Chapter 19

16 4 0
                                    


Ano bang ginawa mo sakin? Attorney, Louis Cadence Arceo!

Ilang minuto akong nakatayo lang at nakasandal sa may pintuan, ng aagaw ang atensyon ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya wala akong nagawa kundi kunin sa bag ko ang aking cellphone.

Isang text ang natanggap ko, mula sa unknown number. Hindi ko pa sana ito bubuksan ng naagaw nito ang atensyon ko dahil nabangit nito ang pangalang Louis. Hindi ko alam pero bakit parang bigla akong kinabahan dahil lang dun.

May posibilidad na ang kanyang ina ang nagtext sakin ngayon. At hindi ko alam kung bakit at kung para saan yun.

'Meet me at the nearest coffee shop, near at your apartment. Let's talk about my son, Louis.' Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino siya.

Paulit-ulit kong binasa ang text na yun. Hinihiling kong sana, mali lahat ng hinala ko at pagiisip ko ng kung ano-anong bagay. Wala akomg idea kung ano namang pang-lalait ang matatanggap ko sa kanya. Alam ko sarili kong nagamit ko si Attorney Arceo para sa pan-sarili kong kadahilaan.

Sadyang wala lang talaga akong pagpipilian at mapupuntahan ng araw na yun. Hindi ko gugustuhing manirahan sa bahay mismo ng kanyang anak. Kaya kahit na kinakabahan ako, pinilit ko ang aking sarili na kumalma.

Nagbihis ako ng mas aayos na damit para maging presentable ako sa harapan niya. Lumabas ako sa apartment ko ng tahimik, meron pa ring kaunting kaba sa aking dibdib habang dahan-dahan akong naglalakad papalabas. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang cellphone number ko.

Pero, hindi yun ang tumakbo sa isip ko ngayon. Nang tuluyan na akong makalabas sa gate, dumiretso ako sa coffee shop na sinasabi niya. Tahimik at kinakabahan akong naglalakad lang. Parang nawala ako sa aking sarili, pakiramdam ko talaga may kakaiba siyang sasabihin sakin. Alam kong hindi katanggap-tanggap ang mga sinabi niya sakin, dahil hinusgahan niya lang ako basta-basta.

Hindi naman kalayuan sa apartment ko ang coffee shop na iyon, kaya hindi ako nahirapang hanapin yun at isa pa nasa may kalsada lang yun. Pumasok ako sa loob nun, hindi ko pa man naihahakbang ang aking mga paa ng mahagip ng apking mata ang babaeng nakaupo dun sa hindi kalayuan.

Alam kong nakita niya ako dahil nakita kong tumingin siya sakin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at lumapit ako kung saan siya nakaupo. Nang makarating ako sa kanyang harapan ay tinitignan niya ako.

Hindi ko alam kung titig bang namamangha yun o pagkainis. Yumuko akl ng bahagya bago magsalita.

"Good evening ma'am." Magalang kung bati sa kanya.

Pero hindi niya ako pinansin at sabay turo sa kaharap nitong upuan. Kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niyang mangyari. Walang salita o ingay akong naupo dun. Ano bang ginawa ko sa kanya? At laging masama ang loob niya sakin.

Pagkaupo na pagkaupo ko mabilis noyang inilipag ang isang brown na envelope sa aking harapan. Taka akong nakatingin lang dun, hindi ko yun kinuha lang tanging tingin lang.

"I'm being honest with you." Mataray na sabi nito.

"I don't like you!" Halos ihampas na niya sa mukha ko ang bawat salitang yun.

Lahit na ganun ang mga sinabi niya ay hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. Ayaw kong magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Tinuro niya ang brown envelope na nasa lamesa.

"Open it." Demanding nitong utos sakin.

Kaagad ko namang kinuha yun. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope, kasabay nun ay ang pagtibok ng malakas ng puso ko at kinakabahan din ako. Pagbukas na pagbukas ko ay may laman ito. Mabilis ko yung kinuha. Bumungad sakin ang mga litrato na kuha sa kung saan-saang angulo.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon