Chapter 22

13 4 0
                                    

Lunes ng umaga, nasa sasakyan ako at patungo kami ngayon sa school. At heto ako ngayon, ganito naman talaga ang palagi kong ginagawa. Kasama ko sa sasakyan si Ford siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko na kailangan pang sabi sa kanya kung saan kami pupunta ngayon dahil alam naman na niya yun.

Nakarating na kami sa school at nandito kami ngayon sa parking na malapit lang sa may gate. Hindi lang pala puro kinder ang nandito dahil may mga high school dun.

Huminto ang sinasakyan ko, naunang bumaba si Ford sasakyan at pumunta sa may pintuan, binuksan niya yun. Walang emosyon niya akong tinignan. Hindi ko alam kung ganun lang ba talaga siya o sadyang hindi niya lang pinapakita ang reaksyon sa lahat ng tao.

Dahan-dahan kong pinaba ang isang kong paa at ganun din ang isa ko pang paa, hanggang sa tuluyan na akong makalabas mula sa sasakyan. Narinig ko ang pagsara ni Ford sa pintuan.

"I'm fine. You can go home now," I said.

Alam kong malaking sampal sa kanya ang sinabi kong yun. At alam ko rin sasarilj kong hindi siya makikinig sakin, dahil si Daddy lang naman ang lagi niyang pinapakinggan. Hindi ako. Pero nagbabakasali pa rin ako. Hindi naman masama diba. Alam naman niyang hinding-hindi na ako tatakas pa, kaya pwede na siyang umuwi.

"You're not my boss." He said emotionless.

I knew it. Bakit ba hindi niya man lang ako sundin, kahit ngayon lang. Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa hindi naman na ako tatakas pa. Alam kong sinusunod niya lang ang binigay na trabaho sa kanila ni Daddy.

Mabilis ko siyang nilingon, ganun pa rin amg itsura ng kanyang mukha. Para siyang napilitan at hindi mo pa nabasa kung anong tumatakbo sa utal niya ngayon. Paano niya nagagawa yan? Tinaasan ko siya ng kilay, pero walang epekto sa kanya yun.

"Mukha ba akong hindii pagkakatiwalaan?" Mas lalo ko pang tinaasan ang kilay ko.

"Perhaps." Hindi man kang siya kumurap ng sabihin niya yun.

Nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa kanya. Ano? Gusto kong tumawa sa kanyang sinabi. Pero, hindi ko magawa dahil ayaw ko namang makagawa ng eksina dito mismo sa school. Kaya wala na lang akong nagawa kundi ang tarayan siya at mauna na akong maglakad.

Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nanjan siya sa aking likuran. Tahimik akong naglalakad ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ma'am Averie!" Sigaw ng maliit na boses.

Kaagad naman akong napalingon sa aking likuran at nakita ko isang batang lalaki. Patakbo siyang lumapit sakin at ngumiti. Napangiti din ako nagmakita ko siyang tumatakbo, habang ang kanyang maliit na bag naman ay nasa kanyag likuran.

'Ang cute.'

"Good morning, Ma'am." Magiliw nitong bati sakin.

"Clive... Good morning din," I said.

"Sinong naghatid sayo? Si Mommy ba?" Hindi ko alam kung bakit ko biglang natanong sa kanya yun.

Ngumiti naman siya sakin bago nagsalita. " Hindi po. Si Daddy po naghatid sakin ngayon." Pagkasabi na pagkasabi ng bata sakin at kaagad naman niyang tinuro ang kung sino.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang maliit na kaya na nakaturo sa kung saan. At dun nakita ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng coat at nakapasok sa dalawa niya bulsa ang kanyang mga kamah habang nakatingin samin.

He stood there seriously and looked at us. Ilang sandali niya ang tinignan ng binalingan naman niya ng tingin si Ford na nakatingin lang din sa kanya at walang emosyon sa kanyang mga mata. Nasa ganun akong sitwasyon at tanging nakatingin lang sa kanya ng biglang may humila sa aking braso.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now