Chapter 12

15 4 0
                                    

Gusto kong tumawa sa mga pinagsasabi niya ngayon sa aking harapan. Hindi ko siya maintindihan, una ipagluto ko siya tapos ngayon naman assistant? May sira na talaga utak niya. Alam kong nakakatawa ang mga pinagsasabi niya, pero hindi ko magawang tumawa, dahil sa pagka-seryoso ng kanyang mukha.

Seryosong-seryoso lang siyang nakatingin sakin, habang hintintay kung anong masasabi ko sa kanyang kalukuhan. Imbis na pahabain pa ang usapang ito. Mabilis nalang akong umalis sa harap ng hapagkainan. Tama na ang pag gamit ko sa kanya, hindi na kaya ng konsensya ko. Ayaw kong isumbat niya sakin lahat ng mga nagawa niya. Diresto lang ako naglakad pabalik sa aking kwarto.

Malumanay akong pumasok sa banyo at naligo. Yung isip ko lumilipad habang naliligo ako, ayaw ko mang isipin pero hindi ko kayang ipagsa-walang bahala lang ang offer niya sakin. Alam ko ring sobrang sugapang at makasarili na ang tingin sakin. Pero kasi walang-wala na ako. Hindi ko na alam kung saan ako puputa at kung magtatagal paba ako sa ganitong buhay.

Nang matapos akong maligo, mabilis lang din akong nakapag-ayos at pati narin ang aking mga gamit. Dala-dala ko ang aking bago at ang aking lesson plan na ginawa ko kagabi. Nasa may bandang hagdanan at baba na sana ako para pumasok sa school kung saan ako nagtatrabho. Nang makita ko siyang nakatayo dun.

Nakita kong may inaayos siya sa kanyang kwelyo. Naka-kunot ang kanyang noo na para bang naiinis siya at para bang gusto niyang mag-wala. Habang abala siya sa pag-aayos, ako naman ay dahan-dahang bumaba sa may hagdanan. Ayaw kong makagawa ng ingay na ikakagulat niya. Baka madagdagan pa yung pagkainis niya.

Nang tuluyan na akong makababa ay ganun parin ang aking ginawa. Tahimik lang at hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.

"Damn it!" Rinig kong mura niya.

Hindi na sana ako lalapit sakanya at tuluyang aalis ng hindi niya nalalaman ng bigla kong nakita ang itsura niya. Masama ang kanyang tingin sa kanyang necktie na para bang gusto niyang patayin iyon kung naging tao man ang necktie niya. Nagtataka kong pinagmasdan ang pinaggagawa niya. Hirap na hirap siyang ilagay at ayusin ang kanyang tie.

'Hindi siya marunong maglagay ng tie at itali ito?'

Gusto kong tumawa dahil sa tanong kong yun sa isipan ko. Nagpipigil ako ng tawa habang nasa likuran niya lang ako at nakamasid sa kanyang ginagawa. Nakatakip pa sa aking bibig ang dalawa kong kamay para talaga hindi kumawala ang tawa kong yun.

"Stop laughing... and help me." I heard him say that.

ttNanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko siyang nakatayo sa aking harapan. Naka-kunot at masama ang tingin na binato niya sa aking pagkatao. Kinalma ko muna ang aking sarili bago ako tumingin sa kanya ng seryoso, yun wala ng bahid ng tawa sa aking mukha. Nang tuluyan na akong kumalma ay bumaling naman ako ng tingin sa kanya.

Habang nakatitig ako sa kanya ay dun lang din napansin na nakaayos pala ang kanyang buhok. At ibang-iba ang kanyang itsura kanina. Pinagmasdan ko ang kanyang suot mula sa baba pataas. Masasabi kong may dating dun pala siya, nagmumukha siyang bagitong kinagigiliwan ng kababaihan.

"Titigan mo lang ba ako?" Napakurap-kurap ang aking dalawang mata ng bigla niyang sabihin yun sa mismong mukha ko.

"Para kang bata." Imbis na sagutin ang tanong niya. Yun nalang ang na sabi ko.

Hindi na ako nagsalita at mabilis kong kinuha sa kanyang kamay ang tie, at ako na mismo ang naglagay at nag-ayos nun. Tahimik lang ako habang ginagawa ko yun. Alam kong nakatingin lang siya sakin dahil nararamdaman ko ang kanyang mga titig. Habang inaayos ko ang kanyang tie ay siya naman ang paglapit pa niya sakin. Hinayaan ko lang siyang gawin yun dahil busy pa ako sa pag-aayos nun.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now