung pagilid ng silhouette. Kahit na walang tumatamang liwanang sa sapatos na yun ay kumikintab sa aking harapan. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatitig lang dun. Siguro akong magmumukha akong disney princess nito. Bakit hindi ba? Prinsesa naman talaga ang turing sakin ng mga magulang ko.

Nakatitig lang ako dun, hindi ko alam kung ilang mimuto kong ginagawa yun. Nang desisyon akong ibalik yun sa loob ng box at ilagay yun sa kabilang gilid ng kama ko. Pagtapos kong magawa yun ay may kumatok naman sa pintuan. Kaagad akong pumunta sa may pintuan kasabay ng pagkuha ko ng aking sling bag dahil lalabas din ako.

Pagkabukas na pagbukas ko ay kaagad namang bumungad sa mukha ang mukha ni Ford. At katulad kanina walang emosyon lang siyang nakatingin sakin at naghihintay.

"Let's go." Nauna na akong maglakad sa kanya.

Walang salita naman niya akong sinundan lang. Hanggang sa makasakay ako sasakyan at makarating sa school tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko kasi siya makausap ng maayos at isa pa hindi siya mahilig magsalita kaya nanatili akong tahimik lang.

Wala pang ilang minuto at kaagad kami nakarating sa school. Walang salita akong lumabas ng sasakyan, hindi ko na siya hinhintay pa. Diretso akong naglakad, ni-hindi ko nga siya nilingon man lang. May mga nakasabay akong estudyante at nga bata din.

Ang iba pa dun ay ang mga estudyante ko. Kaya ang ginagawa ko ay sabay-sabay na kaming pumunta sa aming class room. Pagkapasok na pagkapaskk ko dun ay nagsi-upo na ang mga bata.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong may maaga pa kaya iniwan ko muna ang aking gamit sa table ko at lumabas ako ng class room. Nagutom kasi ako bigla kaya naisipan kong bumili muna sa lahat at hindi sa canteen.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon