Chapter 21

17 4 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kamot-kamot ko ang aking mga mata, at pinipilit na gumising. Nakatulog pala ako kagabi. Kaya hindi ko namalayang umaga na pala, kung hindi ko makaramdam ang init ng silaw ng liwanang na galing sa bintana ng aking kwarto. Hindi talaga ako magigising.

'Anong oras na ba?'

Napatingin ako sa oras na nasa tapat lang ng aking kama. Pagkadilat na pagkadilat ng aking mga mata ay sakto namang tumingin ko sa orasan. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon. Dali-dali akong nag-ayos ng aking sarili at pakakbong bumaba na sa kusina para makakain na ako kaagad. Dala-dala ko pa ang aking cellphone na hindi ko alam kung saan ko nakuha.

Malalate na ako sa class ko. Patakbo akong nakarating dun at naabutan kong nasa hapagkainin sina mommy at daddy. Taka at kunot noo silang tumingin sakin ng makita nila akong tumatakbo.

"Why you're in a hury?" Taas noong tanong ni Daddy sakin.

"I have class and I am going to be late, dad." Nagmamadali kong sabi kay daddy.

Pero ang narinig ko lang sa kanya ay ang pagtawa niya. At ganun din si Mommy na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. Hindi ako nainform na joker pala ang dating ko dito sa pamilya namin. Parehas ko silang tinaasan ng kilay.

"Ano bang nakakatawa?" Mataray kong tanong sa kanilang dalawa.

"It's Saturday." Para akong napahiya ng isang daang beses dahil sa narinig kong yun.

Kaya ang ginawa ko ay mabilis kong tinignan ang calendar sa may cellphone ko. At hindi nga sila nagkakamali dahil sabado ngayon! Nahihiya akong napayuko ng aking ulo at ngumoso. Naririnig ko pa rin ang pagtawa nilang dalawa.

'Wala bang katapusan!'

"Mom, Dad! Stop it!" Malakas kong sigaw.

Nang matapos silang matumawa ay dun lang naupo sa isang bakanteng upuan sa harapan ni Mommy. Naging tahimik ang buong hapag-kainan, parang kanina lang tumatawa silang dalawa. Tapos ngayon seryoso na ulit ang mukha nila na para bang walang nangyari. Kakaiba din ang mga magulang ko, sakin lang sila ganyan. May nakahanda na pa lang pagkain, kaya kumain na ako ng tahimik. At simula ng bumalik ako sa bahay na ito. Hindi sila nagtanong kung bakit ako bumalik o anong nagyari sakin.

Ilang taon na ang nakalipas, pero hindi ko sila magkausap ng maayos. Dahil lagi silang busy sa kompany na dapat daw ako na ang mamahala. Pero nung mga panahon na yun, puro pagtuturo lang sa mga bata ang tinaatupag ko. Hindi ko naman maiwasang maalala si Louis, hindi ko talaga inaasahan na ganun pala ang nagyari at magkikita kami ulit.

"May anak na pala siya...." Bulong ko sa aking sarili.

"Who?" Rinig kong tanong ni Daddy sakin.

Mabilis naman akong napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang pareho sakin. At hinihintay ang aking sagot. Nakalimutan ko nga palang ang tahimik ng pagilid kanina kaya hindi impossibleng marinig nila ako. Sigruo daw sa sobrang pag-iisip ko. Walang emosyon ako tingin sa aking mga magulang na para bang pinapahiwatig nun ay walang kakwenta-kwentang bagay.

"Kakilala ko lang." Simple kong sabi.

Hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy sila sa pagkain at ganun din ang ginawa ko. Wala pa man sa kalahati ang pagkain ko ng biglang magsalita si Mommy.

"We will pass the company on to you, Catherine." Seryosong sabi ng aking ina.

"Your mom is rigth. I am getting old, Catherine." Dagdag pang sabi ng aking ama.

Alam ko naman yun. Kaya nga tatangapin ko na, hindi na ako tatangi pa sa kanila. Total wala naman silang ibang anak maliban sakin, ako lang talaga ang taga-pagmana ng kompanya. Kaya ko lang naman tinaggihan yun noo. Dahil masyado akong nabulag at pagmamahal ko sa dati kong asawa. At gusto ko ring mamuhay ng simple lang kasama siya. Ang problema lang ay iniwan niya ako at sumama sa ibang babae.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now