Chapter 5

21 5 0
                                    

Dahang-dahan kong imunulat ang aking mga mata. Puting pader ang sumalubong sa aking paniningin. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. At wala rin akong matandaan, kung anong sumunod na pangyayari. Ang naalala ko ay biglang itunulak ng asawa ko sa hagdaan. Bumangon ako at naupo. Ipinaikot ko ang aking tingin sa buong paligid.

Ngayon ko lang napansin nasa hospital pala ako, based na rin sa dextrose at ang tubong naka-kabit sa aking kanang kamay. Nakatulala lang ako habang binabalikan at inaalala ko ang mga nagyari at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

"W-What are you doing.." Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Kung ayaw mong pirmahan yun, papatayin nalang kita." Kasabay ng pagkasabi niya nun ay ang pagtulak niya sakin.

Nanlalaki ang aking mga mata ng naitulak niya ako. Parang naging slow motion ang lahat. Kitang-kita ko pa ang kanyang seryosong mukha na para bang wala siyang pinagsisihan sa gagawin niya. Pakiramdam ko para akong nasa langit. Narinig ko ang pagtama ng aking buong katawan sa hagdanan.

Paikot-ikot ang paningin ko, masakit ang parte ng katawan ko kung saan tumatama ang bawat pag-gulong ko sa hagdanan. Ramdam ko rin na tumama ang ulo ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Namalayaan ko nalang na nakahiga na ako sa sahig. Hindi ko maigalaw ang katawan ko, dahil sa sobrang sakin nito.

Kita ko pang dahan-dahan siyang bumaba ng hagdanan habang nakatingin sakin. Ang paniningin ko naman ay unti-unting nawawala na. Pero bago ako mawaalan ng malay ay narinig ko pa ang kanyang sinabi.

"Rest well, Averie." I still can hear his voice. "Matulog ka ng mahimbing." Rinig ko pa ang kanyang mga yapak na papalayo sakin. Bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Averie! You're awake." Someone said and opened that door.

Nag-aalala siyang nakatingin sakin habang patakbong-lakad ang kanyang ginagawa papalapit sakin. Nang makalapit siya sakin ay kaagd niya akong niyakap ng mahigpit, sa sobrang higpit ay halos hindi na ako makahinga. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.

Nang matapos siyang yakapin ako ay mabilis niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at tumingin sakin. "Are you okay? How are you feeling?" Sunod-sunod niyang tanong sakin.

Mabilis naman akong ngumiti sa kanya at mahigpit ding hinawakan ang kanyang kamay. "I'm okay, Jovanna." Nakangiti ko pang sabi.

Pero, sa tingin ko hindi yun sapat na dahilan para lang maalis sa kanyang isipan ang pag-aalala sakin. Sino ba namang hindi diba? Malaman mo lang na ganito ang nagyari sa kaibigan mo, baka mag-wala ka bigla. Pilitin ko mang maging masaya ay hindi ko magagawa yun. Lahat ata ng kamalasan sa mundo ay nasa akin na. Mula sa pag-mamahal, pamilya. At lahat na.

Dahang-dahan niyang hinawakan ang ulo ko at malungkot siyang tumingin sakin. Hindi ko na kailagan pang itanong sa kanya yun dahil alam ko na. Alam na alam ko ng may benda ako sa ulo, dahil sa pagkakatanda ko tumama ang mismong ulo ko sa isang matigas na bagay at hindi ko malaman kong saan ako tumama. Iisa lang ang sigurado ako, sa pagtulak niya sakin kaya ako may benda ngayon.

Hindi ko aakalaing gagawin niya sakin ang lahat ng ito, at hindi ko rin inaasahang balak niya akong patayin dahil lang sa papel na yun. Ang asawa ko, matatawag pa ba kitang asawa ko? O isa ka ng halimaw ngayon. Inuyuko ko ang aking sarili at tumitig ako sa kamay naming dalawa.

"He pushed me on the stairs..." Malungkot kong kwento sa kanya.

Narinig ko naman ang kanyang mahinang pag-singhap at para bang nagulat siya sa aking sinabi. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko siyang gulat na gulat na nakatingin sakin. Malungkot lang ako ngimiti sa kanya at ipinagpa-tuloy ko na ang mga susunod kong sasabihin.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferWhere stories live. Discover now