Chapter 9

30 4 0
                                    

"That's why you're here. We need to talk about it." He said in a serious tone while looking at me.

Nakinig lang ako sa kanyang sasabihin. Gusto kong malaman kung ano ang dapat naming pagusapan. Alam ko sa sarili kong malaking tulong itong mga sasabihin niya sakin, kaya kailangan kong makinig ng aayos sa kanyang mga sasabihin.

"I will let signed it together with your soon to be ex-husband." Nanatiling seryoso ang kanyang mukha pati narin ang kanyang boses.

"But..." Hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ba kasi may pa-but but pa siyang nalalaman. Pwede namang sabihin ng diretso diba.

"On one condition." Ilang beses na ba akong napalunok ng laway ko? Hindi ko na mabilang dahil kinakabahan talaga ako.

Makikita mo talaga sa kanyang mukha na seryosong-seryoso siya sa mga sasabihin niya. Nanatiling tahimik lang ako, dahil sobrang kinakabahan talaga. Wala din akong idea sa condition niya. Siguro mas mabuti nalang ganun diba? Kaysa magbayad ako ng malaking halaga na kahit ikamatay ko ay dadalhin ko parin sa kabaong ko.

"What is it...?" Mahina kong sabi at para bang bulong nalang yun sa hangin.

"Can you pay me one hundred and fifty thousand pesos?" I can see how serious he was.

Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata at naghihintay ng aking sagot. Ikinalma ko muna ang aking sarili at gumanti ako ng titig sa kanya, para lang magmukha akong matapang sa kanyang harapan.

"I can't. I don't have enough money to pay you, Attorney." Buong tapang kong sabi sa kanya.

"Then. You need to pay me, but in a different way." Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti sakin.

At para bang nasisiyahan siya sa mga inaplano niya. Habang ako naman ay nangangatog na ang aking mga tuhod, kahit na sabihin ko sa kanyang ayaw ko ang mga binabalak niya ay wala akong magagawa dahil una sa lahat hindi ko kayang bayarin ang ganyan kalaking pera.

Mas mabuti pang tanggapin ko nalang ang condition niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang susunod na sasabihin. Alam kong kinakabahan ako, pero may pagpipilian pa ba ako? Kung meron lang bakit hindi diba. Kaso wala.

"Cook for me. Every breakfast, lunch, dinner." He says with a sexy smile.

Ano daw? Ipagluto ko siya? Yun lang? Akala ko naman kung ano na yung condition niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil lang sa kanyang kondisyon. Alam kong nakatingin na sakin lahat ng taong nandito ngayon sa restauran. Sinong hindi mapapatingin sakin, kung ang tawa ko ay mas malakas pa sa musika ng restaurant.

Sino ba namang tao ang ipagpapalit ang one hundred and fifty thousand pesos para lang ipagluto siya? Si Attorney Arceo na ata ang taong yun. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapigilang tumawa nakakatawa naman kasi siya. Nanatili lang naman siyang seryosong nakatingin sakin.

Nang makita ako ang reaksyon niya na hindi siya nagbibiro ay dun lang ako napatigil sa pagtawa at umaayos ng upo sa kaharap niyang upuan. Inayos ko muna ang buhok kong nagkagulo dahil sa pagtawa ko, umiimon pako ng tubig.

Bago ako nagsalita. "Are you serious about this?" Bakit pa ba ako nagtatanong kung nakikita ko naman sa kanyang mga mata na seryosong-seryoso talaga siya.

"Do you think I am joking? I gave you every easy condition. Cause you can't pay me my money." I can feel that he is frustrated because of me.

Dahan-dahan kong iniyuko ang ulo ko dahil sa pagkahiya. Oo nga naman, hindi ko siya kayang bayarin ng pera dahil wala ako nun. Nakakahiya, ano bang pumasok sa utak ko at tumawa pa ako. Hindi ko man lang naisip na ayun na nga ang pinakamadali sa lahat.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now