Chapter 18

17 4 0
                                    

"Also, I miss you... Why did you leave me at our house." Malambing nitong sabi at kumindat pa sakin.

Ano daw? Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Tangang nakatingin lang ako sa kanyang mukha. May pumasok ba na hangin sa utak niya at bakit siya umaaktong ganyan. Nakita kong basta lang siyang kumuha ng upuan sa tabing kong lamesa.

"Pwede ka ng umalis." Simple kong sabi.

Pero hindi niya ako pinansin at pinag-cross niya ang kanyang dalawang hita at humarap sakin. Nakanguso pa siyang nakatingin sakin. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Hindi ko na lang siya pinansin at gumawa na ulit ako ng lesson plan.

Wala pang ilang segundo akong ganun lang ang ginawa pero parang ayaw ko ng tapusin ito! Nararamdaman ko kasi ang kanyang mga titig, kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.

"Can you please stop staring at me." Naiirita kong sabi, sabay tingin sa kanya.

"Why not?" Maloko niyang tanong sakin.

"You're interrupted me." Walang gana kong sagot sa kanyang tanong.

Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sa pagkausap ko sa kanya. Ano bang mapapala ko kung kakausapin ko ang lalaking ito. At isa pa, hindi ba siya hinahanap sa law firm? At nagawa niya pang pumunta dito para lang ano? Manggulo sakin?

Hindi ako nakatanggap ng salita mula sa kanya, bagkus ay bigla siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tinignan naman ako. Bakit ba ang hilig niyang gawin yun. Ganun lang din ang ginawa ko, sinundan ko siya ng tingin, dahil papalapit siya sakin.

Nakarating siya sa aking gilid ay mabilis niyang iniharap ang aking upuan sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung ano na namang gagawin niya ngayon. Pinantayan niya ang mukha dahilan yun para hindi ako makahinga ng maayos.

Hindi pa siya nakontento dahil inilapit pa niya ang kanyang mukha sakin. Halos isang dangkal ng daliri na lang ang nagsusulbing pagitan namang dalawa. Hahalikan niya ba ako? Pipikit kaya ako? Hindi ko alam! Ganyan ang mga bagay na pumapasok sa isip ko ngayon. Paano kung may pumasok na isang teacher dito sa faculty room, edi nakita kaming dalawa ngayon.

Mas lalo akong hindi mapakali, inilapit lang naman niya ang kanyang labi sa aking tenga dahilan yun para makiliti ako sa tenga. Nararamdaman ko rin ang kanyang hiniga na tumatama sa puno ng aking tenga. Hindi ko maiwasang mapalunok ng paulit-ulit. Parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil lang dun.

"Come home with me..." Mahina niyang bulong sa tenga ko.

Hindi ako makagalaw. Ni-hindi ko nga alam kung nahinga pa ba ako. Naiinit ang buong katawan ko kahit naka aircon naman dito sa loob ng faculty room. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Dahil hindi ako makakapagsalita kung patuloy lang akong mapapaapekto sa kanya.

"I can't... I'm sorry." Ayun na lang ang nasabi ko.

Akala ko magpupumilit pa siya. Pero hindi. Mabilis siyang lumayo sakin, hindi ko makita kung anong itsura niya, nakayuko lang ako pero nakikita ko ang kanyang paang papalayo sakin. Rinig na rinig ko ang kanyang yapak na papalayo mismo sa kinauupuan ko.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay dun lang ako nag-angat ng tingin. Umalis na nga siya. Bakit parang nalukungkot ako? Ano ba? Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Kanina gusto ko siyang umalis tapos ngayon namang nawala na siya at umalis, malungkot ako?

Gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko. Hindi ko na talaga maintindihan. Nasa ganun ako sitwasyon ng biglang tumunog ang cellphone ko sa lamesa. Sanhi yun para mapatingin ako dun. Mabilis ko iyong kinuha at tinignan kong sinong nag text sakin.

'I'll pick you up later,'

Unknown number yun, pero hindi ko na kailangan pang magtanong sa sarili o sa taong ito kung sino ba ang nagtext yun. Napangiti naman ng wala sa sarili dahil sa nabasa ko. Mabilis naman akong nareply.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now